5. Pictorial

11 0 0
                                    

PATRICK'S POV 

Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos namin mag-usap ni Ella sa park. Lagi na namin syang kasama ng barkada. Ang saya-saya lang. Masaya naman ako dati e, pero parang may kulang. Ngayon na nandito na sya, pakiramdam ko buo na ko. Corny ko lang. Hahahaha. Andito ako ngayon sa classroom. Nakaupo lang. Walang klase kasi may meeting ang teachers. Puro mga nakaub-ob ang mga classmates ko. Mga puyat yata? Haha. Kaya tahimik lang ang buhay ko. Tinititigan ko ngayon tong necklace ko na bigay ni Kath sakin nung 9th birthday ko. Sabi ko noon sa sarili ko, hindi na ulit to mabubuo... hindi na ulit ako mabubuo kasi akala ko patay na si Kath. Pero hindi pala, pakiramdam ko buo na ulit ako kasi andito na si Ella. Sana lang talaga Ella, ikaw na si Kath. Yung mga signs, puro ikaw ang tinuturo. Pero ayaw kong umasa, kasi ayokong masaktan. Pero eto talagang puso ko, parang wala ng bukas kung tumibok pag nandyan ka. "Hayyyyy." buntong hininga ko. "Patrick, okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalita. Si Ella pala. "Oo, Ella. Haha. Medyo bored lang ako." sagot ko. "Ah. Ako rin e. Tagal naman ng meeting" reklamo ni Ella. "Nako. Sadyang ganyan. Masanay ka na, Ella." sabi ko sabay ngiti. Mamaya-maya, dumating na si Ms. Gonzales. Umupo na ng maayos ang mga kaklase kong antukin. Hahaha. Hilig kasi magpuyat. "Okay class. Alam nyo ba kung tungkol san ang naging meeting namin?" Ms Gonzales. "Malamang po hindi. Kami po ba umattend ng meeting? Diba kayo?" sabi ni Raffy, yung kaklase kong bully. Haha. Pati si Ms. binully. Patay ka. "Aba. LABAS!" sigaw ni Ms. Yan tuloy, bastos e. Hahahaha. "Anyway, class. Nagmeeting kami regarding your Feb fair. Maraming gaganaping contests like dance competition, frisbee competition, singing contest at dahil na rin natapat ang Feb fair natin sa week ng Valentines, magkakaroon din ng Mr and Ms Valentine. Every section needs to have a representative. Male and female of course. So now, you have to nominate 3 guys and 3 girls to be our representative. Let's begin with our male representative." explanation ni Ms. Nagtaasan na ng kamay ang halos lahat ng girls sa classroom. Actually lahat, maliban kay Ella. "Yes, Cathleen." Ms. Gonzales. "Uhh. Ma'am, I nominate Patrick Rivero for our male representative" Cathleen. At pagkasabi nya nun, nagbabaan na ng kamay ang mga girls. NAMAN OH. POGI KO TALAGA. HAHAHA. "Okay. Who else wants to nominate? Who else? Anyone? Okay. I guess, it's final. Mr. Rivero will be our representative." sabay sulat ni Ms G ng name ko sa board. "Next, for our female representative." Nagtaasan naman ang kamay ng boys. "Ma'am! I nominate Joyce Ching to be our female rep!" sigaw nung isa kong classmate. Sinulat naman ni Ms. ang name nya sa board. "Who else?" Ms. G. "MA'AM I NOMINATE ELLA DIMALANTA!!!!!" pagkasabi nyan nung classmate ko, biglang nagsigawan yung mga classmate kong lalaki ng: "Woooooooooooooo!" "Ella for the win!" "Peste. Wag nyo nga iboto si Ella! E di makakapartner sya ni Patrick! Sakin lang si Ella!" "Loko ka tol! Wag ka ngang makasarili! Para to sa section natin to. Sure win tayo pag si Ella!" "Kung sa bagay, sexy na maganda na, matalino pa! Nako liligawan ko na talaga yan" "Geh tol may the best man win!" Loko tong mga to ah. Sakin lang si Ella! Ngudngod ko sila sa putikan e. Wag nilang kakalabanin ang Patrick Rivero. "Huy. Patrick! Sama mo makatingin dyan!" tawag sakin ni Ella. Nakatingin na pala ako ng masama dun sa mga kaklase kong may gusto sa kanya. "Huh? Hindi naman ah." palusot ko. "Okay, who else will nominate?" sabi ni Ms. Wala nang nagtaas ng kamay, kaya nagsimula nang magbotohan. "Those in favor of Joyce raise you left foot." Ano na naman kalokohan to ni Ms?! "HUHHHHHHHHHHHHHHHHHH?!" sigaw ng mga kaklase ko. "De joke lang. Malamang raise your hand! Mga engot tong mga to. O dali na!" hahahaha. patawa talaga tong si Ms. 5 ang nagtaas ng kamay for Joyce. So ibig sabihin, carried na si Ella ang winner. YES. SYA ANG PARTNER KO. WOOOOO. "Okay. Our two representatives would be Ms. Dimalanta and Mr. Rivero." at nagpalakpalakan ang mga kaklase namin. "Ihhhhh. Bagay sila!" "Sinabi mo pa! Feeling ko nga, may something e! Lagi kaya silang magkasama!" "Sayangggg. Gwapo pa naman ni Patrick, Pero okay lang, ganda din naman ni Ella" "Spell meant to be. Hihihi. KV muchhh" Lalandi talaga ng mga babae oh. Hahaha. Pero kinikilig ako. Hahaha. Ano daw? E bakit ba, may puso naman kaming mga lalaki ah. Malamang pwede rin kami kiligin! Nako. "Ella and Patrick, please proceed to the meeting with Mr Alvarez regarding the Mr and Ms Valentine competition" sabi samin ni Ms G. Lumabas na kami ng room at nagpunta sa may conference room. Andito yung ibang mga kalaban namin. And guess what! Andito sina Julia at Diego! "Patrick, bessie! Representative din kayo?" sabi ni Julia. "Hindi. Hindi. Maglilinis lang kami ng conference room kaya kami nandito." sagot ko. Hahaha "Leche ka Patrick. Wag ka na nga magsalita. So, magkalaban pala tayo ha." Julia. "Hindi. Cheerleader nyo lang kami." pambabara ko na naman. "UGH PATRICK DYAN KA NA NGA! HALIKA NA ELLA AT DIEGO UPO NA TAYO!" galit na sabi ni Julia. Hahahaha. Pikunin talaga to oh. "Hahaha. Bro naman. Wag mo naman yan galitin, baka mag-end na ang world. Gusto ko pa grumaduate." biro ni DIEGO. Hahaha. "HOY DIEGO! ISA KA PA HA. BREAK NA TAYO!' sigaw ni Julia. Hahaha. Sus. Asa pang tototohanin nila yan. "Babe! I'm sorry. Ayaw ko lang naman mag-end of the world kasi papakasalan pa kita. Sorry na babe." Corny lang tol. Hahaha. Nagblush naman si Julia. "Hahaha. Kayo talagang dalawa! Tara na nga, upo na tayo" sabi ni Ella. Umupo na kami at mamaya-maya, dumating na rin si Mr Alvarez. "Okay. Hello couples. Oops, I mean, representatives. I guess alam nyo na kung bakit kayo nandito. In line with that, kailangan nyong magkaroon ng couple shots for V-day. Yung pictures nyo, ipopost sa may bulletin board sa may gymnasium para pagbotohan ng mga tao. Isa yun sa mga basis para malaman kung sino ang mananalong Mr and Ms Valentine. Of course meron pang ibang basis, but for now, let's begin with your pictorial. Excused na kayo sa mga klase nyo. Kaya tumayo-tayo na kayo dyan and proceed to the studio." Sinunod naman namin agad ang utos nung baklang teacher na yun. Pagpasok namin sa studio, andaming damit na maganda at astig! Pinapili na kami nung susuot. Pinili ko yung leather jacket na black, tapos may tshirt akong The Beatles sa loob. Black pants tapos hindi na kami pinagpalit ng shoes kasi d rin naman daw kita. Lumabas na ko sa dressing room. At napanganga naman ako sa nakita ko. Si Ella. Ang ganda lang. Andun sya ngayon, minemake-up-an. Nakablue spaghetti strap dress sya na hanggang talampakan, tapos may maong vest kaya hindi mashadong flirty ang dating. wholesome kungbaga. Tulala lang ako ng... "Baha na Patrick! Laway mo oh, umaagos." Si Julia. "Tigilan mo nga ako." sagot ko. "Hahaha. E kanina ka pa tulala dyan kay Ella e. In love ka noh! Hahaha. O, tatanggi pa yan! Makaalis na nga!" at umalis na nga sya bago pa ko makakontra. Hay. Oo, inlove na ko. In love ako kay Kath. Kay Kath, hindi kay Ella. Kaya nga ipinapanalangin ko talagang si Ella at si Kath ay iisa. Pag kasi kasama ko si Ella, nakakalimutan kong inaalam ko nga pala ang tunay na pagkatao nya. Parang pag kasama ko si Ella, nakakalimutan ko si Kath. Na pakiramdam ko kahit malaman kong hindi sya si Kath, okay lang. Kasi nag-eenjoy akong kasama ko sya. Pero ayoko! May pangako ako kay Kath at hindi ko yun pwedeng sirain. Pero pano nga kung si Ella talaga si Kath? Aaaaahhhhh. Naguguluhan na ko! Kailangan ko na talagang malaman ang katotohanan. "Okay, last but not the least, Mr. Rivero and Ms. Dimalanta!" sigaw ni Mr. Alvarez. Pumunta na kami ni Ella sa may harapan ng camera. Medyo nagkakahiyaan pero kaya to. "Okay, Patrick, akabayan mo sya." inakbayan ko naman sya. "I don't like. Muka lang kayong friends. Ibaba mo yung akbay mo. Waist level tapos hold her braso." at ginawa ko naman. "I love ittt! Go mr. photographer!" *click* "Okay, next pose. Back hug, Mr. Rivero." sinunod ko naman. Shemay kinikilig ako. Hahaha. *Click* "Next holding hands. Pero hindi kayo side by side. ikaw Ms Ella ay nasa unahan ni Patrick tapos nakasandal ka sa kanya. Tapos hold each other's hands. Sa ilalim, kamay ni Ella then intertwine with kamay ni Patrick! Gets nyo ba instruction ko? Basta gawin nyo nalang." Okay. Ang gulo ng baklang to ha. Sumandal na sakin si Ella. Tapos ako naman, hinawakan ko yung kamay nya. Parang back hug lang din, pero imbes na nakayakap ako sa kanya, magkaholding hands kami. Intertwined fingers pa talaga. Waaaaaaaaa. Kinikilig na talaga ako dito. Pati nga yung mga tao, kinikilig "Shetttttttt. Kakakilig sila. Talo na tayo dito. I know." "Ihhhhhhhhhhhhh. Grabe. Sorry partner, hindi pair natin boboto ko ha. Sila boboto ko. Hahaha." " Spell KILIG! OMG LANG." Hahaha. Nakakatawa lang reaction nila. 

*Click* 

"Ms. Ella, medyo sumideview ka ng konti." at sumideview naman si Ella. 

*Click*

 "Okay. Next pose, eto, hawakan nyo muna tong mga balloonz at flowerzzz. Teka lang, mag-uusap muna kami ng mr photographer." Habang nag-uusap sila, napansin kong tahimik si Ella kaya kinausap ko sya. "Psst! Tahimik mo ah. Ano nakain mo?" tanong ko. "Hahaha. Wala lang. Medyo naiilang lang ako. Dami kasing nakatingin satin e" sabi nya ng nakayuko. "Sus! Wag ka na mailang. Masanay ka na, gwapo kasama mo e. Tapos ikaw maganda. Malamang pagtitinginan talaga tayo." sabi ko. "Hahaha. Yabang mo talaga Patrick! Hampas ko to sayo e!" "Sus! Kinikilig ka lang kasi sinabihan kitang maganda. Yiiiiieeee. O para mas lalo kang kiligin, eto, flowers for you..." pangaasar ko. "Ah ganon ha! Hahampas ko na talaga to say-----" 

*Click!* 

Napatigil kami sa pagkukulitan nung biglang may nagflash. "Kayong dalawa! Effortless talaga kayo sa pagpapakilig! Kahit simpleng asaran nyo lang ang cute cute tingnan! Bagay!!! I like itttt. Very natural! O sya next pose. Ms Ella, look at the camera, tapos Patrick look at her." At ginawa ko naman. Eto ako, tinititigan si Ella. Hay. Ang ganda nya talaga. Yung mata nya, ilong, yung smile nyang napakasweet. dub dub dub dub. Eto na naman puso ko. "PATRICKKKKKKK!" Huh? Ay shet. Anong meron? Lahat sila nakatingin sakin? "Bakit po?" "E kung makatitig ka naman wagas! Kanina pa tapos yung shot na yun noh! Wag mo naman tunawin partner mo! Next pose na! Backhug ulit, but this time, nasa may waist na nya yung kamay mo, hindi na sa braso nya. " At nilagay ko na yung kamay ko sa may waist nya. Medyo awkward, pero ang sexy talaga ni Ella. HUH PATRICK. ANO BA YANG SINASABI MO. Manyak ka! Ugh. Untog ko kaya sarili ko? Hahaha. *Click* "Okay, for the final pose. Kunwaring kiss! Ella, kiss mo sya." Nagkatitigan kami ni Ella nun. Pero mamaya-maya, nagtawanan rin lang kami. Hahaha. Ayan na, lumapit na sya sa mukha ko at aastang ikikiss ako. Ako naman kunwari, napapikit. Hahaha. "Ay shet. laglag na puso ko. Kinikilig ako girrrrrrrrrrrrrrrrrrrllll." "Sila ba? bakit ramdam ko, oo? Hahahaha" "LOVE IS IN THE AIR NA TALAGA" "Ay grabeeeeee kayong dalawaaaaaaaa. Kinilikilig na talaga ako ng bonggaaaaaaaaa. Lakas ng chemistry nyoooooooooooooooo. Photographer gorabels na! Take many shots of thatttttttt" sabi ni Mr. Alvarez. Hahahaha. Nakakatawa.

 *Click"

 *Click* 

*Click*

 At natapos na sa wakas ang photoshoot. Mamaya-maya, ginather kaming lahat ni Mr. Alvarez. "Okay. So, idedevelop na namin yung pics nyo later. Then we'll choose what's the best photo and we'll post it sa bulletin board. Abangan nyo nalang later okay? Good job everyone. Special mention kayna Ella at Patrick. Makalalag puso kayong dalawa. Hay. Kelan kaya ako makakahanap ng papables ko? Hahaha. O sya sige na, layas na kayo. Have a happy lunch!" At nagsialisan na ang lahat. Magkasama kami ngayon ni Ella. Pero walang nagsasalita. Kaya naman napagdesisyunan kong mauna na. "Ella." "Bakit, Patrick?" "Bakit ang tahimik mo?" "Wala naman. Napagod lang siguro ako." "Ganun ba? tara kain tayo, libre ko." "Weh. Hahaha. O sige, sabi mo ha." "Basta talaga libre, nagbabago ang mood mo. Hahaha. Halika na!" Hinawakan ko ang kamay nya. Hindi naman nya to tinanggal. Naglakad na kami papunta sa cafeteria. Ramdam ko ang daming nakatingin samin kasi magkaholding hands kami. "Patrick. Yung kamay ko. Pinagtitinginan nila tayo." sabi ni Ella. "Sus. Yaan mo sila, inggit lang mga yan." pagyayabang ko at mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya. "Ikaw talaga ang yabang yabang mo! Hahaha." sabi nya. "Sus. Kilig ka lang." sabi ko. "Kilig mo mukha mo" sagot nya. "Ah ganon....." kiniliti ko sya. "Hahaha. Pat--Hahahaha-Rick---Hahaha. Tama--Hahaha Na--." pakiusap ni Ella. Hahaha. Lakas ng kiliti nito e. "Ayok-----" "PATRICK!" Bigla kaming napatigil ni Ella sa kulitan namin at napatingin doon sa tumawag sakin. Bakit sya nandito?

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now