PATRICK'S POV
Lalapitan at yayakapin ko na sana si Ella pero bigla akong napatigil dahil nagulat ako sa narinig ko. "Patrick bro! Kanina ka pa hinahanap ng barkada!" Si Quen. Loading . . . . . . . Si Quen... Kasama ni Ella... Ibig sabihin.... Sya ang pinili nya? "Uy. Bro. Okay ka lang? Bakit ka tulala? Kanina pa nagstart ang program. 7:30 na oh. Ano pang ginagawa mo dito? Tara na sa venue. Ay teka, tatawagan ko muna pala ang barkada. Kanina pa nagwoworry ang mga to e. Excuse me muna" Sabi ni Quen at lumayo muna samin para tawagan ang barkada. Totoo pala yung oras kanina. Hindi pala sira ang relo ko. Mahigit isang oras din pala akong naghintay kay Ella... Naghintay para makita syang kasama ng iba. Tiningnan ko si Ella at nalaman kong nakatingin rin sya sakin. Kita mo sa mukha nya ang pag-a-alala. Parang gusto kong umiyak. Pero hindi pwede. "Patrick I'm s---" panimula nya. "Sshh. Ella. It's okay. I understand" Nagsmile ako. A fake smile. "Pero Patrick..." "Okay lang talaga Ella. Diba sabi ko basta masaya ka, masaya na rin ako? So make sure you enjoy this night with him. Not only this night but every day of your life. Kahit masakit tatanggapin kong sya ang pinili mo. Sya ang mas mahal mo" Pagkasabi ko nito, niyakap ko si Ella. "I love you Ella, but I'm letting you go." at kumalas na ko sa yakap namin. "Guys, tara na? Magsisimula na daw idistribute yung food." sabi ni Quen. "Tara na." sabi ko at nauna na kong maglakad sa kanilang dalawa. Hindi ko kasi kayang sabayan sila. Ang sakit sakit. Hindi ko alam, tumutulo na pala tong mga luha ko. Pinahiran ko agad ang mga to, pero wala e. Dire diretso talaga ang pagbagsak nila. "Ella, mahal na mahal kita . . . . . . ." bulong ko sa sarili ko. Medyo malayo layo na ang agwat namin kaya hindi nila to narinig. -------- QUEN'S POV Kasama ko ngayon si Ella, pero ramdam kong hindi sya masaya. She's so close to me, yet she's still so far. Kung alam nyo lang kung papano sya nag-alala kanina nung wala pa si Patrick sa venue. --FLASHBACK-- 6:30 kami dumating sa venue. Syempre sabay kami ni Ella kasi sinundo ko sya sa kanila. Nakita na rin namin ang barkada dito except for Patrick. "Guys!" tawag ko sa kanila habang naglalakad palapit. Pagtingin nila samin, gulat na gulat sila. "Magkasama kayo????" tanong ni Julia. "Uh. Oo? Ako ang date nya e." sabi ko sabay tingin kay Ella na seryoso lang ang mukha. "Ikaw ang pinili nya????" sabi ni Kiray. "Pinili?" Huh? Anong pinili? "Wala. Wala. Hehehe. Guys, pakitawagan naman si Patrick please." sabi ni DIEGO. Habang tinatawagan nila si Patrick, nagpunta na kami sa table namin. Pansin ko tahimik at parang hindi mapakali tong si Ella. Tingin kasi sya ng tingin kung saan saan. "Ella, okay ka lang? Parang may hinahanap ka?" Alam ko naman na hinahanap nya si Patrick e. Hindi ko lang matanggap. "Ah. Wala. Wala. Upo na tayo." She smiled. A fake smile. Pagkaupo namin, nagsalita ulit si Ella. "Guys, nacontact nyo na ba si Patrick?" "No Ella eh. I can't contact Patrick" sabi ni EJ. "Me too. Kinakabahan na ko. Nasan na kaya yun?" sabi ni ate Yen. "Tara DIEGO, hanapin muna natin si Patrick." sabi ni Kuya Neil. Paalis na sana sila, nang biglang nagsalita si Ella. "Ako nalang guys. I know exactly where I can find him." Tumayo na sya at aalis na sana pero pinigilan ko sya. "Ella, I'll come with you." sabi ko at pumayag naman sya. At ayun, nagmadali na kaming lumakad pero nauna si Ella sakin ng konti dahil tumatakbo na sya. Take note, nakaheels pa yan ah. Ganyan na yata talaga sya mag-alala kay Patrick. Mamaya-maya lang nakarating kami dun sa garden at andun nga si Patrick. Teka, ba't alam ni Ella kung san makikita si Patrick? "Patrick!" Sigaw ni Ella. "Ella! Dumating ka!" Huh? Dumating? Magkikita dapat sila? Ba't hindi ko to alam? Yayakapin na sana ni Patrick si Ella, pero nagsalita ako kaya naman napatigil sya sa kinatatayuan nya. "Patrick bro! Kanina ka pa hinahanap ng barkada!" sabi ko, at ang gulat sa mukha nya ay napalitan ng lungkot. ------END OF FLASHBACK----------- "Ella, are you okay?" tanong ko sa kanya. Naglalakad kami ngayon papunta sa venue. "Y-yes." sagot nya. Nanginginig ang boses nya. Narealize kong umiiyak pala sya. "Ella? Why are you crying?" We stopped for a while at hinawakan ko ang dalawang balikat nya. "Don't mind me Quen. Excited lang ako sa ball na to. Ha-ha-ha. Tara na." Fake laugh nya at naglakad na sya ulit. Nakarating na kami sa venue ng ball. Nauna samin si Patrick kaya pagpasok namin, nakaupo na sya sa table ng barkada. Katulad ni Ella, tulala rin sya. "Yes. Finally, nakarating na rin kayo. Makakakain na tayo!" sabi ni Kiray. At ayun, kumain na kami. Pagkatapos namin kumain, nagsimula na ang slow dances. Lumapit ako sa may DJ at nagrequest ng kanta. Isang kantang bagay sa sitwasyon ko ngayon. Pagkatapos, bumalik na ko sa table ng barkada at niyaya si Ella magsayaw. Pumayag naman sya at eto kami, naglalakad papunta sa dance floor. Nagsimula nang tumugtog ang kanta. Kaya naman nagsimula na rin kaming sumayaw. Nakalagay ang mga kamay nya sa balikat ko, at ako naman, hawak ko ang bewang nya. You're in my arms And all the world is calm The music playing on for only two So close together And when I'm with you So close to feeling alive Walang nagsasalita saming dalawa ni Ella ngayon. Ang alam ko lang masaya ako ngayong kasama ko sya. Kahit pa ramdam kong hindi sya ganun kasayang kasama ako. A life goes by Romantic dreams will stop So I bid mine goodbye and never knew So close was waiting, waiting here with you And now forever I know All that I wanted to hold you So close Kung sana pwedeng ganto nalang palagi. Kaming dalawa ni Ella. Sana hindi nalang sya umalis sa states. Siguro kung nandun pa rin kami hanggang ngayon, hindi ganto kagulo ang sitwasyon. Wala akong ibang gusto kundi makasama sya. I know Ella is the girl for me, but I don't think she feels the same way anymore. So close to reaching that famous happy ending Almost believing this was not pretend And now you're beside me and look how far we've come So far we are so close Okay na sana e. Ang saya saya na namin dati. Pero kinailangan nyang umalis, kaya eto. Nagkagulo gulo na. Kaya naman sumunod ako dito para makasama ulit sya. Para maayos ulit ang lahat. But I guess . . . How could I face the faceless days If I should lose you now? "Quen..." sabi ni Ella. "Shh. Ella. Let's enjoy this moment. After this, hahayaan na kitang maging masaya..." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. We're so close To reaching that famous happy ending "What do you mean?" tanong nya sakin. I smiled at her. A genuine smile, but full of pain. Then I hugged her. She hugged me back. And almost believing this was not pretend Let's go on dreaming for we know we are "Masaya akong ako ang pinili mo... Masaya akong ako ang kasama mo ngayon... So close So close And still so far ...Pero alam kong hindi ka masaya kasi iba naman talaga ang gusto mong makasama ngayon." Natapos na ang kantang nirequest ko at nagplay na ng bagong music. Bumitaw na kami ni Ella sa pagkakayakap. Lumabas muna kami ng venue at umupo dun sa may bench sa labas. Napansin kong teary eyed sya. "Q-quen, b-bakit?" tanong nya sakin, habang pabagsak na ang luha nya. "Sabi ko naman sayo na gamitin mo yang puso mo e. But you still insisted on using your mind. Patrick asked you to be his date too right? And he was waiting for you sa may garden. Am I right? I'm smart Ella. Haha. Pero mas lalong hindi ako manhid." sabi ko kay Ella. "Im sorry..." ang tanging nasabi ni Ella. "You don't have to be sorry. After all this time, kapakanan ko pa rin ang iniisip mo. You do not want me to get hurt kaya ako pa rin ang pinili mo diba? Even if it means hurting yourself..." Hindi na nakapagsalita si Ella, umiiyak nalang sya ngayon. Ramdam kong napapaiyak na rin ako. Pero ayaw kong makita ako ni Ella na nasasaktan ng ganto. I don't want her to worry that much. Hinarap ko sya sakin at hinawakan ko ang mukha nya, sabay pinahiran ang mga luha nya. "I love you so much, Ella." Dinikit ko ang noo ko sa noo nya. Umiiyak na rin ako ngayon. "I love you too, Quen. It's just that...." "You love someone else more." dugtong ko sa sinasabi nya. Ang sakit aminin sa sarili ko pero kailangan. "I'm sorry, Quen." "No need to say sorry." Humiwalay na ko sa kanya. Pero hawak ko pa rin ang mukha nya, at hawak naman nya ang kamay kong yun. "It's not your fault our story's like the song played earlier." dagdag ko. "So close?" tanong nya. "Haha. Yes. So close, yet still so far. Nasakin ka man ngayon, pero ang puso mo, naka'y Patrick" Ngumiti sya upon hearing Patrick's name. Binitawan ko na sya. At napatingin naman sya sakin. "I think you have to go back inside and be with him." sabi ko, it's time I let her go. "What about you?" tanong nya. "Ayan ka na naman e. Ako na naman iisipin mo. Ella, sige na. Pag nagbago pa ang isip ko, magpapakakontrabida ako dito! Hahaha." sabi ko. "Hahaha. Sige na nga. Okay ka lang dyan ha. Thank you Quen! Thank you my first love." sabay yakap nya sakin, at kiss sa cheeks. Pagkatapos nun, tumakbo na sya papasok. I wish you the best, Ella and Patrick.... ------ PATRICK'S POV Ang sweet ni Ella at Quen. Nagyakapan pa sila sa may dance floor kanina. Tapos lumabas pa sila ng venue. Baka gusto ng alone time. Hayy. Ang puso ko, bibigay na yata. Kung pwede lang makamatay ang broken heart, baka ipinagluluksa na ko dito. "Bro. Okay ka lang? Daming chicks dito oh! Sunggab na!" sabi ni Neil. Tadjakan ko to e. "Pwede ba bro..." "Oo na. Oo na. Heartbroken ka. Tsk." ipamukha ba naman sakin. "Labas muna ako ha. Dko na kaya atmosphere dito. Ang daming sweet." tumayo na ko sa table namin at lumabas. Nagpapahangin lang ako dito sa labas at nagpapakaemo. Pero hindi naman ako umiiyak. Kumusta na kaya sina Ella at Quen? Siguro sila na ngayon... Hayyy. Napapikit ako sa thought na yun. Hindi ko yata kakayaning makita sila araw araw na sweet. Magpapalipat nalang siguro ako ng section. Habang nag-iisip-isip ako dito, naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod. Nagulat ako kaya bigla akong napaharap sa kanya at natanggal ang pagkakayakap nya sakin. Napanganga nalang ako nung makita ko kung sino. "Ella, anong ginagawa mo dito?" Hindi sya sumagot. Niyakap nalang nya ako ulit. Gulat pa rin ako sa pangyayari, pero hindi ko na namalayang niyayakap ko na rin pala sya pabalik. Kung alam mo lang kung gano kita kamahal...Ella.

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanficThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.