Kabanata 6
taong 1657
lumipas ang sampung taon ay naging maayos ang buhay nila Belinda dahil nasa mabuting kamay sila
" handa kana ba humarap sakanila bilang reyna aking mahal? "
nakangiting tanong ni Christian sa dalagang si Belinda at taos puso naman itong tumango
sabay na lumabas ang bagong kasal sa balkonahe ng ikatlong palapag ng palasyo
lahat ng taong bayan ay inaabangan ang bagong reyna at pagkalabas ni Belinda ay nag hiyawan ang mga taong bayan
" MABUHAY ANG BAGONG REYNA! "
sabay sabay na sabi ng mga ito at laking tuwa naman ng Reynang si Belinda na taos puso siyang tinanggap ng taong bayan
kumaway kaway ang bagong kasal sa taong bayan at sobrang saya ng dalawa, lalong lalo na si Belinda habang kabaliktaran naman ang nararamdaman ng reynang na si Gilda
" ngumiti ka sa taong bayan Gilda "
maotoridad na sabi ng haring si Vernancio sa asawa nito ngunit kahit pilitin ni Gilda ay hindi ito makangiti dahil labag sa kalooban niya ang pag papakasal sa malupit na si Vernancio
- ang nakaraan... -
" mahal na hari, nahanap ko na ang reyna mo "
nakangising sabi ni kapitan Eric sa kaniyang anak
" ipasok niyo na yan! "
maotoridad na sabi ni kapitan Eric sa mga guardia sibil at padausdos na hinagis ng mga ito si Gilda na kasalukuyang sugatan
galit na lumapit ang haring si Eric sa mga guardia sibil at pinag hahampas ang mga ito
" tarantado! sa lahat ng ayaw ko ay ang sasaktan niyo ang babaeng yan! sa susunod ay mag iingat kayo sa ikinikilos niyo kung ayaw niyong masaktan! "
galit na sigaw ng haring si Eric sa mga guardia sibil at napayuko naman ang mga ito sa kahihiyan
agad na lumapit ang hari sa dalagang si Gilda at sinubukan nitong tignan ang sugatang binti ng dalaga ngunit iniiwas ito ni Gilda
" kapitan, kunin mo ang pinaka magaling na manggagamot sa bayang ito, ngayon din! "
maotoridad na sabi ng hari sakaniyang ama at tumango naman ito saka lumisan sa kwarto ng hari
mahigpit na hinawakan ni haring Eric ang panga ng dalaga at itinapat nito ang mukha ni Gilda sa kaniyang mukha
" asan ang kambal mo Gilda, asan ang isinilang mong anak "
pag hahanap ng hari sa kaniyang anak
" hinding hindi mo na sila makikita! hindi ko hahayaang dumapo ang makasalanang kamay mo sa sarili mong anak! "
galit ngunit nanghihinang sabi ni Gilda sa hari at agad naman siyang sinampal nito
" hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang kambal mo na tumangay sa anak ko Gilda, sisiguraduhin kong sa oras na mahanap ko siya ay gigilitan ko siya ng ulo sa harap ng taong bayan! "
galit na sabi ng hari
" mauuna muna akong mamatay kesa sa patayin mo ang kambal ko Venancio, mauuna muna ako "
seryosong sabi ni Gilda sa hari saka niya ito tinignan ng nanlilisik niyang mata
" alam mong hindi ko hahayaang mangyare yan Gilda! "
nakangising sabi ni haring Eric
" bakit mo ba ginagawa samin toh? ano bang kasalanan namin sayo Venancio?! "
naluluhang tanong ni Gilda at nahabag naman ang damdamin ng hari, si Gilda ang kahinaan ng haring si Eric. kahit gaano pa kasama ang hari ay hindi parin nito maatim na makitang umiyak ang dalaga
" dahil mahal kita Gilda, tama man o maling paraan ay gagawin ko mapasakin ka lang "
seryosong sabi ng hari saka nito pinunasan ang luha ng dalaga at hinayaan naman siya ni Gilda
" parang awa mo na Venancio, hayaan mo nang mamuhay ng tahimik ang kambal ko "
nag mamakaawang sabi ni Gilda dahil alam nito wala na talaga siyang pag asang makatakas sa hari
" pakasalan mo ako Gilda, maging tapat ka sakin at hahayaan ko na ang kambal mo "
seryosong sabi ng hari sa dalaga at naluluha naman itong tumango
iyon na lamang ang paraan upang mailigtas niya ang kambal at ang anak niya sa malupit na kamay ni Venancio
" ganyan Gilda, ganyan ang gusto kong ugali mo nang hindi kita nasasaktan "
nakangising sabi ni Venancio sa dalaga
- ang pagtatapos... -
namilipit sa sakit si Gilda nung hawak ito ng mahigpit ni Venancio sa kamay niyang nasa likudan niya kaya't hindi ito nakikita ng taong bayan
napilitang ngumiti ang reynang si Gilda sa taong bayan at pekeng ngiti rin ang isinukli ng mga taong bayan sa reyna
alam ng taong bayan na hindi ginusto ng reyna ang maging asawa ng hari ngunit alam rin nila na kung anong gusto ng haring si Venancio ay iyon ang masusunod
nung umupo sa pwesto bilang reyna si Gilda ay laking pasasalamat ng taong bayan dahil kahit papaano ay naging maluwag ang pag babantay ng mga guardia sibil at nabawasan din ang kalupitan ng mga ito
dahil kay Gilda ay hindi na nag dudusa ang taong bayan ngunit siya mismo ang kinakailangang mag dusa para sa mahal niyang mamamayan
dalawang taong iisa ang kagandahang taglay ngunit magkaiba ang naging kapalaran
isang masaya at isang malungkot.sabay na iniluwal at nabuhay sa karangyaan at papuri ng taong bayan ngunit ang isa ang kinakailangang mag bayad.
nakakuha ng pagkakataong tumakas sa kalupitan ng hari ngunit kinakailangang mag paraya ng isa upang makatakas ang isa.
sabay na tumaktakbo dahil hinahabol ng kadiliman at ang tangging liwanag na gumagabay sakanila ang ang liwanag ng buwan.
sa kabilugan ng buwan ay ang siyang paglabas ng sanggol sa bilugang tiyan.
naging biktima ng kalumitan at sabay na sinubukang tumakas sa kadiliman ngunit isa lamang sakanila ang sinwerteng makatakas.
hindi man gustuhing ng kambal ang sinapit ng isa ay wala rin itong magagawa dahil iyon ang nakatadhana sakanila.
lumipas ang ilang taon ay narito ulit sila, parehas na humaharap sa papuri ng taong bayan
hindi bilang mga dalaga kundi bilang mga reyna.
ang noong popular na kambal dahil sakanilang kagandahan ay ngayon popular sa magkaibang apilyido.
ang isa ay mula sa apilyido ng malupit at sakim na hari habang ang isa naman ay mula sa apilyidong punong puno ng kabutihan.
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.