PATRICK'S POV
Eto ako ngayon, naiwang tulala. Si Kath. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Feeling ko mahihimatay na ko, Hindi to pwede. Kung nagtataka kayo kung sino sya... E di magtaka kayo. Hahaha. Joke lang. O, eto na, kekwento ko na. 8 years old ako noon nung makilala ko si Kath. Sikat ang pamilya namin, dahil na rin sa magandang business ni Papa. Pero sabi nga nila, sa bawat sikat at successful na tao, hindi mawawala ang mga naiinggit dito. -------FLASHBACK------------ Marami kaming death threats noon, pero madalas nahuhuli din yung nagbabanta samin. Kaya nga ilang buwan na ang lumipas at wala na kaming natatanggap na threats. Nagsawa na yata sila. Dahil nga marami kaming threats noon, hindi nila ako pinapayagan lumabas ng bahay. Baka daw kasi mapahamak ako e. Kaya naman wala akong kakilalang kahit sino. Kahit kapitbahay namin, hindi ko kilala. Lagi lang ako noon nasa kwarto, nasa kama. Nagcocomputer, naglalaro ng gadgets. Home schooled din ako, at maraming guards ang nakapalibot sa bahay namin. Tuwing sawa na kong maglaro, tatanaw nalang ako sa bintana ng kwarto ko. Kitang-kita kasi dito yung buong subdivision e. Ang ganda ganda sa labas. Ang aliwalas. Pero laging napapako ang tingin ko sa isang batang babae. Isang babaeng may mahabang itim na buhok. Magandang mata at napakalambing na mga ngiti. Katamtaman din ang kulay ng balat nya. Payat, pero hindi naman buto-buto. Ang ganda-ganda nya. Simple, pero pag tiningnan mo sya, d mo na maaalis ang tingin mo sa kanya. Gustong-gusto ko syang lapitan, pero hindi ko magawa. Well, noon yun. Dahil ngayon, I'm free! "Yaya, labas po muna ako ah. Andyan naman po yung mga guards natin, hindi ako mapapahamak. Tsaka wala na tayong threats diba?" paalam ko kay Yaya. "O sige. Ingat ka ha. Magsama ka ng isang guard ha?" bilin ni Yaya. Tumakbo na ko palabas. Pumunta ako sa park kung saan lagi syang tumatambay. Nung una, nalungkot ako kasi hindi ko sya nakita. Pauwi na ko nung... "Bata! Bagong lipat ka ba? O ikaw yung nakatira dun sa malaking bahay? Ngayon lang kita nakita dito e" sabi nung batang babae na nasa likod ko. Sa sobrang lungkot ko dahil hindi ko nakita yung magandang bata, gusto ko nalang magsungit at deadmahin tong nagtatanong na to. Pero ewan ko, may nagsabi sakin na lumingon ako at kausapin sya. At yun naman ang ginawa ko. Nagulat nalang ako ng makita ko kung sino yung nagtanong. Yung magandang bata. "Bata, ayos ka lang? Bakit ka tulala? Huy!"sabi nya sakin. Tinatapik-tapik na rin nya ako pero wala e. Tulala na ko sa ganda nya. Haha. Hoy Patrick! Ano ka ba. Bata bata mo pa. Pero tinamaan na yata talaga ako dito sa babaeng to. "BATAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" at tuluyan na kong nagising sa pagdedaydream ko. "Ano?" mataray kong sabi. Syempre para d halatang excited akong makita sya. "Ba't ang taray mo? Ikaw na nga dyan ang kinakausap ng maayos, ikaw pa galit! Hmf. Dyan ka na nga!" sabi nya habang paalis na. "Uy. Joke lang. Sorry na. May iniisip kasi ako e. Oo, ako yung batang nakatira sa may malaking bahay. Ako nga pala si Patrick. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya "Kath." "Ah, hello Kath." sabi ko habang may malaking ngiti sa mukha ko. "Magkaibigan na tayo ha? Magkita ulit tayo dito bukas. Laro tayo. Kailangan ko na kasi umalis ngayon e. Hinahanap na ko ni mommy. Bye Patrick!" sabi nya, at tumakbo na sya paalis. Kath. Kath. Kath. Kath Ano ba yan, paulit ulit? Hahaha. Ang ganda ng pangalan nya, kasing ganda nya. Kath. Sana mas makilala pa kita.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanficThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.