Kabanata 1

613 13 4
                                    

Kabanata 1

taong 1647

mabilis na tumatakbo ang magkapatid na si Gilda at Belinda habang magkahawak kamay sa gitna ng kagubatan dahil sila ay tumakas lamang sa mataas na hukom at kasalukuyan silang pinag hahanap ng mga guardiya sibil

nung makakita ang magkapatid ng punong madali lamang akyatin ay pilit iyong inakyat ng magkapatid kahit na nagiging sagabal ang kanilang suot nilang baro't saya 

kahit na nag dadalang tao si Gilda ay pilit itong umakyat sa puno upang mailigtas ang sarili at ang anak na nasa sinapupunan pa lamang 

matagumpay na nakaakyat ang magkapatid sa puno at dahil roon ay hindi sila makita ng mga guardiya sibil at dahil na rin sa madilim na gabi na tangging ang buwan lamang ang nag bibigay liwanag sa mga nabubuhay na nilalang 

" asaan na ang dalawang iyon! hanapin niyo! babae lamang ang mga iyon at natakasan pa kayo! "

galit na sabi ng kapitan si Eric sa mga guardia sibil 

lingid sa kaalaman ng kapitan ay nasa taas lamang ng katabing puno ang dalawang dalagitang hinahanap niya 

" lintek naman oo! " 

galt na sigaw ng kapitan saka nito sinipa ang punong inakyatan ng dalagang hinahanap niya upang dito ibuhos ang galit na nadarama niya 

pagka tapos mag labas ng sama ng loob ang kapitan ay agad na itong umalis upang hanapin dalawang dalaga na takas lamang sa mataas na hukom 

nung nakasiguro na ang magkapatid ay agad din itong bumaba sa puno 

na unang bumaba si Belinda upang alalayang ang kaniyang nakakatandang kapatid na kasalukuyang nag dadalang tao 

pilit tumakbo ang magkapatid nung bigla na lamang napahinto ang dalagang si Gilda dahil nakaramdam ito ng pananakit ng kaniyang tiyan 

" Belinda, hindi ko na kaya. manganganak na ata ako " 

hinihingan na sabi ni Gilda saka ito kumapit sa nakababatang kapatid na si Belinda 

" nako diyos ko po, bakit ngayon pa "

namomroblemang sabi ni Belinda habang tinutulungan ang kapatid sa pag lalakad 

nabuhayan ng loob ang dalagang si Belinda nung nakakita ito ng isang maliit na kubo 

" doon Gilda! maaari tayong mag tago roon! " 

masayang sabi ni Belinda at nag madali ang magkapatid na tumakbo papunta sa kubong kanilang nakita 

pag pasok ng dalawang dalaga ay walang tao sa kubong ito at may kahoy na kama pa ito 

tinulungan ni Belinda ang kaniyang kapatid upang humiga sa kama 

" ahh hindi ko na kaya Belinda! lalabas na ang bata! " 

sigaw ni Gilda habang napahawak ito sa dalawang dulo ng kama sa kaniyang uluhan 

agad namang pumunta ang dalagang si Belinda sa paahan ng kaniyang kapatid at ibinuka nito ang dalawang hita ng kaniyang nakakatandang kapatid 

" AAAHHH!!! "

agad na kinagat ni Gilda ang unan na nasa tabi nito upang pigilan ang pag sigaw niya dahil maaari silang marinig ng mga guardiya sibil 

" onting tiis na lang Gilda, lalabas na ang iyong anak "

masayang sabi ni Belinda upang pagaanin ang loob ng kaniyang kapatid habang inaabangan naman nito ang ulo ng kaniyang pamangkin 

" AAAAAHHHHH!!!! "

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon