ELLA'S POV
5 years. 5 years na ang nakakalipas simula noong iniwan ako ni Patrick. Nakulong ang daddy ni Quen dahil sa mga ginawa nya at hanggang ngayon, hindi pa rin sya nakakalaya. Dahil dito, si Quen na ang nagmamanage ng business nila. Busy kasi si Tita Vangie sa pag-aalaga kay Aria na kakatapos lang magpaplastic surgery. Oo, ipinabalik na nya ang dati nyang mukha. At dahil nga mag-isa lang si Quen sa pagmamanage ng business nila sa States, nagvolunteer ako para tulungan sya. Yes, I spent my 5 years doon. Pagkalabas na pagkalabas ko palang kasi noon ng room ni Patrick sa hospital, sinabi ko na agad kay Dad that I want to go back to the states. Sinabi ko rin that I want to continue my treatment doon kaya naman lumabas na rin kami agad sa hospital without even saying goodbye sa mga Rivero. Don't get me wrong. I know I have a promise to Patrick that I won't let go of him, pero hindi ko yun matutupad ng ayos kung hindi ko aayusin ang sarili ko. Alam kong ayaw ni Patrick na mahirapan ako at masaktan. Ayoko rin naman sayangin ang pagbuwis nya ng buhay nya kung papatayin ko rin ang sarili ko sa sobrang pagkadepressed sa kanya. Kaya nga umalis agad kami noon para bigyan ang sarili ko ng time to heal. Nung umalis kami, wala kaming naging koneksyon sa mga Rivero. Kahit sina mama at papa, sinabihan ko na wag silang icocontact. Hindi na rin namin napapagusapan sa bahay. Pero kahit ganun, gabi-gabi ko pa rin pinagdadasal, iniiyakan at kinakausap si Patrick. Tuwi ngang birthday nya, bumibili ako ng cake at cinecelebrate ito ng mag-isa. And speaking of that birthday, birthday na nga pala nya bukas. Haay Patrick... 22 years old ka na dapat bukas. Pero alam mo, kahit 22 years old ka na, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sayo. Never pa ulit akong nagkaboyfriend. Ewan ko ba dito kay Quen kung bakit paulit-ulit nyang sinasabi na "Wait for the right time. Dadating din yun Ella. Tatagan mo ang sarili mo, so you'll be able to keep your promise to Patrick. Sana wag mong maibigay ang puso mo sa iba habang naghihintay ng tamang panahon na yun." Weird, right? Sa pagkakaalam ko kasi, pag namatayan ka or anything, ang madalas na ipinapayo ay magmahal ng iba. Pero kakaiba tong si Quen e. Ewan ko ba dito. Pero kahit naman hindi nya sabihin yun, hindi naman talaga ako handang magmahal ng iba e. Kahit pa meron akong masugid na manliligaw na for almost 3 years nang nanliligaw sakin. Ang nakakatawa nga lang dun, never ko pang nameet yung manliligaw kong yun. Every day, as in araw-araw, lagi lang syang nagpapadala ng isang rose kasama ng isang pirasong puzzle piece. Yung pang jigsaw puzzle. 998 pieces na ang natatanggap ko, pero ni minsan, hindi ko pa sila sinubukang pagsama-samahin. Nakalagay kasi dun sa pinakaunang piece na binigay nya na wag ko muna yun bubuuin hangga't hindi nya sinasabi. "Ella!" sigaw ni Quen habang papasok dito sa office ko. "Ano yun?" sagot ko. "Another gift for you!" sabi nya at sabay abot ng isang rose kasama ang pang 999th piece. Yun yung usual na binibigay nya, pero nagulat ako dahil this time, may kasama ng note. Binuksan ko yung note at binasa ito. Dear my Love, Ito na ang last piece na ipapadala ko sayo. I will personally give the 1000th piece to you. Always carry the pieces with you because anytime, you can receive the note which will tell you na buuin sila. The long wait is over, my dear. Finally, magkikita na tayo. I love you so much, Ella. Always and forever. Hindi ko mapigilang ngumiti sa note na nabasa ko. Bigla akong napatingin kay Quen. I'm expecting na nakasimangot sya or galit kasi ayaw nga nya akong magmahal ng iba, diba? Ganun kasi sya sa mga nagtatry manligaw sakin, pero laking gulat ko nung makita ko syang nakasmile ngayon. "Himala yata. Hindi ka galit sa manliligaw kong to." Sabi ko. "Well..... Haha. Maybe the time really has come..." sabi nya. "For me to love someone else?" sabi ko. "Uhmm... Basta, the time has come." "Gulo mo! Haha." "Haha. Ah Ella! You have to go back to the Philippines nga pala. Pinapasabi nina Tita na may kailangan kang ayusin dun sa business nyo dun." Aside kasi sa business ni Quen, tinutulungan ko rin sina mama na ayusin yung business namin sa Philippines kahit dito ako sa US nakabase. "Kelan naman daw ako uuwi?" tanong ko. "Later." "Later?! Ang bilis naman yata?!" gulat kong sagot. "Yup. Urgent daw? Ito na yung plane ticket mo oh." Tumayo ako at inabot ang plane ticket na binibigay ni Quen. Pagkaabot nun, bigla nya kong hinila at niyakap. "Masyado ka nang maraming pinagdaanan, Ella. Masyado ka nang nasaktan. I think it's time for you to be happy..." bulong nya sakin. I just smiled and hugged him tighter. "So. Pano ba yan. Alis ka na! Mag-impake ka na at baka malate ka pa sa flight mo." Quen. At bumitaw na sya sa pagkakayakap "Talagang pinapalayas mo ko ha! Sige na. Bye!" Umuwi na ko sa bahay at nag-impake. Pagkatapos, dumiretso na ko sa airport para sa flight ko.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfikceThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.