PATRICK'S POV
Maaga akong nagising ngayon. Maaga akong aalis dito kayna Ella dahil may kailangan pa akong gawin. "Good morning, my angel! Aalis na muna ako ha. Matulog ka lang dyan ng mahimbing. I'll see you tomorrow at school. I love you!" sabi ko sa natutulog na Ella sabay kiss sa lips. Chancing lang? Haha. Hindi rin. Girlfriend ko naman to e. Nagpaalam na ako kay Tito at umuwi na sa bahay. Nagpalit na ko ng damit, at pagkatapos ay tinawagan ko ang babaeng impostora.
Calling Kath . . .
"Hello? Patrick?! I knew it. Hindi mo ko kayang tiisin!" "Syempre, bestfriend kita e.. ikaw yata si KATH." "Miss na kita Pat! Can we meet? I wanna see you badly" " Good idea! I'll meet you sa park dyan sa inyo?" "Sure thing! I'll wait for you here! Bye!" "Bye." Then I hung up the fone. Time to start my evil plan. >:)
------ Fast forward sa park --------------
I was about to enter the park when someone hugged me from behind. Hulaan ko kung sino to. -__________- Si impostora. "Pat! I'm so glad to see you! Tara upo tayo dun!" sabi nya sabay hila ng kamay ko. Nung makaupo na kami, nagsalita na ko. "Uhm. Kath.. tanda mo pa nung unang beses na magkakilala tayo?" tanong ko. Tingnan natin kung masasagot nya lahat ng mga ibabato kong tanong. "Yup. Gabi nun e. Sa park din tayo nagkakilala." Aba. Nasagot nya. "Ah. Wala lang. Haha. Natanong ko lang. Uhhmm. Tara Kath! Swing tayo dun oh!" "Oh no thanks, i hate swings. There's no friggin way that I'm gonna ride that!" "Oh really? No way that you're gonna ride that? Pero nung mga bata tayo lagi kang sumasakay dyan at nagpapatulak sakin? You love swings Kath. Well, that was what I thought..." sabi ko. "Y-yeah. B-but you know... People change." sabi nya. Okay, pagbigyan. Magsasalita na sana ako ng biglang may bumisinang kotse sa harap namin. Kotse pala ni Kath. "Hey Pat. I have to go now. Let's just talk again tomorrow? I'll just visit you sa school. Okay? Bye!" sabi nya at umalis na. Pssh. Hindi ko na natuloy plano ko. Okay lang. More time for preparation. Bukas nalang.
------ The next day -------
Maaga akong pumasok ng school ngayon. Excited akong makita si Ella e. Nakaupo lang ako dito. Chill lang. Wala na rin kasi kami masyadong gagawin. Puro preparation na lang for graduation. Kaya nga lahat kami dito nakawhite shirt. Required e. Arte noh? Dumadami na ang tao, pero hindi ko pa rin makita si Ella. Hindi ba sya papasok ngayon? Naglakad lakad na ko, baka sakaling makasalubong ko siya. Nakarating na ko dito sa may basketball court ng dko namamalayan. Walang tao dito kasi wala na namang klase e. Aalis na sana ako pero may nakita akong babaeng nakatalikod. D ako pwedeng magkamali, si Ella to. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nakikipag-usap sya dun sa grupo ng mga lalake kaya naman huminto ako sa may d kalayuan para marinig ang pinaguusapan nila. "Woah. Ella. D namin alam ganyan ka pala. Kala namin you're just a pretty girl next door, we didn't know you're HOT." sabi nung isang basketball player na may jersey number 13, habang may paghawak pa sa waist ni Ella. WHAT THE F***! ANG KAPAL NG MUKHA MONG LALAKE KA. "Oo nga e. Ang galing mo din magtanggal ng pagod. Pwede ba isa pa?" sabi nung number 27 sabay tabig dun kay number 13. ANG SARAP LANG PAGHAHAMPASIN NG MGA LALAKENG TO. Papalapit na sana ako pero napatigil ako sa kinatatayuan ko. Sino ba namang hindi magugulat sa nakita ko. HINALIKAN LANG NAMAN NG GIRLFRIEND KO SI NUMBER 27. "Wooooaahhh! Ang hot lang pre! Woyyyyyy. Kami namannn. Nagkakasarapan na kayo dyan haaaa!" sabi ni number 59. Pano ba naman, kung maghalikan tong dalawang to parang lalamunin na yung mukha ng isa't isa! ELLA. BAKIT MO NAGAWA TO SAKIN???????????? Pero alam nyo kung anong mas masakit. Yung makita si Ella na nageenjoy sa ginagawa nila. Kung san san na pumupunta yung kamay ng lalake. Si Ella naman, may pagsabunot pa dun sa hinayupak na lalake na yun. Halatang enjoy na enjoy. Mamaya-maya lang, bumitaw na sila sa isa't isa. Akala ko tapos na, pero alam nyo ba kung anong sunod na nangyari? Lumapit lang naman si Ella dun kay number 13 na nakaupo sa monoblock chair. Ang masaklap nito, hindi lang sya lumapit. Kumandong sya dun kay number 13 at nakipaghalikan na naman. They're making out inside the school. WHAT THE HELL ELLA. BAKIT ANG LANDI MO!!!!!!!! "Yan pare ang hot! Hahahaha. Sya alis na tayo mga tol! Nagkakasarapan na tong dalawang to e!" number 27. "Oo nga! Haha. Bukas, ako naman Ella ha!" number 59. Umalis na sila at papunta sila dito sa lugar kung saan nakatayo ako. Nagtago ako para di nila ako makita. "Grabe tol si Ella! Kala mo santa, Hindi naman pala. Hahaha." number 59 "Oo nga e. Kala ko nga boyfriend na nun si Patrick!" number 27 "Oo nga. Boyfriend na nga nya. Kaya nga mas nakakatempt yang si Ella e. Kasi kahit na may boyfriend na, lumalandi pa rin. Hahaha. Alam mo naman tol. kung alin ang bawal, yun ang masarap!" number 59 Nagtawanan lang sila habang papalabas ng court. Nag-iinit na talaga ang dugo ko kaya umalis na rin ako. Bago ako umalis, tiningnan ko muna sila Ella. Hoping na nananaginip lang ako at hindi totoo yung nakita ko. Pero hindi e. Totoong may iba syang kahalikan ngayon. At mukha ngang mas nageenjoy pa sya. Tanggal na yung tshirt ng lalake at kasalukuyang nasa laylayan ng tshirt ni Ella ang kamay ng lalake. AYOKO NA. HINDI KO NA KAYANG PANOORIN ANG SUSUNOD PANG MANGYAYARI. Dumiretso ako sa garden. Sa garden kung saan ko naconfirm na mahal ko si Ella. Sa garden kung saan namin pinagsaluhan ang first kiss namin. Napahiga lang ako sa damuhan dito. Nag-i-isip-isip. Nagulat nalang ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Patrick..." Tumayo na ako at lumingon dun sa boses. "Patrick, let's talk..." si Ella. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Ella." sabi ko with a cold voice. "Patrick, please. Listen to me. Ako si---" "I said, wala na tayong dapat pagusapan pa Ella. Hindi ka ba nakakaintindi?" "No. Please. Let me explain.. please. I love you Patrick." "Explain what, Ella? Na kasama dyan sa plano mong paglayo ang pakikipaglampungan mo sa ibang lalake! Oops, mali. sa ibang MGA LALAKI. ELLA KONTING RESPETO NAMAN. HINDI TAYO NAGBREAK. BOYRFRIEND MO PA RIN AKO." "W-what are you t-talking about?" "So ngayon magmamaang-maangan ka pa! IF I KNOW ENJOY NA ENJOY KA PA SA GINAGAWA NYO KANINA. THE FU** ELLA. I DIDN'T KNOW MALANDI KA PALA!" "HOW DARE YOU PATRICK! HINDI AKO MALANDI AND I DON'T KNOW WHAT YOU'RE TALKING ABOUT!" sabi nya, umiiyak na. Wow. Diba dapat ako ang umiiyak dito? "Ang sakit lang Ella. Akala ko iba ka. Tanggap ko naman kung lalayo ka e. I want to give you time to heal. Para pagdating ng panahon, maging okay tayo. Pero ano. ANONG NAPALA KO? GINAGAMIT MO PALA YUNG ORAS NA YUN PARA MAKIPAGLANDIAN SA IBANG MGA LALAKI?!" *SLAP* "HINDI KO ALAM KUNG ANONG MGA PINAGSASASABI MO PATRICK! BAKIT MO BA IPINAPASA SAKIN YAN. E IKAW NGA TONG NAKIKIPAGHALIKAN DUN SA BABAENG YUN KAGABI!" "AH SO GANTIHAN LANG TO?! HINDI KO GINUSTO YUN ELLA! KASI ALAM KO SA SARILI KO NA IKAW LANG ANG BABAENG HAHALIKAN KO NG BUONG PUSO. E IKAW? Parang ang saya mo kanina ah! Nahiya naman ako sayo kasi hindi kita kayang pasayahin ng katulad nun. Alam mo. Siguro nga, mas mabuting lumayo muna tayo sa isa't isa. At mas mabuti nga sigurong MAGBREAK NA MUNA TAYO. PARA NAMAN KUNG MAKITA NATING MAY KAHALIKAN ANG ISA SATIN, HINDI TAYO MASASAKTAN NG GANTO! WELL CONGRATS. TUMAGAL TAYO NG TWO DAYS." then I left her. Nasaktan ako ng sobra. Sobra sobra. Oo, alam kong sya si Kath. Tuwang tuwa nga ako diba? Excited na excited ako na makita sya at yakapin at pigilan na lumayo sakin. Pero bakit ganto? Bakit ganun pa ang nakita ko? Pano mo to nagawa sakin Ella? Nung medyo nakakalayo na ko, lumingon ulit ako dun sa garden. I just saw Ella standing there at the exact place kung san ko sya iniwan. Nakayuko lang. Umiiyak sya, for sure. Gustong gusto kong bumalik, pero hindi pwede. Panindigan mo ang sinabi at ginawa mo Patrick! Nasaktan ka rin. Dismissal time na pala. Hindi man lang ako nakaattend ng practice. Okay lang, may bukas pa naman. Lingon pa rin ako ng lingon dun sa garden. Andun pa rin si Ella, nakatayo. Hindi pa rin nagbabago ang pwesto. Paglingon ko sa harapan ko, nalaglag ang panga ko. Nakita ko si Ella na kasama yung si number 13 kanina. Lumingon ulit ako dun sa garden pero nandun pa rin naman si Ella. Don' t tell me................. Lumapit ako kung nasan sila. tinulak ko ng malakas si number 13 at sinuntok. Pagkatapos, hinila ko si Ella, ay mali. Si Kath, ay mali rin. YUNG IMPOSTORA papalayo. "Patrick ano ba! Nasasaktan ako" halos kaladkarin ko na kasi e. "Bakit mo sinabi sa kanilang si Ella ka! Tapos yung mga ginawa mo pa kanina.......... UGH KATH. HINDI MO BA ALAM NA SASAMA ANG TINGIN NILA KAY ELLA DAHIL SAYO?!" "I don't care about her! INAGAW KA NYA SAKIN, PAT!" "Hindi nya ko inagaw sayo! Kusa kong ibinigay ang puso ko sa kanya! Tigilan mo na sya!" "No wayy! I'm your bestfriend! Can't you see this necklace? Ako ang mahal mo Patrick! You're just confused!" sabi nya habang tinuturo ang necklace na suot nya. "Is that so? Sige nga. Remind me. Remind me why you gave that necklace to me. What's your reason kung bakit yan ang pendant ng necklace na yan?" Sabi ko sa kanya. "Ha-ha. Simple, kasi our lives are just like puzzles. Hindi tayo mabubuo kung wala ang isa't isa." sabi nya. I KNEW IT. "Oh talaga? Based on what I can remember... you have no reason for giving that necklace to me. Ang sabi mo pa noon, malalaman lang natin yung reason na yun in time." sabi ko, then I smirked. "Ah g-ganun b-ba. H-ha-ha. Medyo nakalimutan ko na kasi e. Mga bata pa tayo nun. Ahm. Tara na Pat!" aalis na sana sya, pero hinili ko sya pabalik. "Hindi mo ba talaga maalala o hindi mo lang alam? Tell me.... SINO KA..." "What are you talking about? I'm Kath!" "I said, who are you....." "Ano bang sinasabi mo Patrick? Ako to si Kath!" "LIAR!" tinalikod ko sya sakin at hinawi ang buhok nya. As expected, wala ang heart shaped birthmark. "The real Kath has a heart shaped birthmark sa batok nya. Now where's yours? Naerase through time? Oh c'mon Kath.. Oh, I mean IMPOSTORA.Sinong niloko mo!" Humarap na sya sakin. Kitang kita ang pagkagulat nya sa mga pangyayari. Hinigit ko ang necklace na suot nya, kaya medyo natauhan na sya. "O ano. Hindi ka na makapagsalita dyan. I don't know why you have this necklace with you, kaya naman kukunin ko na ha? I also don't know why you have the same face with Kath, pero isa lang ang masasabi ko. Magagaya mo man ang mukha nya, pero hindi ang ugali nya. Stop ruining our lives. GET LOST, IMPOSTOR!" sabi ko at tumalikod na para umalis. Pero hinawakan nya ang braso ko. "I AM NOT GOING ANYWHERE RIVERO! Hindi ako aalis hangga't dka nakakabayad sa utang mo sakin!." nababaliw na ba tong babaeng to? "ANONG UTANG? WALA AKONG UTANG KAHIT KANINO." sigaw ko. Irita na ko e. "Oh yes you do. You once promised a girl something. A promise which ruined her life. Now it's her time to ruin yours." sabi nya, then tumawa ng malakad. EVIL LAUGH. Dko alam pero nakaramdam ako ng takot. "I don't promise when I don't have the intention of fulfilling it." I said. "Well, you did before. Hm. Mukhang tapos na ang role ko dito. I'll see you soon Patrick. And I assure you, pag nagkita tayo, baliktad na ang mundo. Hahahaha." sabi nya at umalis na, pero huminto sya at lumingon ulit pabalik. "And oh, take good care of your Ella . . . . . . . . . Baka isang araw paglingon mo, WALA NA SYA." then she left. SI ELLA! nasabihan ko pa sya ng masasakit na salita dahil dun sa impostorang yun! UGGHH. Bakit ko ba nagawa yun? SHT! Pagdudahan ko na nga pala ang lahat, wag lang si Ella. IM SORRY ELLA. IM SO SORRY. Agad agad akong tumakbo pabalik dun sa garden. Pero wala na si Ella. I tried to call her, pero cannot be reached ang fone nya.
Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko.
Pero ibang-iba ito sa tibok kapag kinikilig ako o masaya.
Yung tibok ng puso ko ngayon?
Yung tibok na parang may mangyayaring masama.

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.