PATRICK'S POV
Ang saya saya ko lang. Una't huling Hearts ball ko, pero sobrang memorable. Pano ba naman, confirmed na ako ang pinili ni Ella. Tapos based sa actions ni Ella nung ball, mukhang sya talaga si Kath. I know I promised na hindi na magmamatter kung si Ella at Kath ay iisa, pero ano bang magagawa ko kung pareho lang talaga sila? Madaling araw na natapos yung ball. After nun, nagMcDo muna kami hanggang umaga na. Hahaha. Mga baliw kami e, I mean yung girls lang pala. Kaming mga guys okay lang kasi tinanggal namin yung tux, so nakapolo lang kami. E yung mga girls, mga nakadress at nakagown. Hahaha. Hanggang sa Mcdo, sweet pa rin kami ni Ella. Hindi na nga daw kami mapaghiwalay e. Magkaholding hands pa kami sa ilalim ng table. Haha. Baka kasi asarin kami ng barkada e. Pagkatapos namin tumambay sa Mcdo, inihatid ko na si Ella sa kanila. Sinalubong naman kami agad ni Tito. "Mukhang nag-enjoy kayo ah! Pasok ka muna Patrick!" alok ni Tito Manuel. Syempre, tatanggi pa ba ko? Haha. "Kumusta naman? Kayo na ba?" tanong ni Tito habang nagpeprepare ng almusal. "H-ha? P-po?" sabi ko. Nakakagulat kasi e. Si Ella naman ganto reaction ---> O____O "Ayy. Ang bagal mo naman Patrick! Hahahaha." sabi nya sabay gulo ng buhok ko. Nakakatuwa magkaron ng gantong daddy. Sana naging close nalang kami ni Dad ng ganto. "Pa naman!" nagsalita na si Ella. Ang pula pula nga e. Hahaha. Ang cute. "Kunwari ka pang nahihiya dyan Ella. Hahaha. If I know. Nagkaaminan na kayo nitong si Patrick! And if I know, hindi lang pag-aaminan ang ginawa nyo." sabi ni tito sabay taas baba ng kilay. "Ahh....E...." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Wag na nga kayo mahiya sakin! Dumaan din ako dyan noh. Tingin nyo sakin, nung ipinanganak, matanda agad? Hahaha. O sya sige na kain na kayo. May pupuntahan pa ba kayo pagkatapos nyo dito?" tanong ni tito. "Ihahatid po namin si Quen papuntang airport." sagot ni Ella. "Ha? Aalis na sya? Diba kakadating nya palang?" sabi ni tito. "E pinapatawag daw po kasi sya ng daddy nya e." "Ah. Ganun ba. O sya sige, aakyat muna ako. Kain lang kayo dyan." At umakyat na si tito Manuel. Hindi ko alam kung bakit pero pag napapagusapan si Quen, biglang nagbabago ang mood nya. O baka napaparanoid lang ako. Tss. Makakain na nga lang. ----------- MANUEL'S POV Nagtataka siguro kayo kung bakit ayaw ko kay Quen? Well, katulad ng sinabi ko kay Patrick, hindi ko ayaw kay Quen. It's just that.... May kasalanan ako sa kanya dati. Naituwid ko na yun, and as much as possible, ayoko na ulit magkaron ng kaugnayan sa kanya lalong lalo na sa pamilya nya. Pero tadhana nga naman pag naglalaro, naging magbestfriend pa sila ng anak ko. Kung ano man ang meron sakin at sa pamilya ni Quen, malalaman nyo rin yun balang araw. Pero ngayon gusto kong malaman nyo na 100% boto ako kay Patrick. Hindi ko alam pero pag nakikita ko sila ng anak ko, may nararamdaman ako. Spark ba yun? Hahaha. Ang tanda ko na para kiligin pero alam kong masaya sila sa isa't isa. Sana walang humadlang sa kanilang dalawa. --------------------- DIEGO'S POV Andito kami ngayon sa airport, ihahatid na namin si Quen. "Guys. Hindi ko kayo makakalimutan." pagdadrama ni Quen. "Wag ka ngang magdrama Quen. Magkikita pa naman tayo e. Bwisit ka. Naiiyak na rin ako."sabi ni Kiray. "Basta skype nalang tayo ha. Tsaka Patrick, bro. Alam mo na." sabi ni Quen kay Patrick. "Oo pare. Happy trip." sabi ni Patrick at nagmanly hug kay Quen. Si Ella, tahimik lang. Medyo naluluha na rin pero pinipigilan lang nya. "Okay ka lang Ella?" tanong ko sa kanya. "O-oo. *sniff* Okay lang." sabi nya, umiiyak na sya. "Sshh. Okay lang yan. Lapitan mo na si Quen oh." sabi ko at tinulak ko sya ng mahina papalapit kayna Quen. Nagbitaw na sa yakap si Quen at Patrick at napatingin sila kay Ella. Nagsmile si Patrick kay Ella at tumango naman kay Quen. Pinaparating lang nyang okay lang sa kanya. Nagyakap na si Ella at Quen. "I'll miss you Ella. I wish you all the happiness. Pag malungkot ka, you can still open up to me. I'm still your bestfriend after all. Pag inaway ka nitong si Patrick, babalik at babalik ako dito agad." sabi ni Quen kay Ella. "Mamimiss din kita, bestfriend. Ingat ka dun ha? *Sniff sniff* sabi ni Ella habang umiiyak. Mamaya-maya, tinawag na yung flight ni Quen at yun nga, umalis na sya. Naghiwa hiwalay na kami ng barkada. Kasama ko si Julia ngayon. "Ang sweet ni Patrick at Ella noh." sabi ko kay Julia. "Yes babe. Pero parang kinakabahan ako e." sabi nya sakin. "Panong kinakabahan?" tanong ko. "Wala lang. Feeling ko kasi, may mangyayaring masama e. Hay. Sana feeling ko lang." Naku naman. Madalas pa naman pag nakaramdam si Julia ng ganito, nagkakatotoo. "Sana nga feeling mo lang yan..." yun nalang ang nasabi ko. ------------- PATRICK'S POV Magkasama kami ngayon ni Ella. Holding hands. Hahaha. Kinikilig ako bakit ba. Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung umalis si Quen. Alam ko malungkot pa rin Ella dahil dun kaya pinapasyal ko sya lagi. Hindi ako nagseselos kasi alam kong mabuting kaibigan si Quen at inassure ako ni Ella na ako ang gusto nya. "Ella. Upo muna tayo dun oh" sabi ko sabay turo dun sa may swing sa playground dito sa subdivision nila. Umupo na sya sa swing, wala pa ring imik. Itinulak ko ng mahina yung swing na sinasakyan nya. "Okay ka lang ba? Okay lang umiyak, Ella." sabi ko, at umupo na rin ako dun sa katabing swing. "Okay lang ako. Medyo malungkot pa rin, pero andito ka naman e. Kaya masaya na rin ako."Sabi niya, sabay hawak sa kamay ko at nagsmile. "Ella, kwentuhan mo ko ng tungkol sayo..." sabi ko. Gusto ko kasing mas makilala pa sya. "Slambook? Hahaha. Hindi ko makekwento lahat, Patrick. May mga parte ng nakaraang hindi ko na maalala." sabi nya. "Ako din naman e. Kasi syempre, mashado pa tayong bata nun." sagot ko. "Hindi Patrick. Nagkaron ako ng amnesia. Naaksidente ako nung bata ako. Hindi ko talaga maalala mashado e. Pero isang araw paggising ko, hindi na ko updated sa mga bagay bagay. Tanda ko ang pagkatao ko, ang pamilya ko pero yung mga nangyari for the past 3 years? Gone like the wind." "Past 3 years?" tanong ko. "Lahat ng mga nangyari simula 5 years old ako hanggang sa araw nung aksidente, hindi ko na maalala. Sabi ni mommy, I was hit by a car when I was 8 years old." "Ganun ba? May sumpa ba ang pagiging 8years old? Parang lahat na yata ng aksidenteng pwedeng mangyari, nangyari nung 8years old tayo." sabi ko. "8 years old din kayo nung sinave ka ni Kath, diba?" tanong nya, sabay smile sakin. "Actually, 9 years old na ko nun. But I just turned 9 that time. Si Kath, 8 palang. Kung alam mo lang kung ano talaga ang nangyari nung araw na yun." pagkasabi ko nito tumabi sya sakin dito sa swing na inuupuan ko. Malaki naman to e kaya nagkasya kami. "E di ikwento mo sakin." sabi nya sabay sandal sa balikat ko. Ayaw ko man balikan pero matatanggihan ko ba si Ella? "Araw yun ng birthday ko. Ang saya saya ko nun e. Kasi yun yung unang beses na nakapagcelebrate talaga ako ng birthday ko. As in party talaga. Nung bata kasi ako, sobrang dami ng taong galit kay Papa dahil nga sobrang successful nya. Kaya wala kaming kakilala mashado, lalo na ako dahil nga kailangan daw nila ako protektahan. Pero dumating yung time na tumigil na rin yung mga nagbabanta sa buhay namin kaya ayun, nagkaron na rin ako ng friends at..." pinutol ni Ella ang sinabi ko. "Nagkakilala kayo ni Kath?" sabi nya at tumingin sakin. Nagsmile ako at kiniss ko ang noo nya. "Oo, naging magbestfriends nga agad kami noon e. Sya ang first friend, first bestfriend... at first love ko." "Talaga? Siguro sobrang bait nya noh?" tanong ni Ella. "Oo. Sobra. Parang ikaw lang. Pero syempre magkaiba naman kayo. Hahaha." magkaiba nga ba? "Ganun ba? Hahaha. Baka long lost twin ko yun. Hahaha Joke lang. Imposible naman yun." sabi ni Ella. Pano nga kaya noh? "Malay mo. Hahaha. Pero alam mo, ang bait din ng mommy nya. Sobrang close sila, tapos mapang-asar din, parang daddy mo lang. Haha. Kaso hindi ko na maalala ang name nung mommy ni Kath e." sabi ko kay Ella. "Ay. Ganun ba. Speaking of mommy, hindi pa pala kayo nagmemeet ni mommy!" umupo na sya ng maayos. "Oo nga noh! Pakilala mo na ko!" "Ano ka, boyfriend?" "Soon to be. Haha." biro ko kay Ella. Bakit, totoo naman ah. Hahaha. Nanliligaw na nga pala ako sa kanya. Nakalimutan ko yata sabihin. "Hahaha. Kung sa bagay." sumandal ulit sya sa balikat ko. "Ano nga pala name ng mommy mo?" tanong ko. "Mommy Mi---" hindi na natapos ni Ella ang sasabihin nya kasi may tumawag sa fone nya. "Excuse me muna Patrick ha. Sasagutin ko lang to." tumayo na sya at sinagot yung tawag sa kanya. Hindi naman sya lumayo kaya naririnig ko ang mga sinasabi nya. "Hello Quen! How ar--- Wait. Are you crying?" Ano daw si Quen, umiiyak? "What? Again?" (...) "Everything's gonna be alright." (.....) "Call me again later. Stop crying. Take care Quen. I'm always here for you." At ibinaba na ni Ella ang fone. Humarap sya sakin at nakita kong sobrang bothered ang face nya. "Anong meron?" tanong ko. "May family problem si Quen." "Ganun ba? I think he needs you now. Gusto mo na ba umuwi para makausap mo na ulit si Quen?" tanong ko. "Wag muna, Pat. Let's stay here for a while. Mamaya pa daw gabi ulit tatawag si Quen e. Maaga pa naman. Ikaw ha, pinamimigay mo ko." kunwaring pagtatampo ni Ella. "Hindi noh. Hahaha. Hindi ako possessive Ella. Alam kong kailangan ka ni Quen at kaibigan ko din sya. Kung ang tanging magagawa ko lang para maging maayos ang pakiramdam nya ay ang ipahiram ka sa kanya. Edi go." explanation ko. "Ipahiram? Sayo ba ko? Haha." sabi ni Ella ng may halong pang-aasar sa boses nya. "Sakin ka. Buong buo.." sabi ko, may halong yabang sa boses ko. "Porket ba mahal kita, sayo na ko ng buong buo? Hindi ba pwedeng puso ko lang ang nasayo?" "Abaaaa. Bumabanat ka ha. Hahaha. Pero sakin ka lang ha? Kahit ipahiram kita sa iba, babalik ka pa rin sakin, okay?" sabi ko habang nakatitig sa kanya. "Oo naman. Mahal yata kita." hindi ko alam pero parang hinihila ako ng gravity papunta sa kanya. Hinalikan ko sya. Smack lang. Smack lang naman. Haha. Pagkatapos kong gawin yun, nagsmile sya at sumandal ulit sa balikat ko. "Kung pwede lang wag na tayong umalis dito." sabi nya. "Kung pwede lang e." "Haha. Ienjoy nalang natin tong moment na to. Kasi hindi na ulit to mauulit. Pwedeng mapalitan ng bago, mas masaya or mas maganda. Pero never na ulit mauulit na ganto." ang lalim talaga nitong si Ella. Haha. "Pero syempre. Kung masusunod man ako.. sana forever nalang tayong ganto." dagdag nya. Hindi nalang ako nagsalita. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Alam na nya ang ibig sabihin nun. Pero kung may gugustuhin din ako, ganun din tulad ng sa kanya. Kung meron lang sanang forever. Sana nga forever nalang...

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.