17. Rivalry

3 0 0
                                    


QUEN'S POV 

I'm back in US! Pero hindi ito ang ineexpect kong madatnan. Nasa labas palang ako ng bahay pero naririnig ko nang nagsisigawan sina Mama at Papa. What the hell is wrong again? Okay naman sila nung umalis ako ah. Bakit ganto na naman? The last time I saw them like this was 8 years ago. Tanda nyo pa ba yun? Well ako, tandang tanda ko pa yun.


I quietly entered the house, silently listening to their exchange of words. "We were okay Albert! Ang saya saya na natin but what! Bumalik ka na naman dyan sa ugali mong yan!" sabi ni mommy.


"My fault again! Why do you keep on blaming me pag nagkakaganto ako? Is it so wrong to be disappointed Vangie?!" sigaw naman ni Papa. "No it's not. But the way you handle your disappointment? WAY TOO MUCH ALBERT! Ano na naman ang balak mo Albert ha? Ipapapatay mo na naman sila? You will do stupid things again which will take a life of an innocent person?! Pasalamat ka, ang napatay mo dun sa sunog na yun 8 years ago is someone not related to that family or else baka naghire na sila ng private investigator para tuntunin ka. It's a wake up call that you were able to get away with that crime. Wag mo na sana ulitin pa!" sabi ni mommy. Wait. Sunog? Pinapatay? Killer si daddy?! "No Vangie! Habang buhay ang pamilyang yun! Habang buhay ang ROMMEL RIVERO NA YUN WALANG MAPAPALA ANG KUMPANYA NATIN. Lagi nalang tayong second best! It's our time to shine, hon. And it's their time to die..." bigla akong kinilabutan sa sinabing yun ni dad. Rommel RIVERO? Same surname as Patrick? I hope this is just a coincidence. "Stop it Albert! Bakit bumalik ka na naman sa pagiging ganyan? Dahil ba hindi mo naclose yung deal? Dahil ba sa mga Rivero na naman napunta yung clients? Please hon! Wake up. Nabubuhay naman tayo kahit hindi napupunta satin yung big clients e. Please. Wag mo na saktan ang pamilya ni Rommel. Kaibigan sila. Si Karla at si Patrick, wala silang kinalaman dito." at napanganga nalang ako dun. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya lumabas na ko ng bahay. Hindi talaga magregister sa utak ko yung mga narinig ko. Dad tried to kill Patrick's family before and he'll do it again? WHAT THE FUQ. Bakit sa dinami dami ng tao si Patrick pa? Barkada ko pa? Ang liit naman ng mundo na bago pa pala kami magkakilala, bago pa kami mag-agawan sa isang babae, may rivaly na rin palang nagaganap sa pamilya namin. Pero sa rivalry na to, buhay ang nakataya. Knowing my father, he will not hesitate to do those things if it means getting what he wants. Bakit kaya nya ko pinabalik dito? Don't tell me idadamay nya ko sa plano nya? NO WAY. I WILL NOT HARM A FRIEND. But I am also a son who wants to make his father proud. Argghhh. I don't know what to do anymore. Alam ko na! I will call Ella. Sya lang ang makakapagpagaan ng loob ko.


Calling Ella.

Ella.

(Hello Quen! How ar--- Wait, are you crying?) My mom and dad. Nag-aaway na naman sila. All because of this damn business. (What? Again?) Yes. And dad even planned on doing something which is not appropriate. Ella. I don't know what to do anymore. (Everything's gonna be alright.) "Okay... I have to go home now." (Call me again later. Stop crying. Take care Quen. I'm always here for you.) "I will. Thank you." Ibinaba ko na ang phone. I decided to go home, bahala na kung ano pang datnan ko dun. When I got inside. Nakita kong nakaupo sa sala si mom and dad. Unang nagsalita si daddy, tumayo at lumapit sakin. "Quen. I need you." "Need me for what?" "I need you to manage our business here in US. I need to go back to Philippines to fix some things." sabi ni Dad. Buti naman hindi nya ako uutusan pumatay... BUT STILL I CAN'T LET HIM HURT PATRICK. I need to do something.. and the only way to do it is to be a good son. "Yes dad. I will." sagot ko kahit labag sa kalooban ko. "Wow. I don't know kung anong nakain mo sa Pilipinas para bumait ka ng ganyan" dad said while tapping my shoulder. "Sana kumain ka rin nun para bumait ka na rin" nagsalita na si mommy na kanina pa tahimik. "Stop it Vangie kung ayaw mong mag-init ang ulo ko" sabi ni dad sabay tingin ng masama kay mommy. Umiwas nalang ng tingin si mom instead of talking back. "Sige na Quen. Mag-aayos lang ako ng papers." Papaalis na sana si dad pero bumalik ulit sya at lumapit ulit sakin. "And oh. Your mom and I have a surprise for you. Just go to your room." sabi ni dad and he smiled. I looked at mom and she just smiled too. Nagpunta nalang ako ng room ko and was shocked to see this girl sitting on my bed. "You...." eto nalang ang nasabi ko. "Hi Kuya! Missed me?" sabay tayo ng babaeng nakabalot ng benda ang mukha at yumakap sakin. "Little sis... you're back." ang kapatid ko. Ilang taon rin kami hindi nagkita. I'm so glad to finally see her again. Kahit pa hindi ko naman makita ang mukha nya kasi nakabalot to ng benda. "Yes kuya. I'm back. And this time... for good." I don't know pero bakit parang imbes na matuwa ako, kinabahan pa ko sa sinabi nya. -----


PATRICK'S POV


After kong ihatid si Ella sa kanila, umuwi na ko samin. Pagpasok ko palang ng pinto, puro masasayang mukha na agad ang nasalubong ko. Tapos andami pang pagkain sa table. Fiesta lang? "Anyareh ma?" tanong ko sa mommy ko na abot tenga ang ngiti. "Your dad just closed another deal. And this isn't just a deal. This is "the" deal!" sigaw ni mommy. "Kaya anak. We will celebrate today, okay?" sabi ni dad sabay akbay sakin. Nakaupo na kaming lahat sa table. Tahimik nung una tapos nagsalita na si dad. "So, Patrick. How are you and Ella?" tanong ni daddy. Napatigil naman ako sa pagkain ko dahil dun "Okay lang." tipid kong sagot. "Hay nako Rommel. Sila na! Hahaha." sabat ni mommy. "Ma! Dpa noh. Kakasimula ko lang manligaw." sagot ko. "Kakasimula? Hahaha. Nak! Hina mo. E ako unang kita ko palang sa mommy mo, niligawan ko na agad e." sabi ni daddy. "Weh Rommel. E ni hindi ka nga makapagsalita kapag kaharap mo ko e! Haha. Patrick anak. Wag ka maniniwala dyan sa tatay mo. Sinungaling yan. Ubod yan ng torpe. Kulang nalang yata ako ang manligaw e. Hahahaha. No wonder torpe ka rin. Hahahaha." inasar na naman ako ni mama. -______________- "Tigilan mo nga ako Karla. D ako torpe noh. Badboy hearthrob yata to nung bata ako. Pero ewan ko ba, pagdating sayo, nawawala tapang ko." wow. bumanat si daddy. "Ay nuxx! Bumanat ang asawa ko! Hahahaha." tawa na naman si mama. "Kaya Patrick, itaas mo na ang bandila ng mga Rivero. Sunggaban mo na!" ano ba tong pinagsasasabi ng tatay ko? "HOY! Anong sinasabi mong sunggab sunggab dyan uy! Bata pa yang mga yan. Tsaka na." sabat ni mommy. "Sunggab as in take the chance. Wag na sya magpakatorpe kasi baka maunahan pa sya ng iba. Hindi naman yung sunggab na katulad ng pagsunggab sa eat all you can buffet pag may party. Dumi talaga ng isip mo Karlababe." Karlababe? Hahahahaha. Yuck. Tanda na nila may endearment pa. Pero kung sa bagay, kung kami tatanda ni Ella na magkasama, hindi ako magsasawang tawagin syang baby kahit 80 years old na kami. "Ay agree ako dyan. Patrick! Kelan mo ba dadalhin dito si Ella? I want to meet her na." sabi ni mommy. "I already met her. Such a pretty child. No wonder nagustuhan sya ng anak natin. I like her for you, son!" sabi ni dad sabay ngiti. Hindi ko na rin maiwasang ngumiti. "Daya! Bakit ang daddy mo nameet na sya, ako hindi pa! Ay kung sa bagay, nameet ko na naman sya sa past life nya, pero ang dad mo hindi. OKAY. WE'RE EVEN. Hahahaha" ay eto talagang si mommy. Ipinagpipilitang resurrection ni Kath si Ella. Hahaha. Sorry po, medyo maluwag po ang tornilyo ng utak ng nanay ko. Pero labs ko to. "Tumigil na nga po kayo. Ako naman po magsasalita ha. I will let you meet Ella soon. Sasabihan ko nalang po kayo. Bale, isang bagsakan nalang po yun. Pag mineet nyo sya, yun na rin po yung pamamanhikan natin. So sunod, kakasal na kami. Ayos ba yun?" JOKE KO. Hahaha. Papahuli ba naman ako sa kabaliwan ng mga magulang ko? "Ipapaayos ko na ang simbahan!" sabi ni dad sabay apir sakin. "HOY. MAGSITIGIL KAYO HA.... Hindi pa ko nakakapagpasukat ng gown." sabi ni mommy. Nagkatinginan kaming lahat at... "HAHAHAHAHAAAAA!" kami. "Nakakatawa tayo. Para tayong mga bata." sabi ni daddy. "Sana lagi nalang may nacoclose na deal si daddy. Para lagi tayong ganto kasaya." pagkasabi ko nyan, nagsitahimik sila at napatingin sakin. "Did I say something wrong?" tanong ko. Tunawin ba naman ako ng titig. "We're just happy na despite my absences as a father to you, ganto pa rin tayo. Hindi ka pa rin malayo sakin. You're comfortable with me even though I do not spend most of my time with you." pagdadrama ni daddy. "Sus dad. Wala yun. Bumabawi ka naman lagi pag may time ka e. Katulad ngayon. O diba, updated na kayo sa lovelife ko." Pagkasabi ko nun, nagtawanan na naman kaming lahat. Sana lagi nalang kaming ganto kasaya.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now