PATRICK'S POV
It has been what. 2 weeks? Yeah. 2 weeks after that incident with Ella. Hanggang ngayon
dko pa rin makalimutan e. Sorry ha. Hahaha.
Ay. Nakalimutan ko yatang sabihin, birthday ko na ngayon. Wala si Mama dahil pinapaayos
nya yung clubhouse na magiging venue ng birthday party ko mamaya.
Sa totoo lang, hindi ako excited tuwing birthday ko. Lagi kasi akong may naaalala e. Alam
nyo naman yun diba? Hindi ko na kailangan ulit-ulitin pa.
Pero ngayon, masaya ako. Masaya ako kasi andito na si Ella. Pakiramdam kong buo na ulit
ang puso kong nagkapira-piraso dahil sa nangyari noon kay Kath.
Hawak ko ngayon ang necklace na binigay nya sakin.
"Kath. Eksaktong 8 years na ang nakakalipas. Sana masaya ka na dyan ngayon,
kasi ako? Oo. Masaya na ko Kath. Masayang masaya. Ikaw na bahala samin ha! I
will be forever thankful sa ginawa mo for me. I am really letting you go this time.
May you rest in peace." sabi ko at hinalikan ko yung necklace at inilagay sa bulsa nitong
leather jacket ko.
"Patrick, nak! Halika na. Marami nang tao dun sa venue. At. Happy Birthday
pala!" sabi ni mommy at sabay kiss sa noo ko.
"Haha. Thanks Ma!" sabi ko sabay hug sa kanya.
"Naku naman. Ang anak ko. Kahit binata na, ang lambing lambing pa rin."
"Syempre Ma! Haha."
"O sya. Goodluck kay Ella ha. Papakilala mo na ba sya samin formally?"
"Yes Ma. Mamaya."
"That's good. Susunod nalang daw dun ang papa mo. Tara na?"
"Sure. Tara na"
At sumakay na kami sa sasakyan papunta dun sa venue. Pagdating ko dun, wow lang. Ang
daming tao!
Pero kahit andaming tao, may isang tao pa rin akong hinahanap.
Andaming bumabati sakin, smile lang ako ng smile. Buong school yata nandito.
Lakad pa rin ako ng lakad, pero hindi ko pa rin sya makita.
Mamaya-maya, nagdilim ang paningin ko.
"Sino to?" sabi ko dun sa nagtakip ng mata ko.
"Kung san san ka tumitingin e baka mamaya mapako na yang mga mata mo sa
iba." sabi nya sabay tanggal ng kamay nya sa mata ko. Humarap na ko sa kanya.
"Selosa ka talaga." sabi ko kay Ella. Oo, si Ella yun. Hindi pa obvious? Haha.
"Ako? Selosa? D rin! Hahaha." sabi nya. Teka, dpa ko binabati nito ah.
"May gusto ka ba sabihin sakin?" sabi ko.
"Uhmm. Gwapo mo ngayon ah! Hihi. Tara dun sa table! Gutom na ko!" sabi nya at
hinila ako dun sa may mga pagkain.
Nakaupo lang ako dito sa may table habang hinihintay syang kumuha ng pagkain nya.
Mamaya-maya, may lumapit saking dalawang babae.
"Hello Patrick. I'm Marla and this is Charisse." sabi nung Marla.
"Hello." malamig kong sabi. Halata naman e. They're obviously flirting. Well, too bad girls.
D ako tinatalaban nyan.
"Just so you know. Dati ka pa naming gusto. We really like you Patrick. Wala ka pa
namang girlfriend so...." sabi nya while she's tracing my face.
Tinanggal ko ang kamay nya.
"I'm sorry Ms. I'm already taken." sinabi ko sa kanya.
"Yeah. But not yet married." lalapit na naman sana sya sakin pero may biglang humila
sakin.
Grabe lang. Ang lakas makahila ng taong to ha. Andami na naming nababanggang tao kaya
ako naman smile lang ng smile at nagsasabi ng sorry.
Nakalabas na kami dun sa may garden ng clubhouse at finally, nakita ko na yung humila
sakin.
"Selosa talaga. Hahaha." Si Ella pala. Haha.
"Hindi noh. Kakainis lang yung mga babaeng yun. Kung makadikit sayo..." inis na
inis na sabi nya.
"SELOSSS! HAHAHA." at hinampas naman nya ako pagkasabi ko nun.
"Sabi nang hindi e. Pssh." at umupo na sya sa may damuhan dito.
"Uyy. Sorry na. Haha. Joke lang naman e. Cute mo kasi. Kung sinasagot mo na kasi
ako e di maassure ka nang walang makakaagaw sakin." sabi ko sabay taas baba ng
kilay ko.
Napatitig nalang sya sakin.
"Huy. Makatitig ka dyan." sabi ko. Hindi pa rin nya inaalis ang tingin nya sakin e.
Tumayo nalang sya at pumasok sa loob. Waa. Galit ba yun?
Syempre, sinundan ko sya paloob. Pero sa dami ng tao, hindi ko na sya makita.
"Brooo! Happy Birthdayy!" nagulat akong may sumigaw. Si DIEGO pala, kasama ang
barkada.
"Andun na yung gift mo sa table ha! Happy Birthdayy bunso!" si Julia.
"Binata na ang baby boy namin! Pahug nga!" Si Ate Yen.
"Oyy. Sali naman ako dyan! Heberday Bruuu!" Si Neil.
"Group hug tayoooo!" Sigaw ni EJ at Kiray.
At ayun naggrouphug kami.
"Teka, nasan si Ella?" tanong ni Kiray! OO NGA PALA. Kaya nga pala ako pumasok dito
para suyuin yun. Nagtampo yata e.
"Nagtampo yata sakin. Hinahanap ko nga e kaso bigla kayong dumating." sabi ko.
"Ah ganun ba. Tulungan ka nalang namin magh----" Hindi na natapos ni EJ ang
sasabihin nya dahil may biglang nagsalita sa stage.
"Goodevening po sa inyong lahat." Kilalang kilala ko ang boses na yun. Si Ella. Ano
naman ang ginagawa nya dun sa stage?
Napatigil lahat ng tao nung nagsalita sya. Sa wakas, tumahimik na rin ang napakaingay na
lugar na to. Tumingin sya samin ng barkada at ngumiti. Mamaya-maya ay nagsalita na ulit
sya.
"Marami po siguro sa inyo ang hindi nakakakilala sakin. I'm Ella Dimalanta. Friend
po ako ni Patrick, ng birthday celebrant natin ngayon. Andito ako sa harap nyo
dahil gusto kong marinig nyo ang sasabihin ko sa kanya. Sana pakinggan nyo to
ng mabuti, lalo na ikaw, Patrick Rivero..
Unang una, gusto kong ipagsigawan dito na MAHAL NA MAHAL KITA PATRICK. Una
palang kita makita, may naramdaman na kong kakaiba. Pero sinubukan ko yung
pigilan dahil akala ko si Quen ang mahal ko. Pero ang kulit kasi nito e. Ang kulit
nitong puso ko. Kasi kahit anong pilit kong sabi na si Quen! Si Quen dapat ang
mahalin ko, ikaw pa rin ang tinitibok nito. Alam ko nasaktan kita ng sobra noon
pero kahit ganun, tinanggap mo ulit ako. Hindi ka nagsawang mahalin ako kahit
ang tanga tanga ko.
Pangalawa, sorry kasi ang selosa ko. Sorry dahil kahit hindi pa tayo, umaasta
akong girlfriend mo. Hindi ko kasi maatim na makita kang nakikipaglandian sa
ibang babae e. Gusto ko sakin ka lang. Kaya ngayon, ibibigay ko na ang gift ko
sayo. OO PATRICK. I THINK THIS IS THE RIGHT TIME. SINASAGOT NA KITA, AND
JUST SO YOU KNOW, IT IS MY HONOR TO BE YOUR GIRLFRIEND. HAPPY
BIRTHDAY, PAT. I LOVE YOU SO MUCH."
Okay... Uhh. Loading....
Naghihiyawan na ang mga tao dito. Nagpapalakpakan.
Niyuyugyog na ko ng barkada pero ako tulala pa din.
Wait lang. Loading....
IT IS MY HONOR TO BE YOUR GIRLFRIEND.
IT IS MY HONOR TO BE YOUR GIRLFRIEND.
Ano daw? Girlfriend ko na daw sya? Pwede replay? Hindi talaga makatotohanan e.
HAPPY BIRTHDAY, PAT. I LOVE YOU SO MUCH
HAPPY BIRTHDAY, PAT. I LOVE YOU SO MUCH
Wala talaga ako sa katinuan kaya dko namalayang nasa harap ko na pala si Ella.
"Huy. Tulala ka dyan!" sya.
"......"
"Patrick! Ayos ka lang ba?!" nag-aalala na sya.
"E-Ella... T-totoo ba yung narinig ko k-kanina? Girlfriend na kita?" mautal-utal kong
sabi. Hindi talaga kapani-paniwala e.
"Haha. Oo. Tayo na. Sayo lang ako at sakin ka lang, okay? I love you." sabi nya at
hinalikan ako sa cheeks.
Nagising na yata ako sa realidad kaya naman napasigaw nalang ako.
"WOOOO. KAMI NAAA! NARINIG NYO YUN? SAKIN LANG TO HA. ANG AAGAW
MAMATAY NA." sabi ko habang nagtatatalon.
"Huy! Nakakahiya ka! Hahaha. Pero okay lang. Love naman kita e." sabi ni Ella
sabay yakap sakin.
"Mas mahal kita, binibining Ella Dimalanta. Wag mo kong ipagpapalit ha? Kahit
anong mangyari." sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Oo naman. Promise ko yun. I will never let go, kahit anong mangyari." kumalas na
sya sa yakap namin at inilahad ang mga kamay nya.
"I don't know why I kept on doing this, but I want you to hold my hand, Patrick."
Napangiti nalang ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Hinding hindi ko bibitawan ang kamay na to, hangga't hindi ikaw ang unang
bumibitaw. I love you, Ella. You made me the happiest man alive when you agreed
to be my girlfriend." sabi ko at kiniss ko sya sa lips. Smack lang. Haha.
"YYIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE." yan nalang
ang narinig namin sa mga tao habang nagpapalakpakan sila.
Nagbalikan na ang lahat sa mga ginagawa nila. Kami naman, umupo na ulit dun sa table
namin. Pero mamaya-maya lang lumapit samin sina Mom and Dad.
"Hello kids." bati ni Mommy.
"Mom, dad. I want to formally introduce to you Ella, my girlfriend." sabi ko. Sarap
lang sabihin nun. Haha.
"Well, we've already met so I assume you know me already. Call me daddy
Rommel." sabi ni dad. Wow. Daddy talaga.
"Daddy Rommel?" sabi ni Ella, medyo nahihiya pa ang tono ng boses nya.
"Yes, my future daughter-in-law?" napatulala naman dun si Ella. Haha. Daddy talaga.
"Pa. You're scaring her. Haha. Well, hello Ella. I'm Karla. Mommy ni Patrick, future
mother-in-law mo." sabi naman ni mommy sabay hug kay Ella. Isa pa to e. Hahaha.
"Hello po." yan nalang ang nasagot ni Ella at kumalas na sila ni mommy sa pagkakayakap
"You really look like Kath..." bulong ni mommy pero narinig ko pa rin.
"I'm sorry?" Whew. Buti d narinig ni Ella.
"Ma. Ahem. Uhh. Tawag yata kayo nina Tito? Punta na kayo dun." sabi ko para
umalis na sila. Baka kung ano pang masabi ng mga to e.
"Alright. Well, nice to meet you Ella! And welcome to our family." sabi ni Daddy.
Napasmile naman ako dun.
"Thank you po Tito.. I mean Daddy." sabi ni Ella. Sarap talagang pakinggan na
tinatawag ng girlfriend mong daddy ang daddy mo. .Hayy. Kelan kaya kami ikakasal?
Hahaha.
"O sya, sige na. Iwan na muna namin kayo. Enjoy this night. Plaplanuhin na namin
ang kasal. Hahaha. Joke lang. O sige na. Nice to meet you daughter-in-law. Ikaw
na bahala dyan sa batang yan ha." sabi ni mommy at nagpaalam na.
Naiwan nalang kami dito ni Ella. Wala ang barkada e, nagpaparty. Haha.
"Katuwa ang parents mo. Haha." sabi nya.
"Anong parents ko. Baka parents natin?" sabi ko sabay smile.
"Soon. Hahaha." At nagtawanan nalang kami.
Nagkekwentuhan lang kami dito ng biglang nagsitahimikan ang lahat.
"Anong meron? Bakit lahat sila nakatingin sakin" sabi ni Ella.
Oo nga naman. Bakit lahat sila nakatingin kay Ella na parang gulat gulat? Parang nakakita
sila ng multo ah.
Papalapit samin ngayon ang barkada. Pati sila mukhang nakakita rin ng multo.
"Patrick, Ella..." Si Julia.
Napatayo kami ni Ella sa mga kinauupuan namin
"Anong meron guys? Sinong tinitingnan nila dun sa may entrance? At pagkatingin
nila dun sa entrance, titingin naman sila kay Ella? Nanloloko ba tong mga to?" irita
kong sabi. Pano kung makatingin tong mga to, wagas!
Hindi na nakaimik ang barkada. Pansin kong unti-unting nahahawi ang mga tao. Parang
may dadaang reyna sa gitna. Sino naman kaya tong dumadaan at parang ang importante
nya?
Palapit sya ng palapit samin. Naaaninag ko na ang mukha nya at ang built nya. Teka, bakit
parang familiar?
Nung makalapit na sya ng tuluyan samin, napanganga nalang ako. Nabitawan ko pa ang
glass of water na hawak ko. Tiningnan ko si Ella at tiningnan ko naman sya. Hindi ako
makapaniwala.
"Mukha kang nakakita ng multo Pat ah! Hahaha. Pwes, hindi ako multo. I'm real.
Ako to, si Kath! Tanda mo pa naman ako diba? Happy Birthday bestfriend! I missed
you so much!" sabay yakap sakin.
THIS CAN'T BE.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
Fiksi PenggemarThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.