15. I Know I'm not the One

10 0 0
                                    


QUEN'S POV 


Andito ako ngayon sa may bench sa loob ng venue ng ball. Nakahiwalay ako sa barkada kasi ayaw kong ipakita sa kanilang nasasaktan ako. Kasalukuyan kong pinapanood si Ella at Patrick na nagsasayaw ngayon. Sabi nila, importante daw ang first at last dance mo sa mga gantong okasyon. Masaya ako kasi ako ang first dance nya, pero parang wala din naman yung halaga kasi alam kong hindi rin naman sya nag-enjoy. Ang sarap balikan ng nakaraan namin ni Ella kahit pa may mga panahong napagkakamalan nyang ako yung nasa ala-ala kahit hindi naman ako. Ako naman, dahil sa sobrang pagkainlove ko sa kanya, umo-oo nalang ako at sinasabi kong ako yun kahit hindi naman talaga ako. Naguguluhan na ba kayo? O flashback nalang. --FLASHBACK------------------------------------------------------------------ TIME SETTING : 12 years old sina Ella at Quen 8 years old kami unang nagkakilala ni Ella diba? Simula nun mas lalo pa kaming naging close. Andami na naming pinagsamahan. Sya ang first love ko, kahit nga first kiss e. O, wag madumi ang isip ha. Sa States kasi, hindi mashadong big deal ang pagkikiss kahit bata pa kayo. So yun. Nandito kami ngayon ni Ella sa may fish pond kung san kami unang nagkita. Dito na kami laging tumatambay. Lagi rin kasing wala sina mama at papa, tapos madalas din wala ang mommy at daddy ni Ella kaya kami nalang lagi ang magkasama. "Hayy. Ang bilis noh. 4 years na pala tayong friends! Parang kelan lang tinatanong ko pa lang ang pangalan mo. Haha." sabi ko sa kanya. "Oo nga e. Tanda ko pa nun, mukha kang ewan. Hahaha." pang-aasar nya. "Hay nako. E may tatalo pa ba dun sa epic mong mukha nung nadapa ka sa may putikan? Hahahha. Grabe. Hahahaha." ganti ko sa kanya. "Anyenyenye. Sama mo talaga. Kaya pala d maipaliwanag yung mukha mo nun. Kasi pinipigilan mo lang ang tawa mo. Hmf!" kunwaring tampo nya. "Sus. Tampo naman agad to. Haha. Bati na tayo please. Pagbebake mo pa ko ng cake e. Please please. Gusto ko na ulit matikman yung cake mong napakasaraaappp" sabi ko habang nagpapacute. "Ako? Masarap magbake? Hahaha. Si yaya pwede pa. Hahaha. Tsaka sus. Ikaw nga tong masarap magbake e! Tanda mo nung 8 years old tayo? Pinagbake mo ko ng cake? Ang sarap nga nun e. Hahaha. Tanda ko pa inasar ka pa ni mommy nun na ipakasal nalang daw nya tayong dalawa kasi marunong ka na magbake. Hahaha." Hindi ako nakaimik dun sa sinabi ni Ella. Wala namang nangyaring ganun sa buhay namin e. Never ko pa syang pinagbake ng cake dahil unang-una, hindi ako marunong dahil nga laging wala si mommy sa bahay kaya walang nagtuturo sakin. Meron kaming yaya pero d naman kami close. "Huy! Natahimik ka dyan? Bakit? Dmo na ba naaalala? Awwww. Siguro napilitan ka lang gawin yun noon kaya d mo na matandaan ngayon." malungkot na sabi ni Ella. "Ha? Oo. Tanda ko. Ha- ha - ha- Nakakahiya nga nun e. Ha-ha" sabi ko sabay fake laugh. Ayaw ko namang isipin nya na wala akong maalala kahit wala naman talaga. Ayaw ko lang makita syang malungkot. "Haha! Buti naman tanda mo! Tara na? Maggagabi na oh." sabi nya at tumayo na rin sya. "Okay. Take care Ella. Bye. See you tomorrow." nagpaalam na ko at umalis na rin. Still dumbfounded from what Ella said. I'm not that old to forget things. It's either it didn't really happen or it did happen but I'm not the one that Ella's talking about. I don't know. Papabayaan ko nalang to. As if naman mDiegoor issue to. Sus. ----TIME SETTING : 15 Years old sina Ella and Quen--- Andito kami ngayon sa cafeteria ng school namin. Mahaba ang lunch break ngayon e. Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita na si Ella. "Quen, I'm so bothered." sabi nya "Huh? Whyy?" tanong ko. "I had this weird dream...." "What dream?" "There's a guy and a girl. They were children. Probaby 7-10 years old. Ang saya saya nila. Palagi silang naglalaro, nagtatawanan. I tried calling them, pero hindi nila ako naririnig." "What about that? Baka naman tayo lang yun when we were young?" sabi ko sa kanya. "I don't know Quen, the place was different. The little girl was me pero nakatalikod sakin yung batang lalaki e, so I wasn't able to see his face. Kung haharap naman siya sakin, his face is blurred." sabi nya "Ohh kay. But why do seem so bothered? Ano naman kung ganun ang panaginip mo?" tanong ko. Nagtataka rin ako e. What's the big deal with this? "Kasi parang nangyari talaga yun dati. I just can't remember. Ilang beses ko na rin yun napapanaginipan. And laging ending ng panaginip na yun ay smoke. I was suffocated with smoke and then yun, magigising nalang ako. I just wanna know kung sino yung little guy" kwento ni Ella habang nakatulala. "You know what. Baka naman naiisip mo lang yan. I mean diba ang panaginip, it lies in our subconscious mind? Minsan daw, napapanaginipan natin yung mga bagay na gusto natin mangyari. Baka naman I'm the boy and you're the girl in your dream, tapos namimiss mo na yung times na naglalaro tayo ng ganun kaya napapanaginipan mo na." explanation ko. Hindi na rin kasi kami nakakapagbond ng ganun ni Ella. I mean, magkasama kami lagi pero syempre, as teenagers, aasahan nyo pa bang maglalaro kami sa playground? "I don't know...." sabi nya. "Wag mo na mashadong isipin okay? It's just a dream. Smile na." sabi ko. seryoso kasi mukha nya e. "Haha. Tara na nga! Magtatime na." sabi nya at tumayo na paalis. ------END OF FLASHBACK-------- Noon palang, alam kong hindi talaga ako ang laman ng puso nya. Pero pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko. Dati, memoryang hindi nya maalala lang ang kalaban ko. Madali pa yun kasi kayang kaya kong sabihin na ako lang yun kahit hindi naman ako yun. Oo, alam kong mali. Pero ganun naman pag nagmamahal diba, nagiging tanga. Gusto ko nang itama ang pagkakamali kong yun. Tinanggalan ko si Ella ng karapatang malaman at mahanap yung batang lalaking lagi nyang napapanaginipan at naaalala noon. Kung sino man yung batang yun, I'm sorry kasi naging selfish ako kay Ella. Hindi ko hinayaang maalala ka nya ng tuluyan. Ipinipilit ko lagi sa kanya na ako ikaw kahit hindi naman ako yun. Kaya ngayon, gagawin ko kung ano ang tama. I will let Ella be with Patrick. Kahit gano kasakit, I will give my full support to them. No matter what. I once promised my mom that I will not be selfish. I broke that promise before, it's about time na panindigan ko yun. Sabi nga ni mommy, "Learn to let go when you know it's not yours" I hope you'll be happy with him, Ella. I hope I made the right decision this time. Nakaupo lang ako dito nang biglang may tumawag sakin. "Quennie! Bakit ka nandyan? Andun yung table natin ohhh!" Si Kiray. "Emo lang ang peg mo tol?" sabi ni EJ. "Hahaha. Kayo talaga!" I'm thankful for these guys. Sa onting panahon ko dito I was able to find people like them. "Halika na d----" hindi na natuloy ni Kiray ang sasabihin nya dahil may tumawag sa fone ko. "Excuse me guys. Sunod nalang ako dun" sabi ko sabay at sinagot ko na yung fone ko. "Hello dad? (Quen, you have to go back here this instant) "What? Why?" (Something about our business. The company needs you. And there's something you have to know) "Alright. I'll go back there tomorrow" (Good. See you soon, son) "Bye dad" Binaba ko na yung fone. Lumapit ako sa barkada. "Guys. I'm leaving..." sabi ko. "Whatt. Aga pa! D pa tapos ang ball! KJ naman to!" sabi ni Neil. "No guys. I'm going back to US" at napanganga naman silang lahat sa sinabi ko. "Why Quen?" Si Ella. Napatayo na sa upuan nya. "Pinapabalik na ko ng daddy e. Haha. I still have to fix my things, so aalis na rin ako ngayon ng maaga." sagot ko. "Is it about business? C'mon, Quen, it's not you. You used to say no to your dad especially when it comes to that matter. What makes you say yes?" sabi ni Ella. "Let's just say that I'm becoming a good son now." sabi ko, sabay smile. "Awwww. Sya sige pare. Ingat ka ha! Hatid ka namin bukas sa airport! Text mo kami kung anong oras ka aalis!" Sabi ni DIEGO. "We'll miss you Quen!" sabi ni Julia sabay hug. Niyakap na rin ako ng buong barkada. After ng hug moment namin, umalis na ko sa venue ng ball. Iniisip ko pa rin yung tanong ni Ella. Dati naman, nagagawa kong tanggihan si dad pagdating sa business namin, pero ngayon.. napa-oo nalang ako bigla. Siguro kasi kailangan ko na rin umalis. Kasi yung nag-iisang dahilan ko para bumalik dito sa Pilipinas... ay nasa piling na ng iba. Kaya wala na rin akong dahilan pa para magstay. Sumakay na ko sa sasakyan. And for the last time, tiningnan ko ang school na to. Ang lugar kung saan sumaya at nasaktan ako at the same time. I'll never forget this place. Dahil dito, namulat ako sa katotohanan.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now