PATRICK'S POV
Naiwan lang akong nakatayo dito. Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Hindi ko kaya to. Hindi ko kayang mawala si Ella. Susundan ko na dapat sya, pero bigla akong hinila at niyakap ni Kath. "Patrick. Hayaan mo na sya. *sob* *sob* Dito ka nalang sakin, please? Ang tagal nating nagkahiwalay... pero parang hindi ko man lang nararamdaman sayo na nangulila ka sakin. Patrick please... Don't leave me. *sob*" sabi ni Kath habang nakayakap sakin. Humarap ako sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap nya sakin. Hinawakan ko ang mukha nya at pinahiran ang luha nya. "Kath, believe me. Ang tagal kong nangulila sayo. 8 years Kath. 8 years akong naging miserable dahil sa pag-aakalang namatay ka talaga. Minahal kita Kath. Sobra sobra. Kung alam mo lang. Para akong buhay na patay sa sobrang pagluluksa para sayo. Akala ko hindi na ulit ako magmamahal ng iba, pero nung nakita ko si Ella, tumibok ulit ang puso ko." sabi ko sa kanya, at nagsimula na naman syang umiyak. "Pero Patrick! Minahal mo lang naman sya dahil kamukha ko sya diba? A-ako naman t-talaga diba? D-Diba? Patrick... *sob* *sob* *sob*" tuluyan na syang nagbreakdown. "Inaamin ko, nung una ko syang nakita, inakala ko at ipinagpilitan kong ikaw sya. Pero as days pass by, natutunan ko syang mahalin bilang si Ella. Kath, mahal ko sya. Mahal na mahal. Mahalaga ka sakin, alam mo yan. Lagi ka pa ring nasa puso ko, pero ibang pangalan na ang sinisigaw nito ngayon." sabi ko at niyakap ko sya. "P-p-patr-rick. . ." nanginginig na ang boses nya sa sobrang pag-iyak. " I know I promised you I won't let go. At alam kong malaki ang utang na loob ko sayo. You have no idea how happy I am to see you alive and well. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko. Nung nawala ka, tumigil ang mundo ko. Hindi ko binitawan ang pangako ko sayo, Kath. Araw araw akong umasang babalik ka. Naghintay ako, pero hindi ka dumating. Instead, si Ella ang dumating sa buhay ko. Sya ang muling nagturo sakin para magmahal. Kaya Kath, I know I will be rude in saying this. But I'm sorry kasi hindi na ikaw ang dahilan kung bakit tumitibok to." Humiwalay na ko sa yakap ko sa kanya. "Hindi mo na ba talaga ako mahal Patrick? Wala na ba talaga akong puwang dyan sa puso mo?" sabi nya, umiiyak pa rin. "Mahalaga ka sakin at malaking parte ka ng buhay ko... Pero si Ella... sya ang buhay ko at hindi ko kayang mawala sya sakin... Kaya I'm really sorry. I really am." I kissed her on her forehead, then I went away. Tumakbo ako ng napakabilis. Sobrang bilis. Kailangan kong maabutan si Ella. Hindi sya pwedeng mawala sakin. Kung san san na ako nagpunta pero hindi ko sya makita. Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Ang paborito nyang playground. Nagmadali ako para makarating dun agad. Habang tumatakbo ako, biglang umulan. Isang malakas na ulan. Pati yata langit, dinadamayan ang dalamhating nararamdaman namin ngayon. Ilang minuto lang, nakarating na ko dun sa playground. Tama ako, nandun nga sya. Andun, nakaupo sa paborito nyang swing, basang basa at suot ang jacket ko. Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod. Ramdam kong nagulat sya at aaktong aalis, pero hindi nya nagawa dahil mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "Ella. Let me explain... please." sabi ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Nanatili lang sya sa pwesto nya at hindi gumagalaw. Pumunta ako sa harap nya at lumuhod para makita ko ng ayos ang mukha nya. Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong umiiyak sya. Kahit umuulan, nakikita ko ang pagpatak ng luha nya. Dahil dun, hindi ko na rin napigilang umiyak. Nasasaktan si Ella at ako ang may kasalanan ng lahat. "Ella, mahal na mahal kita. -P-Patawarin mo na k-ko..." sabi ko ng nanginginig ang boses. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Oo, alam kong lalake ako, pero nagmahal ako and this is the price. Napatingin sya sakin at hinawakan ang mukha ko. "Bakit ang sakit sakit magmahal, Patrick? *smirk* Sabi ko naman kasi dito sa puso ko, mag-ingat e. Una palang. pinipigilan ko na ang nararamdaman ko sayo. Pero sa bawat pagpigil ko, sa bawat subok kong lumayo, mas lalo akong napapalapit sayo. *sob*" sabi nya at tatanggalin na sana nya ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko, pero kinuha ko to at hinawakan ng mahigpit. "Ella. Please... Hindi mo kailangang masaktan. Kasi ikaw naman talaga ang mahal ko." Inilagay ko ang kamay nya sa dibdib ko. "Ramdam mo ba ang pagtibok nyan? Para sayo ang bawat tibok ng puso ko, Ella. Sayo at wala nang iba..." Hinila nya ang kamay nya, tumayo at naglakad papalayo. Tumayo rin ako at sinundan sya. Hinawakan ko ang kamay nya para hindi sya makaalis. Napalingon sya sakin dahil dun. "Tama na Patrick. T-tama na. *sob* *sob*. Wag mo na kong paniwalain sa mga sinasabi mo. Mas nasasaktan lang ako. Tama na.............." pagkasabi nya nun, napaupo sya sa damuhan at umiyak habang nakatakip ang kamay nya sa mukha nya. Ramdam kong sobra syang nasasaktan. Kaya niyakap ko sya. Sobrang higpit para maramdaman nyang sincere ako sa mga sinabi ko sa kanya. "We made a promise to each other right? Sabi natin, we won't let go of each other kahit anong mangyari? Just hold on a little longer Ella. My heart beats only for you. Please do believe me." i told her habang nakayakap pa rin sa kanya. "I want to Patrick. Gustong gusto kong maniwala. Gustong gusto kong maghold on. Pero ang sakit... Ang sakit malaman na minahal at nagustuhan mo ko dahil kamukha ko ang unang babaeng minahal mo" when she said that, kumalas ako sa yakap namin. Naiinis ako. Bakit ba ayaw nyang maniwala sakin? "BAKIT BA ANG KULIT MO ELLA?! I LOVE YOU. I LOVE YOU BECAUSE YOU ARE YOU AND NOT BECAUSE YOU'RE SOMEONE ELSE. I LOVE YOU SO MUCH. ANO BANG MAHIRAP PANIWALAAN SA MGA SINABI KO? KUNG ANO MAN ANG PINARAMDAM KO SAYO NUNG MGA NAKARAANG ARAW, LAHAT YUN TOTOO. LAHAT YUN PARA SAYO. LAHAT YUN PARA KAY ELLA DIMALANTA AT HINDI PARA KAY KATH! OO, MAGKAMUKHA KAYO NI KATH. PWEDENG MAGKAMALI ANG MGA MATA KO. PERO ANG PUSO KO?! HINDING HINDI TO MAGKAKAMALI ELLA. KASI NOONG ARAW NA NATUTUNAN KITANG MAHALIN BILANG IKAW, WALA NANG IBANG NAKIKITA TONG PUSO KO KUNDI IKAW. IKAW LANG. Ikaw lang at wala nang iba............" sinigaw ko sa kanya. Natigilan si Ella. Natulala nalang sya sakin pagkasabi ko nyan. D naglaon ay natauhan na sya. Lumapit sya sakin at hinalikan ako. We shared a kiss of bitterness and pain. Ramdam na ramdam kong pareho kaming nasaktan sa mga nangyari. Pareho kaming umiiyak habang naghahalikan. At sinasabayan naman ng ulan ang mga luha naming yun. She broke off the kiss and stood up. I stood up too and stared at her. She removed my jacket from her body and gave it to me. "Why are you giving this back? Sayo na muna yan, it's raining hard." tanong ko. "I need some time alone Patrick. I won't be able to think properly kung ganto tayo sa isa't-isa" sabi nya. "W-what do you mean.?" I asked once more. "Lalayo muna ako Patrick. Para sayo at para sakin na rin. I will give you time to sort out your feelings. I want you to be sure with what you really feel..." "Hindi ka parin ba naniniwala?! Ella nam--" she cut me off. "I believe you Patrick. My heart does. Pero I want to give you a chance na malinawan kung ano talaga ang nararamdaman mo. Mahal kita Patrick. Mahal na mahal. Kaya gusto kong sa bawat desisyong gagawin mo, hindi mo ito pagsisisihan in the future." she said. "You don't have to do this Ella! Please. Don't leave me. Ikaw talaga. Ikaw lang at kailanman hindi ko pagsisisihan yun..." "I have to do this Patrick. I'm sorry. I need time to heal..." she said habang binibigay ang jacket ko. I guess I don't have a choice but to wait for her to come back. So I just took my jacket. Unexpectedly, some thing fell from it. My necklace. The one given by Kath. Ella saw it and picked it up for me. Pero bago pa nya maibigay yun sakin, nakita kong tinititigan nya ito ng mabuti. Natulala na sya sa necklace. At dahan dahang humawak sa ulo nya. Napapikit sya ng mariin at napaluhod. "A-AAAHHH. T-THIS NECKLACE......" sumisigaw sya na parang nasasaktan. Anong meron sa necklace na to????!!!! Agad ko syang sinalo at hinawakan ng mahigpit. "ELLA IS THERE SOMETHING WRONG?? ELLA ANSWER ME PLEASE!" i shouted. Patuloy lang syang nakahawak sa ulo nya. Napamulat sya at napatingin sakin. Kitang kita kong namumutla na sya.
She held my face and kissed me. Just a quick kiss. After that, she said,
"Hold my hand Patrick.... Don't ever let go...." and then she collapsed.

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.