Kabanata 30

201 6 5
                                    

Kabanata 30

Sa madilim na gabi ay nag kumpulan ang taong bayan sa harap ng palasyo

nanatiling tahimik ang mga ito nung inilabas ang dalagang si Luna na tila ba ay Buwan dahil sa kaniyang liwanag

si Luna lamang ang nag sisilbing Liwanag sa gabing ito dahil walang lumitaw na buwan ngayong gabi

habang pinupulupot ang lubid sa leeg ng dalaga ay nakangiti lamang ito

sa wakas ay matatapos na ang kaniyang pag hihirap

nung malapit nang binatyin ang dalaga ay nag hiyawan ang lahat nung may marinig na malakas na pag sabog sa pinaka tuktok ng palasyo

" SUGOOOOD!!!! "

isang pamilyar na boses ang narinig ni Luna

agad nitong hinanap ang nag mamay ari ng boses na iyon

hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita

" C—- Carlo "

huling sambit ni Luna bago pa mag hiyawan ang taong bayan at ang ibang mga guardia sibil

naramdaman ni Luna ang pagkapigtas ng lubid sakaniyang leeg at nabuhay ito ng loob nung makita ang kaniyang kapatid na si Luis

" nangako ako sa ating Ina, hinding hindi kita pababayaan "

nakangiting sabi ni Luis saka nito niyakap ang kapatid

" L-Luis ... buhay ka "

na uutal na sabi ng prinsesa saka siya itinayo ni Luis

" Luna! "

agad na napatingin si Luna sa sumisigaw na si Carlo habang tumatakbo papalapit sakaniya

" Carlo! "

hindi na pinigilan ni Luis ang dalawa hanggang sa nag pang abot ito at niyakap ng mahigpit ang isat isa

" C-Carlo ... "

umiiyak na sabi ni Luna habang mahigpit na nakayakap kay Carlo

" akala ko wala kana "

umiiyak na sabi nito

" Carlo, ilayo mo na dito si Luna "

pasigaw na sabi ni Luis saka naman tumango sakaniya si Carlo

hinawakan ni Carlo ng mahigpit ang kamay ni Luna saka niya ito hinila paalis sa palasyong sobrang gulo na

naki takbo ang dalawa sa nag tatakbuhang taong bayan, hindi nito alam na may umaasinta na sakanila

bago pa mapakawala ni Imelda ang bala ng kaniyang pana ay naputol ito gawa ng isang matalim na espada

" hinding hindi ako papayag na saktan mo ulit ang aking kapatid "

seryosong sabi ni Luis at hindi na ito nag dalawang isip na saksakin si Imelda

halos lumuwa ang mata ni Wilfred nung nakita nito ang kaniyang kasintahan na sinaksak ng sarili niyang kapatid

" Imelda!!! "

sigaw ni Wilfred habang papatakbo siya sa kaniyang kasintahan

bago pa makatakbo si Wilfred sa kinatatayuan ng kaniyang kasintahan ay inihagis ni Luis ang katawan ni Imelda kay Wilfred dahilan para mapasubsob ito sa sahig

kita sa mga mata ni Luis ang galit, tila lumabas ang leon na matagal na naitago sa katawang lupa ng taong ito

" patawad ngunit kinakailangan ko ng tapusin ang gulong ito "

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon