PATRICK'S POV
"Ella, I love you."
"Patrick...
I love you.....
But not the way you do. I'm sorry Patrick. You're special, but my heart belongs to
someone else. Sorry." sabay bitaw nya sa yakap nya sakin at lumabas ng dressing room
namin.
Eto ako, naiwan na namang tulala. Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko
pero hindi ko pa rin ito nagagawang pahiran. Hindi ako makagalaw. Ang sikip ng dibdib ko.
Ang sakit sakit.
Bakit?
Bakit kung kelan handa na kong pakawalan si Kath at mahalin si Ella ng buong buo, tsaka
kailangan kong malaman to.
Akala ko may nararamdaman na rin sakin si Ella. Pag kasama ko sya, ramdam kong
mahalaga ako sa kanya.
Pero ngayon ko lang napagtanto, magkaiba nga pala talaga ang mahalaga sa mahal.
Oo, mahalaga ako sa kanya, pero meron syang ibang mahal.
Ang swerte ng lalaking yun, kung sino man sya. Buti pa sya. Buti pa sya kasi nasa kanya
ang puso ni Ella.
Tulala lang ako dito nang biglang may pumasok sa dressing room namin.
"Broooo!! Galing nyo--------- PATRICK! Bakit ka umiiyak? Nasan si Ella? Anong
nangyari?" Si Neil, kasama ang buong barkada.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa mata ko.
"Bunso, sige na. Anong problema?" Sabi ni ate Yen.
Napatingin nalang ako sa kanilang lahat at lalong napaiyak.
"Mahal ko na *sob* si Ella *sob*. Inamin ko na lahat sa kanya. *sob* Nag-effort pa
nga ako *sob* para maparamdam ko talaga yung *sob* pagmamahal kong
yun. *sob* Akala ko, she feels the same *sob* pero.... *sob* *sob* *sob* may mahal
na pala syang iba." Humagulgol na ko sa sobrang sakit.
"Patrick. Shhh. Tahan na. Makakahanap ka rin ng iba, okay?" Julia.
"Tama na Patrick. Wag mo na isipin yun. Okay? Hahakot ka pa ng awards oh. Sige
na." Kiray
"Oo nga bro. Sayang gwapo mo oh. Malalamangan ka na ng ibang kalaban nyo
nyan" EJ
"Lam mo bro. Kalma ka na muna. Nawawala angas mo oh." DIEGO
Pagkasabi nya nun, tinulak ko sya pero d naman kalakasan. Sakto lang.
"Oopsieeee. Mukhang okay na ulit to. Nangbubully na naman ohhh.
Hahaha" DIEGO.
Nagtawanan ang barkada at nakitawa na rin ako. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko
kahit ang sakit pa rin. At least nabawasan diba? Hayy. Thankful talaga ako sa mga kaibigan
ko.
Mamaya maya lang, lumabas na sila ng dressing room. Ipinatawag na rin kaming lahat ng
contestants sa stage. Hindi na bumalik si Ella sa dressing room, nagkita nalang kami nung
pinatawag na yung mga contestants.
Sabay kaming umakyat ng stage. Nung una, seryoso pa ang mga mukha namin. Hindi rin
kami nag-uusap. Pero nung makaakyat na kami ng stage, pinilit naming ngumiti at
umaktong sweet sa isa't isa kahit pa nasasaktan na ako ng sobra.
Nagkatinginan kami nina DIEGO at Julia, ang they gave me a weak smile. I smiled back,
pain evident on my face.
Di nagtagal, tinawag na rin yung winners. Special awards muna.
"Okay, for the Most Kilig Valentine Photo.... our winners are... yes you heard it
right. We have a tie! Let's give a warm round of applause for DIEGO&Julia and
Patrick&Ella" Emcee. Nagpalakpakan ang mga tao at isinigaw ang mga pangalan namin.
Magkaholding hands kami ni Ella na lumapit sa emcee. Nakangiti na parang walang mali.
Nakuha na namin ang certificates namin at bumalik na kami sa pwesto.
"Congratulations to our real life couples. Hahahaha. Kakakilig sila righttt? " At
nagsigawan na naman ang audience.
Pssh. Real life couples. Baka sina DIEGO lang yun. Asa pa naman ako.
"Habang nag-uusap pa ang mga judges, ienjoy nyo muna ang video clip na
ito." Sabi ng emcee.
Tinanggal na saming mga contestants ang spotlight at itinutok dun sa white screen kung
saan nakaflash yung video clip.
"Patrick" Si Ella, tinatawag ako.
"...."
"Patrick, please. Wag ka namang ganyan. Friends tayo diba? Patrick
naman..." malungkot nyang sabi habang nakatingin sakin.
"Ella. Please lang. Oo friends tayo. Pero sana malinaw sayo na nasaktan ako. Hindi
ko pa kayang bumalik sa pagiging friend mo at umastang parang okay lang ang
lahat. Ella mahal kita. Akala ko ganun din ang nararamdaman mo sakin, pero ano.
Bigla mo nalang sinabi na may mahal kang iba. Wag ka namang manhid Ella. Ang
sakit nun para sakin." sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"Patrick. Sorry na.." her voice broke off. Napatingin ako sa kanya. Umiiyak na pala sya.
"Special ka sakin Patrick. Alam ko, dito sa puso ko. *sabay hawak sa kaliwang dibdib
nya* Maniwala ka sakin Patrick. Diba sabi ko sayo, kahit kelan hindi
nagsisinungaling ang puso natin. Sya na ang nagsabi oh. Mahalaga ka sakin." sabi
nya, nakatingin pa rin sakin kaya kitang-kita ko ang luhang pumapatak sa mga mata nya.
"Ella, iba ang mahalaga sa mahal. At ano naman kung mahalaga ako sayo kung
meron ka na namang ibang mahal?" pagmamatigas ko.
"Kung nauna ka lang Patrick... siguro ikaw ngayon ang mahal ko..."
Napatingin nalang ako sa kanya. Hindi ko na nagawang magsalita kasi tapos na yung video
clip na finaflash sa screen. Nasamin na ulit yung spotlight at nagsalita na ulit ang emcee.
"Okay. Let's get this over with! Our Mr. and Ms. Valentine this year is............ Mr.
Patrick Rivero and Ms. Ella Dimalanta!!!!" at naghiyawan na naman ang mga tao.
Hinawakan ko ang kamay ni Ella at nagpunta na kami sa harapan para awardan kaming
dalawa. Ang ingay ingay ng mga tao. Ang wawild! Grabe. Artista ba kami? Hahaha. Okay,
medyo good mood na ko.
Binigyan ako fluffy na hearts na may balloon. Ano namang gagawin ko dito? Kaya naman
binigay ko nalang kay Ella. Sabay sabi ng:
"Ella, Happy Valentines Day!"
"Thank you, happy hearts day!"
At ayun, nagsigawan na naman ang mga tao. Sus. Para yun lang. Hahaha.
Andaming nagpapicuture saming dalawa. Pagkatapos, bumalik na ulit kami sa dressing
room. Kaming dalawa lang Ella ang nandun kaya nakakamatay na katahimikan talaga.
Hinintay ko lang sya matapos magbihis. Nung lumabas na sya sa CR,
"Ella, una na ko. Bye." Tatayo na ko, pero pinigilan nya ko.
"Patrick. I'm sorry ulit." sabi nya.
Tiningnan ko nalang sya at kumalas na sa hawak nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya
umalis nalang ako.
Lakad lang ako ng lakad ng biglang...
"ARAYY!" sigaw nung lalaking nabunggo ko. Napaupo pa sya sa sahig dahil sa sobrang
lakas ng impact.
"Pare sorry. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi ko habang tumatayo sya.
"Okay lang yun 'pre. Mukang malalim yata iniisip natin ah. Babae yan noh" sabi nya
sakin. Feeling close ka lang pare?
"Oo. Haha. Galing mo ah. Pano mo nalaman?"
"E ganyan din ako pag iniisip ko yung mahal ko e. Hahaha."
"You sounded gay 'tol. Hahaha." pang-aasar ko. Lalim magsalita e. Hahaha
"Oo nga e. I guess, yun talaga nagagawa ng love? Hahaha. O eto na naman ako.
Hahaha. Ric nga pala tol." pagpapakilala nya.
"Magkatunog pa pangalan natin ha. Patrick tol. Bago ka lang ba dito?"
"Oo tol e. Naliligaw pa nga yata ako. Hahaha."
"Sya, halika ililibot muna kita. Pakilala na rin kita mamaya sa barkada. Sama ka na
samin para naman may kaibigan ka na." alok ko. Mukhang kasundo ko e.
"Sure pare. Salamat." sabi nya sakin sabay apir.
At ayun, sinimulan ko na syang ilibot. Magaan ang loob ko sa lalaking to, pero may mali.
Hindi ko lang maiexplain. Yun bang pagkakita ko sa kanya, naramdaman ko yung
nararamdaman ko pag nagsususpetsa akong magnanakaw ang isang tao. Ewan ko! Hahaha.
Labo ko noh?
O ganto. Halimbawa naglalakad ka. Tapos may nakita kang lalaki na masama ang tingin sa
wallet mo. Diba ang mararamdaman mo agad, magnanakaw sya. Yung pakiramdam na yun
ang pakiramdam ko sa lalaking to.
Pero pssssh. Feelings are just feelings. Hindi yan basis ng judgment natin sa isang tao.
Mabait na tao to.
Sana lang tama ang hinala ko.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.