12. The Choice

12 0 0
                                    


DIEGO'S POV 

Maaga kaming pinauwi ngayon kasi may meeting na naman ang mga teachers. Andito na ko sa parking lot, pero narealize kong may naiwan pala ako kaya bumalik ako sa classroom. Nung pabalik na ako sa parking lot, may narinig akong kumakanta mula sa music room. Teka, parang familiar ang boses na to ah. Dahil curious ako, pumunta ako sa music room at BOOM! Nakita ko si Patrick at Ella magkayakap. Sila na ba? Hahaha. Hindi ko rin alam e. Parang nung isang araw lang umiiyak si Patrick dahil binasted sya ni Ella. Tapos ngayon, magkayakap sila? Love nga naman. Hahaha. Pero alam nyo, never ko pang nakitang ganyan si Patrick sa isang babae. Wala pa syang naging serious relationship ever. Puro fling lang. Masyado nya kasing minahal yung first love nya e. Yung si Kath. Hindi namin alam ng barkada kung anong itsura nya kasi wala naman syang picture. Hindi rin namin sya kilala dahil maaga syang namatay. Isa lang ang alam ko, kung sino man sya.. siguro mala-anghel ang ganda at ugali nya. Sobra kasi syang minahal ni Patrick e. Kahit ang bata-bata pa ni Patrick nung makilala namin sya, alam na alam na nyang mahal talaga nya si Kath. Masaya ako ngayon pati na rin ang barkada kasi hindi na ganun kamiserable si Patrick kay Kath. Andito na kasi si Ella e. Grabe ha, walang babaeng pumapasa sa standards ng lokong yan e. Si Ella lang pala ang katapat! "DIEGO! HUY!" may biglang sumigaw sa tabi ko. Si Julia pala. Hahaha "Uy! Kanina ka pa dyan?" tanong ko. Baka kasi kanina pa sya, nagdedaydream lang ako kaya dko napansin. "Hindi naman. Mukang ang lalim ng iniisip mo ah. Sino bang tinitingnan mo dyan?" Sumilip na rin sya sa may music room. "Ang sweet nila noh? I'm happy for bro." sabi ko. "Masaya akong mapapaltan na si Kath sa puso nya. Tama na ang 8 years being miserable ni Patrick. It's time for him to move on." sabi ni Julia "Tama ka." pagsang-ayon ko. "Guys! Anong meron?" Nagulat kami sa nagsalita. Si Quen. "Uy Quen! Wala naman. Haha. Hindi ka pa umuuwi?" tanong namin para maiba ang usapan. Baka bigla tong pumasok ng music room e. Masira pa ang moment nina Ella at Patrick. Kahit naman hindi nila sinasabi pero ramdam namin na hindi lang bestfriend ang turing nitong si Quen kay Ella. "Hindi pa. Wala pa yung driver ko e. Hinihintay ko pa sya dumating. Ano bang mer---" Bago pa sya makatapos magsalita, biglang bumukas ang pinto ng music room at lumabas si Patrick na buhat-buhat si Ella bridal style. Halata sa mukha ni Quen ang selos. "Uy. Bro. Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Quen. "Nakatulog sya. Hatid ko nalang siya sa bahay nila." sagot ni Patrick. "Ah sige bro. Ingat" sabi ni Quen. Umalis na si Patrick at naiwan kaming tatlo nina Quen at Julia dito. "Bro, okay ka lang?" tanong ko kay Quen. "Oo naman." sagot nya habang nakatingin pa rin sa direksyon kung saan naglalakad si Patrick. "Selos ka?" tanong ni Julia. Napatingin si Quen saming dalawa at ngumiti. Nakasmile sya pero ramdam namin ang sakit na nararamdaman nya. "Papatayin nyo ba ako pag sinabi kong oo? Hahaha. At oo, alam ko rin na wala akong karapatan." sabi ni Quen, ramdam namin ang lungkot sa boses nya. "Pareho namin kayong barkada ni Patrick. Kaya hindi na kami makikialam dyan sa bagay na yan. It's between the two of you. We'll stay neutral, pero handa pa rin kaming tumulong sa inyong dalawa just in case you need help." sabi ni Julia kay Quen. Niyakap namin ni Julia si Quen. "Thanks guys. Uhm. I better go. Andyan na siguro si manong. Sige. Bye. Thanks ulit." at umalis na sya. "Love nga naman." sabi ni Julia habang umiiling-iling. Nagkatinginan lang kaming dalawa at tumawa pagkatapos. ---------------------- PATRICK'S POV Isinakay ko na si Ella sa sasakyan. Nakatulog kasi e. Ihahatid ko nalang sya sa kanila. Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang hindi sya titigan. Ang ganda ganda talaga nya. Naisip ko naman si Kath. Wala lang. Naisip ko lang. Haha. Sorry ha. Magkamukhang magkamukha kasi talaga sila e. Pero syempre, alam ng puso ko na magkaibang tao sila. Alam nga ba, o pinipilit ko lang? Aysssh. Ewan ko. Basta ang alam ko, mahal ko si Ella. Yun ang mahalaga. "Sir Patrick. Nandito na po tayo sa bahay nina Mam Ella" manong. Tulog pa rin si Ella hanggang ngayon kaya binuhat ko nalang sya pababa. Nagdoorbell na ko sa bahay nila, pero ilang minuto na ang nakakalipas, wala pa ring lumalabas. Nangangalay na ko ha. Hahaha. Joke lang. Papasok na sana ulit ako sa sasakyan, nang biglang may lumabas na lalake. "Anong kailangan nila?" sabi nung lalake. "Ah. Hinatid ko lang po si Ella, nakatulog po kasi sya sa music room kanina. Mashado po sigurong napagod. Hindi ko nalang po sya ginising." sagot ko dun sa lalake, at ibinigay ko na sa kanya si Ella. "Ganun ba. Sige salamat..." "Patrick po." "Ah. Salamat Patrick. Ako nga pala si Manuel, ang daddy ni Ella. Call me tito Manuel nalang. Pasok ka muna at kumain. Pasalamat ko na rin dahil hinatid mo si Ella." sabi sakin ng daddy nya. Makakatanggi pa ba ko. Future father-in-law ko to! Hahaha. Joke lang. Pero pumasok na ko. Pagkatapos ibaba ni dad... Hahaha.- I mean ni tito si Ella sa sofa, pumunta sya sa may kitchen at tinawag ako. "So Patrick, nililigawan mo ba ang anak ko?" tanong nya sakin. "Uh. Hindi pa po." sabi ko sabay kamot sa batok. "Haha. Wag mong sabihing natotorpe ka! Hahaha." pagtawanan ba naman ako. "Naku. Hindi naman po. Humahanap lang po ako ng tamang chempo. Medyo magulo po kasi ang utak ngayon ni Ella. Dumating na rin po kasi si Quen, yung kababata nya dun sa States." paliwanag ko. "Si Quen? Si Enrique Gil? Nandito sya?" gulat na tanong ni tito sakin. Parang may bahid ng takot at gulat sa mukha nya. "Opo. Nung isang araw pa po sya nakabalik." "Sya lang ba, o kasama nya ang mga magulang nya?" sabi ni tito sabay bigay sakin ng sandwich. "Ang alam ko po, sya palang po ang nandito. Susunod nalang daw po ang parents nya." "Ah ganun ba. Patrick, may favor ako sayo..." sabi ni tito, seryoso ang mukha nya. "Please win Ella's heart. Muntik na kong mabulunan sa sinabi nya sakin. Ano daw? Gusto nyang ako ang piliin ni Ella at hindi si Quen? "P-po? Bakit po? Ayaw nyo po ba kay Quen?" "No. It's not that. Hindi si Quen ang ayaw ko. I haven't met him in person yet, but from Ella's stories.. I know he's a good guy" "E bakit po gusto nyong sakin mapunta si Ella?" "Let's just say that I like you better for my daughter. So please Patrick, do your best. At kung ako sayo, yayain mo na sya para maging date mo sa hearts ball" Napanganga naman ako dun. Grabe ha. Pero bago pa ko makasagot.... "Daddy? Patrick?" napatingin kami sa nagsalita. Si Ella. Gising na pala sya. "Ella! Gising ka na pala. Haha. Hindi ka na nahiya kay Patrick. Kung san san ka natutulog. Yan tuloy, hinatid ka pa dito." sabi ni tito kay Ella. "Ehh? Patrick! Sorry naabala pa kita!" sabi sakin ni Ella. "Sus. Okay lang. Haha." "O sya, iwan ko muna kayo? May aayusin lang akong mga papers." Pagkatalikod ni tito kay Ella, tumingin sya sakin at nilakhan ako ng mata. Gets ko na. Hahaha. Kailangan ko nang mayaya si Ella sa ball. Sakto namang tumabi sakin si Ella dito sa lamesa. "Ah Ella..." "Ano yun, Patrick?" "May date ka na ba sa ball?" Napatingin sakin si Ella ng matagal. "Bakit, Patrick? Yayayain mo rin ba akong maging date mo?" sabi nya sakin at umiwas ng tingin. "rin?" "Niyaya na rin kasi ako ni Quen. Hindi pa nga lang ako nakaka-oo." sabi nya, habang nilalaro ang pagkain nya. I sighed in defeat. Naunahan na naman ako... "Dapat sasagot na ko ng oo sa kanya mamaya. Pero ngayong nagtanong ka na rin, hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Dapat sya na naman talaga diba? Kanina, andaming nagyayaya sakin, pero sabi ko hindi pwede kasi nauna na si Quen. Pero bakit ngayon na ikaw ang nagtatanong, hindi ko magawang tumanggi?" sabi ni Ella. Yes, may chance ako. "Ella. Gustong gusto kong diktahan ka at piliting ako nalang. Pero hindi ko gagawin yun. Kung ano man ang maging desisyon mo, sana maging masaya ka dun. Kung hindi man ako ang piliin mo, tatanggapin ko kahit masakit. Ang alam ko lang, magiging masaya ako kasi masaya ka." Niyakap ako ni Ella. "Salamat Patrick." "Ganto. Wag mong sasabihin sakin kung ako ang pinili mo o sya. Sa araw ng ball, hihintayin kita sa may garden kung san tayo nagpractice nung duet natin. 7 ang start ng ball diba? Kung ako ang pipiliin mo, pumunta ka dun ng 6pm, hihintayin kita hanggang 6:30. Pag wala ka pa ng 6:30, aalis na ko at tatanggapin kong si Quen ang pinili mo. Hindi lang dito sa ball pero pati na rin sa kung sino talaga ang mahal mo." Natulala lang si Ella sa sinabi ko. Bibigyan ko muna sya ng time na madigest lahat yun. Napakacrucial ng gagawin nyang pagpili. At alam kong mahihirapan sya dahil pareho kaming gwapo ni Quen. Hahaha. Yabang ko talaga. Pero seryoso, alam kong mahirap pumili between sa first love mo at sa taong laging nandyan sa tabi mo. Alam ko dahil pumili rin ako. At ako, nagawa kong piliin si Ella kesa kay Kath. Kaya sana, ako rin ang piliin ni Ella. Ang sarap nyang pilitin na ako nalang pero hindi ko naman hawak ang puso nya. Desisyon nya yan. Bahala sya. Kung hindi man ako ang piliin nya, ewan ko, hindi ko na alam ang mangyayari, pero sana naman hindi ganun. Nagpaalam na ako kay Ella at lumabas na sa bahay nila. Pasakay na ko sa sasakyan nang biglang may pumaradang kotse sa harap ng bahay nina Ella. May bumabang isang babae. Probably in her mid 40's. Mommy siguro to ni Ella. Pero teka, bakit familiar ang built ng katawan nya. Nakatalikod kasi sya kaya hindi ko nakita ang mukha nya. Pero parang nakita ko na sya dati. Hindi ko lang matandaan. Gusto ko sana syang lapitan pero tinawag na ko ni Manong. Kaya ayun, sumakay na ko sa sasakyan. Don't worry, mamemeet ko rin sya someday. Mother in law e. Haha. Joke lang. FAST FORWARD SA ARAW NG HEARTS BALL This is it. Ito na ang araw ng paghuhukom. Kinakabahan na talaga ako sa gagawing pagpili ni Ella. Kaya naman naglalakad na ko ng pabalik balik dito sa sala namin.Nakwento ko na rin nga pala to sa barkada. I mean dun sa original na barkada. Hindi kay Quen at Ella. "Bibi bruu. Nu ka ba. Wag ka ngang palakad lakad dyan, nahihilo na kami e." sabi ni Ate Yen habang inaayusan sya ng buhok. Hinire nalang kasi namin ang buong staff ng David's Salon tapos dito nalang kami sa bahay nagpaayos. May salon room kasi dito for mom. "E kinakaban talaga ako e. Pano kung hindi ako ang piliin nya?" sabi ko. "E loko loko ka pala e. Ba't kasi pinapili mo na agad si Ella. Tapos ngayon, dadramadrama ka dyan." Sabi ni Neil. "Pwede ba. Icomfort nyo nalang ako. Kinakabahan na nga ako dito e." sabi ko sa kanila. "Alam mo, magbihis na nga kayo. Nakakastress ka Patrick e. Mawawalan ng saysay ang make up namin, sinestress mo kami ng ganto. Basta, be confident and be strong kung ano man ang mangyari." sabi ni Julia. "We're here for you" sabi ni Ate Yen. "What she means izzz we'll be there for you.... later! Not now! Busy kami sa pagpapaganda! Pwede ba boys! Malapit na mag-7 oh! E kung nag-aayos-ayos na kayo, lalo ka na Patrick! 6 kayo magkikita ni Ella diba?" sabi ni Kiray. Oh Sht. 5 pm na pala! Kaya yun, tumakbo na kami pataas at nagbihis na kami. Dahil mga lalaki kami, wala nang arte arte. Pagkasuot ng tux, okay na. Konting ayos lang ng buhok and voila. Mas lalong gwapo. 5:45 na kaya nauna na kong umalis sa barkada, sabi ko magkita nalang kaming lahat mamaya sa venue ng ball. Saktong 6 ako nakarating ng school. Umupo muna ako dito sa bench sa may garden. Sa may garden kung saan nangyari ang first kiss namin ni Ella. Sana magkaron din ng second at third and so on and so forth. Haha. Manyak ko naman. Joke lang yun ah. Ang sarap lang alalahanin yung mga nangyari noong mr and ms Valentine. Yung pictorial, yung duet. Tapos lagi pa kaming magkasama noon ni Ella. Hay. Teka, anong oras na. Ba't parang ang dilim na yata. May araw pa nung dumating ako dito, bakit ngayon puro bituin nalang? Time check nga muna! Pagtingin ko sa relo ko, O____________________________________________O 7:15 pm NA?!??! Bakit hindi dumating si Ella? Baka naman sira lang tong relo ko. Baka 6:15 palang? Pero ang dilim na e. Pero baka maaga lang lumubog ang araw ngayon kaya madilim na ng 6 palang. Oo, tama. Baka 6:15 palang. "Don't panic Patrick. Sira lang tong relo mo. Wag kang mag-alala, dadating sya." sabi ko sa sarili ko. Palakad lakad lang ako dito habang naghihintay na dumating si Ella. Mas lalong tumitindi ang kaba ko. "Patrick!" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa babaeng tumawag sa pangalan ko. "Ella! Dumating ka!" Lalapit na sana ako sa kanya para yakapin sya, pero napatigil ako at nagulat sa narinig ko.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now