QUEN'S POV
Kakatunog lang ng bell. Nakita ko si Patrick nagmamadali lumabas. Hinabol ko sya at hinawakan ang balikat nya. Kailangan namin mag-usap. "Anong kailangan mo?" sabi ni Patrick. "Pare. We have to talk" sagot ko. "Talk about what?!" sabi nya ng parang naiinis. "About Ella." pagkasabi ko nyan, biglang nawala ang inis sa mukha nya at napatitig nalang sakin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa may gym. Konti lang kasi ang tao dito, hindi mashadong maingay. Pagkadating namin dun, nagsalita sya agad. "Ano pang kailangan nating pag-usapan ha? Ipapamukha mo ba sakin na ikaw ang mahal nya? No need pare." Patrick. I can feel the pain in his voice. "As much as I wanted to pero hindi ko yun magagawa kasi kahit sa sarili ko hindi ko magawang ipamukha yun." sabi ko. "Huh? What do you mean?" takang takang tanong ni Patrick. "Ella's confused right now......." sabi ko sa kanya. "Anong confused?" tanong ni Patrick pero alam kong naiintindihan na nya ang nangyayari dito. "Wag ka nang magmaang-maangan pa Patrick. Alam kong alam mong nalilito na si Ella sa nararamdaman nya." "Pero sya na mismo ang nagsabi na mahal ka nya. May feelings man sya sakin pero ikaw pa rin ang pinili nya." sabi nya sakin, sabay tingin palayo. "Patrick. Nagawa lang nya yun dahil ako ang sinasabi ng isipan nya. Ella is a wise woman. She's mature for her age. You know that right? Kaya nga madalas isip nya ang nagagamit nya sa lahat ng mga pinagdadaanan nyang problema. Oo, tamang isip ang gamitin, pero may mga panahong puso dapat ang pairalin." paliwanag ko kay Patrick. "Mahal mo ba sya?" tanong nya sakin. "Tinatanong pa ba yan? Malamang oo." walang pag-aalinlangan kong sagot. "E bakit mo yan sinasabi sakin? Lumalayo na nga ako sa inyo tapos ipapaalam mo pa yan sakin. Pano kung agawin ko sayo si Ella lalo na't naconfirm ko nang may pag-asa pala ako sa kanya ha." hamon nya sakin. "Una dahil mahal ko si Ella. Ayaw kong nakikitang nasasaktan sya tuwing lumalayo ka o hindi mo sya pinapansin. Pangalawa, ikaw ang una kong naging kaibigan dito. I've always wanted to have a brother, and I see you as one. Kaya naman I want to have a fair fight. Ayaw kong angkinin si Ella dahil ako ang sinasabi ng isipan nya. Gusto ko, ako ang piliin nya dahil ako ang sinisigaw ng puso nya." "Oh. So, tanggap mo na kong karibal sa kanya? Tss. Sabi mo yan ha." sabi ni Patrick "But don't get too relaxed Patrick. Kahit kaibigan kita, hindi ako magpapatalo. Tandaan mo, lamang ako ng ilang taon sayo." I smirked. "Tandaan mo rin na hindi sa haba ng panahon nasusukat ang pagmamahal ng isang tao." sagot nya sakin sabay smirk din. "Then, may the best man win" sabay offer ko ng kamay ko for a hand shake He took my hand and said "Yeah. Yeah. And sorry pare. Tinuring kitang enemy." he then let go of my hand. "It's okay. Ganyan talaga pag love hin---" "Hep hep hep. Dadali ka na naman dyan sa kakornihan mo tol." And we both laughed with that. Good to know hindi pa rin ako nawawalan ng bro despite this situation. We're in the middle of our laughter when someone spoke. "Close na pala kayo?" Si Ella. ----------- PATRICK'S POV Hanep din tong si Quen e. Yung feeling na nasa harap mo na, kukunin mo nalang. Pero ikaw pa yung gumawa ng balakid para makuha mo yung bagay na yun. Ewan ko ba dito. Pero nakakatuwa din kasi mahalaga din pala sa kanya ang friendship namin. YAN ANG BARKADA. HAHA. Tawa lang kami ng tawa dito ng biglang may magsalita. "Close na pala kayo?" Si Ella. "Haha. Dko ba nakwento? Si Patrick first friend ko dito. Sya nga nagtour sakin dito sa school e." sagot ni Quen. "Ah ganun ba." sagot ni Ella na parang sobrang awkward sya. "Don't worry Ella. Patrick and I already talked about that thing." Quen Napatingin lang si Ella saming dalawa. Parang may gusto syang sabihin, pero d nya magawa. Parang nahihiya yata. Nagkatinginan lang kami ni Quen at... "Hahahahahaahahaha." Kami ni Quen. "E bakit kayo tumatawa?" gulat na tanong ni Ela. "E kasi laughtrip yang mukha mo Ella. Hahahaha." sabi ko, tawa pa rin ng tawa. Si Ella naman, gulat pa rin. "Ano ba yan Ella! Tagal mo namang makarecover. Mukha ka paring gulat oh." sabi ko sa kanya. "Ah. Eh. Wala lang. Nagulat lang ako dahil kinakausap mo na ako ulit." sabi nya sakin at nakatingin sakin ng diretso Oo nga pala, dko nga pala to kinakausap. Hehehe. Sorry na. Nahurt lang. Tumingin din ako sa kanya, at eto na naman. Nagtutunawan na naman kami sa mga tingin namin. "Ehem! Ah guys! Uwi na ba kayo? Aga pa e. Ba't ba kasi early dismissal tayo today! Ahahaha." Si Quen, nanggulo. Hahaha. "Ako uuwi na. Gusto kong magpahinga. Lagi nalang kasi akong puyat" sabi ko. "Halata nga sa eyebags pre." sabi ni Quen. "Sige mang-asar ka pa." "Hahahaha." Nagulat kami sa tumawa. Si Ella. "What? Nakakatawa e. Hahaha." sabi ni Ella. "Ngayon lang kasi ulit kita nakitang masaya." sabi ko. Nag-agree naman si Quen. "Ah ganun ba. Hehehe. Sige una na ko." sabi nya at biglang umalis. "Masaya sya kasi kinausap mo na ulit sya...." bulong ni Quen pero pakinig ko pa rin. Nagkunwari nalang akong hindi ko narinig. "Ano tol? May sinasabi ka?" pagkukunwari ko. "Wala. Sabi ko una na ko. Sige, bye." At umalis na rin sya. Bumalik na ko sa classroom para kunin ang gamit ko. Palabas na ko ng classroom nang may marinig akong kumakanta. Nilapitan ko yung boses. Dun pala sa may music room. Nagpapiano rin sya. Mukhang balak pa ata nito magaudition para dun sa magpeperform sa Hearts ball dahil tungkol sa first love yung kinakanta nya. Ang sarap pakinggan ng boses nya. So little to say but so much time, despite my empty mouth the words are in my mind. Please wear the face, the one where you smile, because you lighten up my heart when I start to cry. Pero bakit parang familiar tong boses na to.... Lalo pa kong lumapit dun sa music room. At ayun nakita ko na yung kumakanta. Pero nakatalikod sya. Forgive me first love, but I'm tired. I need to get away to feel again. Try to understand why, don't get so close to change my mind. Please wipe that look out of your eyes, it's bribing me to doubt myself; simply, it's tiring. Ano daw? Ayaw na nya sa first love nya? Sakit naman nun. Pumasok na ko sa music room. Dahan dahan kong binuksan yung pinto para d nya marinig. Linapitan ko na sya... This love has dried up and stayed behind, and if I stay I'll be alive,then choke on words I'd always hide. Excuse me first love, but we're through. I need to taste the kiss from someone knew. Teka, mahabang itim na buhok. Morenang balat. Slim na katawan. I know this girl. Si Ella to. Pero bakit ganto ang kanta nya? Forgive me first love, but I'm too tired. I'm bored to say the least and I, I lack desire. Forgive me first love, forgive me first love, forgive me first love, forgive me first love, forgive me, forgive me first love, forgive me first love At tinapos na nya ang kanta. Akala ko tatayo na sya, pero nagkamali ako. Narinig ko na umiiyak na pala sya "Quen... *sniff sniff*" si Ella. Si Quen ang tinutukoy nya sa kanta nya. "Ella." tinawag ko sya. Nagulat sya dun sa pagtawag ko sa kanya. Pagtingin nya sakin, pinahiran agad nya ang mga luha nya. "Patrick! Kanina ka pa dyan?" "Oo. Bakit ganyan ang kanta mo?" umupo na ko sa tabi nya. "..." "Si Quen ang first love mo diba?" tumango siya. "Bakit ganyan ang meaning ng kanta mo?" tanong ko ulit sa kanya "Hindi ko alam... Naguguluhan na ko, Patrick. Ayaw kong masaktan si Quen...." "Ella. Sundin mo lang kung ano ang makakapagpasaya sayo." payo ko kay Ella. "Pero kasama si Quen sa mga nagpapasaya sakin. Hindi ko sya pwedeng bale-walain nalang..."Aray. Sakit nun ha. "Basta, Ella. Kung ano man ang maging desisyon mo. Hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Maghihintay ako sayo, Ella." Kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa kaliwang dibdib ko. "Ramdam mo yan? Tumitibok yan para sayo. Ikaw lang ang sinisigaw nyan. Ilang araw man kitang hindi kinausap, pero hindi rin kita natiis. Kasi eto. Etong puso ko, ikaw lang ang gusto." Umiiyak na naman sya. "Patrick. Bakit mas lalo mo pa kong pinapahirapan? *sniff sniff* Mas lalo na kong naguguluhan." yumakap na sya sakin. Yinakap ko rin sya ng mas mahigpit. "Basta Ella, follow your heart. Pagdating sa love, hindi isip ang pinapairal. Kundi puso." Naramdaman kong tumigil na sa pag-iyak si Ella. Pero kahit tumahan na sya, nakayakap pa rin sya sakin. Ang sarap sa pakiramdam. Yakap mo ang mundo mo. Wala pa mang kasiguraduhang sakin talaga sya, pero masaya na kong dumating tong panahon na to na yakap nya ko at yakap ko sya. Kung sana ganto nalang lagi. Walang hadlang, walang problema. Hawak lang namin ang isa't-isa. Hindi na gumagalaw si Ella. Nakatulog na pala to. "Ella, kung pwede lang na hindi na kita bitawan... Hindi ko talaga gagawin. Mahal na mahal kita. Sana ako nalang ang piliin mo..." at hinalikan ko sya sa noo. "Love is when you sit beside someone doing nothing, yet you feel perfectly happy"

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.