Kabanata 17

117 7 3
                                    

Kabanata 17

Pinili na lamang ni Luna na pumunta sa kaniyang silid

Ngunit hindi nito inaasahan ang bubulaga sakaniya

Pagka bukas na pagka bukas pa lamang niya ng kaniyang pinto ay bigla na lamang bumuhos ang dugo ng hayop sa buong katawan niya

" AAAAAHHHH!!! "

Hindi napigilan ni Luna ang pag sigaw niya dahil sa gulat

Nag mistulan itong taong sugatan dahil sa puro dugo ang buong katawan nito

" Surprised? Hahaha "

Napalingon si Luna nung narinig nitong mag salita ang kaniyang kapatid na si prinsesa Imelda

Nagulat ang prinsipeng si Luis ngunit mas pinili nitong hindi na lamang tulungan si Luna at tumawa kasama ang dalawang may sala na sina Imelda at Wilfred

Nanatiling tahimik si Luna ngunit kita ang pag tulo ng mga luha nito

" Aww bakit ka umiiyak? Hindi ba't halimaw ka? Sanay ka dapat sa dugo hahaha "

Pang iinsultong sabi ni Imelda sa kaniyang ate at tumalikod na lamang si Luna dahil ayaw nito makita ng iba na umiiyak siya

Ipinag sawalang bahala na lamang ni Luna ang ginawa sa sakaniya ni Imelda

Pumasok na lamang ito sakaniyang kwarto at dumiretso ito sa kaniyang paliguan

Inihanda nito ang malaking banyera niya sa kaniyang paliguan at pinuno niya ito ng maligamgam na tubig

Agad na hinubad ng prinsesa ang kaniyang mga kasuotan at agad niya inilublob ang kaniyang katawan sa banyera

Habang pilit inaalis ng prinsesa ang mga dugong kumapit sa kaniyang katawan ay patuloy ang pag tulo ng luha nito

Hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya sa kapatid at ginawa sakaniya ito

Pilit nitong kinakalma ang sarili at pinapatahan sa pag iyak ngunit kusang tumutulo ang mga luha nito

Sa ibaba naman ng palasyo ay naroon ang isang prinsesa at dalawang prinsipe na nag tatawanan

" Hahaha, nakita mo ba ang kaniyang itsura kanina? Mas malala pa siya sa halimaw "

Natatawang sabi ni Imelda sa dalawang prinsipe at tumawa na lamang si Wilfred habang wala namang natatanggap ang prinsesa na reaksyon mula kay Luis

" Bakit mo iyon ginawa, prinsesa Imelda? "

Kaswal na tanong ni Luis sa prinsesa

" Dahil sakaniya ay pinarusahan ako ng mahal na reyna kaya nararapat lamang sakaniya iyon "

Pag papaliwanag ni Imelda kay Luis at hindi na lamang kumibo ang prinsipe

Nag iigting ang panga neto sa inis ngunit pinipilit niyang hindi mag bigay ng kahit na anong reaksyon

Sa kalagitnaan ng tawanan ng dalawa ay mas pinili na lamang ni Luis na umalis doon dahil alam neto sa sarili niya na sa ano mang oras ay sasabog na ang galit niya sa dalawa

Sa kagustuhang lumayo ng prinsipeng si Luis sa prinsesang si Luna ay nagawa nitong pag tawanan ang dalaga

Bumalik sa memorya nito kung paano niya nakita ang pag tulo ng luha ni Luna

Kahit na ayaw niyang lumapit sa dalaga dahil pilit niyang iniiwasan ang nakakakabang nararamdaman kay Luna ay hindi niya napigil ang sarili niya

Alam ng prinsipe na kailangan siya ngayon ng prinsesa

Agad na pumunta si prinsipe Luis sa pinaka taas ng palasyo at walang katok katok ay agad itong pumasok sa kwarto ng dalaga at parehas silang naestatwa nito

Hindi inaasahan ng prinsipe na makikita niyang nakatapis lamang ang prinsesang si Luna

Napalunok ito nung makita niya ang basang buhok ng dalaga na tumutulo pa sa katawan nito

Na estatwa naman ang pri sesang si Luna sa nangyare ngunit pilit nitong ikinakalma ang sarili

" Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka sa aking silid, ngayon din "

Seryoso at may halong galit na sabi ni Luna sa prinsipe ngunit nanatili lamang ang prinsipe sa kaniyang kinatatayuan

" Gusto ko lamang humingi ng tawad sa nangyare kanin--- "

" Yun ba yung pinag tawanan mo ako gaya ng ginawa ng aking kapatid at ng iyong kapatid? Kung iyon ang pinunta mo rito ay maiging umalis kana "

Hindi pa natatapos ang pag sasalita ni Luis ay binara na siya ni Luna

Sa sinabi ng dalaga ay nakaramdam ng hiya ang prinsipe Luis kaya naman tahimik na lamang itong lumisan sa silid ng prinsesa

Kahit nakalabas na ang prinsipe ay hindi parin nito mapigilang isipin ang nakita niya

Hindi nito alam na ganon ang magiging epekto sakaniya ni Luna ngunit agad itong umiling

' hindi ako maaaring mahulog sa kahit na sino man '

Sabi ng prinsipe sa sarili kaya't agad itong naglakad pababa at minabuti na lamang na mag pahangin sa hardin

Parehas ng nararamdaman ang dalawa, kinakabahan

Napahawak na lamang ang prinsesa Luna sa kaniyang dibdib at naramdaman nito ang sobrang bilis na pag tibok ng kaniyang puso

Hindi nito inaasahan na may makakakita sakaniya na ganon ang suot niya at si prinsipe Luis pa talaga ito

Agad na nag suot ng bistida ang prinsesa Luna at inayos ang sarili

Halos buong araw ay ang pangyayareng iyon lamang ang nasa isipan ng dalawa at wala ng iba

Hanggang sa pag tulog ay hindi makatulog ang dalawa

" Tigilan mo na ang pag iisip Luna "

Seryosong sabi ni Luna sa kaniyang sarili habang yakap yakap ang katabi niyang unan

" Hindi ko inaakala na ganito ang magiging epekto mo sakin "

Seryosong sabi naman ni Luis habang yakap yakap rin ang katabi niyang unan

Pilit pinipigilan ni Luis ang nadarama niya para kay Luna dahil hindi maaaring magkagusto siya sa kahit na sino

Pinanganak siya upang makipag digma at hindi upang magkaroon ng pamilya o kasintahan

Ayan ang prinsipyo ng prinsipe

Lumipas ang mga araw ay hindi parin nag papansinan ang dalawa dahil may kabang nararamdaman ang mga ito

Ilang araw lamang ay nag handa na ang buong palasyo sa pag balik ng hari at reyna sa palasyo nito

Nung dumating ang hari at reyna ay wala ni isa man sa kanila ang nag sabi tungkol sa ginawa nina Imelda at Wilfred

" Maligayang pag babalik aking ina at ama "

Magalang na bati ni Luna sa kaniyang magulang nung pagka labas ng mga ito sa karwahe

" Kamusta ang palasyo Luna? Naging maayos ba ang lahat? "

Nakangiting tanong ng reyna at nakangiting tumango na lamang si Luna

Mas pinili na lamang ni Luna na tumahimik dahil ayaw parin nito na mapahamak ang kaniyang kapatid

Sa pag dating ng hari at reyna ay may kasama ang mga itong espesyal na mga bisita

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon