10. Change of Heart

8 0 0
                                    


QUEN'S POV 

Sa wakas may POV na din si quen bebe. :)

Hello. Kilala nyo na naman ako diba? Friend ko si Kath, ah este Ella pala. Sorry ha. Kath kasi ang tawag namin sa kanya nung nasa States kami. Nickname nya kasi yun dun, pero Ella talaga ang name nya. Para d na kayo malito at dahil wala na rin naman kami sa States, Ella na ang itatawag ko sa kanya. So yun nga. Friend nya ko. Pero I think we're more than that. Kwento ko nalang sa inyo kung pano nagsimula ang lahat.


--Flashback-- 

9 years old ako nun. Bagong lipat lang kami dito sa States, nag-away na naman kasi si Dad at ang Mom ko. Andami kasing nangyayari sa bahay e. Sinisisi kasi ni mommy si daddy sa lahat ng mga nangyari. Sa buhay namin lalo na sa buhay ng kapatid ko. Andito lang ako sa may likod ng TV, nakatakip ang tenga. Ayaw ko kasing marinig ang usapan nila e. Pero kahit anong takip ko, naririnig ko pa rin ang boses nila. "ALAM MO. IKAW ANG MAY KASALANAN NITO E! KUNG HINDI DAHIL DYAN SA INTERES MO SA PERA HINDI MAGKAKANDALECHE ANG BUHAY NATIN!" sigaw ni mom kay dad. "E malay ko bang papalpak ang mga tauhan ko ha!" sagot naman ni dad "Pakialam ko kung palpak sila. Ikaw lang talaga ang tanga na umabot na sa kasukdulan yang pagkagahaman mo sa pera. To the point na handa kang pumatay! Ano ba! Natanggalan ka na ba ng tornilyo sa utak ha?! Tingan mo tuloy nadamay pa tong anak natin! Pati ang masayang buhay natin sa Pilipinas, iniwan natin!

Dahil dyan sa kagaguhan mo!" sabi ni mom.

*SLAP*


Sinampal ni Daddy si Mommy. 

"AKO PA NGAYON ANG GAGO HA. Wag mo ngang idahilan ang nangyari sa anak natin! ANG SABIHIN MO HINDI MO LANG KAYANG IWAN ANG KABIT MO DUN SA PILIPINAS!!" sigaw ni Daddy. Umiiyak na si Mommy. Hindi na sya makapagsalita. "O ano ha! Totoo nga! Yung kabit mo nga yang dahilan ng pagtatalak mo dyan! Alam mo, bahala ka sa buhay mo. Sasabihin mong ako ang tanga, e ginawa ko lang naman yun para sa kabutihan ng pamilya natin. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay tapos ikaw?! Anong sinusukli mo?!" Daddy. "Inaalagaan ko naman ang mga anak natin ah! Naging mabuting ina ako! Lagi kang wala kaya ako na ang tumayong ama't ina sa kanilang dalawa!" paliwanag ni mommy. "Naging mabuting ina ka nga, pero hindi ka naging mabuting asawa. Tuwing uuwi ako sa gabi na pagod na pagod. Umaasa ako na pagpasok ko sa pinto, sasalubungin mo ako at yayakapin. O kaya makikita kita sa sofa na nakatulog na sa paghihintay sakin. Pero wala ka. Hinahanap kita sa buong bahay, pero wala ka pa rin. Nasan ka sa mga panahong yun ha? ANDUN SA LALAKI MO." sabi ni daddy na halos paiyak na. "Sor---" sasabihin ni mommy pero pinutol sya agad ni Daddy. "Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha? Nangyari na ang mga nangyari. Nga pala. Pinahanap ko yung kabit mo. Napag-alaman kong bumalik na sya sa pamilya nya. Masaya na sila ngayon. Kaya wala ka nang babalikan.... Ay. Hindi pala sila masaya. Kasi anak nya yung sinabing namatay dahil dun sa plano ko. Tingnan mo, anak pa nila ang nagbayad dahil dyan ka kagagahang ginawa mo." sabi ni daddy at iniwan na si mommy na iyak ng iyak. Nilapitan ko si Mommy at niyakap sya. "Baby Quen. Sorry sa nagawa ni Mommy ha. I promise, I will be a good mom to you and your sister. Sana hindi ka lumaki katulad ng daddy mo na gahaman. Never be selfish anak. Learn to let go when you know it's not yours okay? Promise me baby?" Sabi sakin ni mommy habang umiiyak. "Yes, mommy. I will not be selfish." sabi ko sa kanya. Lumabas muna ako ng bahay at naglakad lakad. Malungkot pa rin ako sa mga nangyari. Napadaan ako sa may fishpond dun sa may subdivision namin. May isang batang babae ang nakaupo. Nilapitan ko sya at kinulbit. "Bata." sabi ko. Timingin sya sakin at ngumiti. "Hello". sabi nya sakin. Grabe lang. Makalaglag panga tong babaeng to. Ang ganda nya. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Ella. Ikaw?" "Enrique. Pero Quen nalang." mga kaclose ko lang pinapatawag ko sakin ng ganyan. Pero ewan ko ba, gaan ng loob ko sa kanya e. "Ah. Hello Quen." sabi nya ng nakangiti, pero bigla ding naging seryoso ang mukha nya. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Para kasing nangyari na to dati e. Hindi ko lang matandaan. Pakiramdam ko may nakilala din ako dati tapos ganto rin. " sabi nya sakin. "Naaksidente ka ba? Bakit wala kang maalala? Buti alam mo pangalan mo. Hahaha" "Haha. E kasi sabi ni mommy, natrauma daw ako masyado dahil dun nga sa aksidenteng kinasangkutan ko. Kaya yun, may mga pangyayari akong hindi maalala. Hindi rin naman daw yun mahalaga sabi ni mommy kaya hindi ko nalang mashadong iniisip" sabi ni Ella. "Ah ganun ba. E di paltan nalang natin yang memories mo ng bago? Friends?" alok ko sa kanya. "Friends!" sigaw nya at nakangiti ng todo. At simula nun, naging close na kami ni Ella.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now