ARIA'S POV
"Now tell me. What really happened MOM, DAD AT ARIA!" sabi ni kuya habang nakaupo kaming lahat dito sa sala. "8 years ago.. nasa bahay ka nun nina lola kaya ako lang ang kasama nina mommy sa bahay. Palagi akong lumalabas at nakikipaglaro sa ibang mga bata sa subdivision natin. I have lots of friends kasi maganda ako at mayaman tayo. Pero kahit na marami akong friends, may isang bata akong hindi maging kaibigan kasi hindi sya pinapalabas sa bahay nila. Nakikita ko lang syang lumalabas pag sasakay ng kotse o bababa ng kotse. Pero as in yung maglaro at maggala? Never. I became so interested in him at narealize kong crush ko pala sya." kwento ko. "Si Patrick?" tanong ni kuya. "Yes. It's him. Gustong gusto ko syang maging kaibigan. Lagi akong pumupunta sa bahay nila pero hindi ako pinapapasok ng guard nila. Sanay akong nakukuha lahat ng gusto ko, pero sya, hindi ko makuha-kuha. Dumating yung time na sumuko nalang ako sa pagtatry to be his friend." "and then?" tanong ulit ni kuya. "One time, naglalakad-lakad ako sa may park. Maggagabi na nun. Napadaan ako sa park at nakita ko sya. Parang may hinahanap. Lalapitan ko na sana sya kasi alam kong ito na yung chance ko. Pero bago pa ko makalapit sa kanya, biglang may lumapit na isang babae sa kanya. Nakita ko ang mukha nun ni Patrick. Gulat na gulat sya pero halatang halata kung gano sya kasaya. I despised that girl. Kasi sya nakuha nya si Patrick ng walang ginagawa." sabi ko, may inis at galit sa boses ko. "Who's that girl?" tanong na naman ni kuya. "Kath is her name." "Kath? Nakwento sya ni Patrick sakin. First love nya. Pero namatay sya for saving Patrick's life" sabi ni kuya. "I don't care. Pwede ba kuya makinig ka muna sakin. As I was saying, ayun nga naging magbestfriends na sila. Lagi ko silang nakikita noon sa park magkasama, masaya. Inggit na inggit ako. Kaya naman everytime na hindi magkasama si Kath at Patrick at mag-isa lang si Kath, inaaway namin sya. Lagi nya kaming inaapproach noon, pero wala. Tinatarayan namin sya." pagtuloy ko sa kwento. "Ang sama mo Aria." comment ni kuya. "Hindi pa ko tapos kuya. I'm the victim here. So please shut up and just listen to me. Dumating yung araw ng birthday ni Patrick. Nagulat nalang ako kasi sabi sakin ni mommy invited kami. Business partners pala ang pamilya ni Patrick at pamilya natin. Tuwang tuwa ako noon kasi malaki na yung chance ko to be his friend. Excited ako kaya nagbihis ako ng maganda. Nung nagpunta na kami sa bahay nila, nilapitan ko agad sya. Parang may hinahanap na naman sya. Pero wala na akong pakialam. Basta nilapitan ko lang sya at kinapalan ko ang mukha ko para makausap sya."
---------FLASHBACK----------
"Hello Patrick! I'm Aria!" sabi ko with a big smile on my face. "Hello."malamig nyang sabi "Crush kita."nahihiya kong sabi habang kinikilig. "Oh." yun lang ang naisagot nya. kung san san pa rin sya tumitingin. "Patrick. Can we be friends? Please.?"pacute na sabi ko. sana talaban din sya ng charm ko. "Ugh. Alam mo layuan mo nga a-----" sasabihin nya sana pero bago pa sya matapos, may nagsalita. "I see you've already met each other" si mommy lang pala. "Baby, this is Tita Vangie. Aria's mom. Family nila ang kapartner natin sating business. Friends na pala kayo ni Aria. O sha, you play na muna ha. Asikasuhin ko muna bisita natin. Take care of her, okay?"explanation ni Tita Karla, mommy ni Patrick.. At umalis na sila. Naiwan na naman kami ditong dalawa. "Patrick! Tara sa labas."yaya ko. Pero pansin kong hindi sya mapakali. "Uhh. Aria. Tsaka na tayo mag-usap ha. May hahanapin lang ako." sabi nya at aalis na sana, pero nagsalita agad ako. "But, Patrick. Please?*beautiful eyes* sana madala sya sa charms ko. fingers crossed! "Okay. Wait for me sa may TV room. Maglaro ka muna dun mag-isa, susunod nalang ako. Okay?" YES! THANKS LORD. tumakbo na ko pataas at dumiretso sa tv room nila. "I'll wait for you, no matter what!"sigaw ko habang paakyat ng stairs. Narealize kong naiwan ko pala yung pouch ko sa baba, kaya minadali kong bumaba para hanapin to. To my luck, nakita ko agad. Bago ako umakyat ng stairs, napatingin ako sa may garden at nakita ko si Patrick... kasama si Kath. Nag-iinit ang dugo ko. I decided na mas lumapit pa sa kanila para marinig ko ang usapan nila. Pero syempre, dun ako sa may tagong lugar para d nila ako makita. Malas lang ang ingay ng party kaya dko sila marinig. Pero nakita ko, may binigay na necklace si Kath kay Patrick. Kapareho ng kanya. Inis na inis na ko kaya umalis na ko. Umakyat nako at hinintay si Patrick sa may TV room kahit pa ramdam kong hindi naman talaga sya pupunta. Nood lang ako ng nood dito hanggang sa hindi ko namalayan, gabi na pala. Lalabas na sana ako ng pinto, pero pagbukas ko, puro smoke lang ang sumalubong sakin plus nagbabagsakang furnitures. "*Cough* *Cough*. Helpppp!" sigaw ko habang umiilag sa mga nagbabagsakang gamit. "Please help meeeeee. *Cough* *Cough*." sigaw ko pero walang nakakarinig sakin. Nakita ko ang stairs kaya nagmadali akong bumaba. Pero malas ko, naharangan yung dadaanan ko. I tried going back pero puro fire nalang ang paligid. Mamaya-maya, narealize kong nasusunog na pala yung dulo ng dress ko. Sinubukan ko itong patayin pero lalo lang tong kumalat. Nasusunog na ang buong damit ko. Ramdam ko ang init. Ang sakit sakit. Umiiyak na ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, parang nagiging manhid na ko. Patuloy lang ang pagbagsak ng mga gamit gamit. Unti unti nang nagdidilim ang paligid. I was about to close my eyes when someone called my name. "Ma'am Aria!" And then everything went black.
-----END OF FLASHBACK-----------
"Sinong naglitas sayo?" tanong ni Kuya. "Henry. Isa sa mga goons ni dad" sagot ko. "Nung narealize kong wala pa si Aria sa bahay, natakot ako kasi baka naiwan sya sa bahay ng mga Rivero nung panahong yun. Alam ko ang plano ng dad mo kaya naman nagmadali akong tumawag sa pinakatrusted goon ng daddy mo at pinahanap si Aria. Takot na takot ako dahil baka madamay sya sa maitim na plano nitong tatay mo. At tama nga ang hinala ko, nadamay nga sya" sabi ni mommy. "I was saved by Henry pero sobrang tindi ng pagkakasunog ng katawan ko kaya naman halos hindi na ko makilala." sabi ko. "Kaya naman pabalik balik sya sa ospital kasi kailangan nya magpaplastic surgery." sabi ni mommy. "And that explains my face right now." sabi ko. "But why? Why did you choose that face Aria?!" galit na si kuya. He dont usually call me by my first name. "Tell me kuya. Alam mo ba kung anong itsura ni Kath? May pinakita bang picture sayo si Patrick?" tanong ko. "Wala." sagot ni kuya. "Then you don't have the right to get mad at me. Papaalala ko lang sayo that I AM THE VICTIM. Kung hindi ako pinaghintay ni Patrick doon sa lecheng room na yun. HINDI AKO MAGKAKAGANTO. IT'S TIME TO GET MY REVENGE." I said emphasizing those words. "STOP IT ARIA!" sigaw ni kuya at napatayo na sya sa kinauupuan nya. Sasampalin na nya ko pero pinigilan sya ni dad. "YOU STOP QUEN! Malaki ang kasalanan satin ng mga Rivero. Kami ang pamilya mo kaya kami ang kampihan mo!" at natameme nalang dun si Kuya. Hindi na sya nakapagsalita. I figure that he needed time to digest all the information kaya naman umalis na muna kami nina mom and dad, leaving kuya sa may sala na tulala pa rin. I don't want to hurt my brother. I love him so much. Pero sorry kuya. I love myself more and it's time para pagbayaran nya ang pagsira nya sa buhay ko. Patrick Rivero, magkikita tayo ulit, at kapag nangyari yun... I'll make you regret everything.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.