Kabanata 5
pag uwi ng dalagang si Amelia ay nag taka ito dahil hindi pa nag bubukas ng tindahan ang kaniyang kapatid na si Antonio
pag pasok nito ay agad na lumapit sakaniya ang nakakabata nyang kapatid na si Antonio
" ate bigla na lang silang pumasok sa bahay "
natatakot na sabi ni Antonio sa ate niya at nanlaki ang mata ni Amelia nung nakita nito ang ama ni Adrian at may kasama din itong isang napaka gandang dalaga
" magandang umaga Amelia "
nakangiti ngunit sa loob loob ng ama ni Adrian na si Jerome ay gustong gusto na niyang gilitan ng leeg ang dalaga
" Antonio pumasok ka muna sa kwarto "
utos ni Amelia sa kapatid at sinunod naman iyon ng kaniyang nakababatang kapatid
" kamusta ang pakikitulog mo sa mansyon ko kagabi Amelia? "
sarkastiko at nakangising tanong ni Jerome sa dalaga
" anong kailangan niyo sa akin? "
diretsong tanong ni Amelia kay Jerome, hindi pinapakita ng dalaga ang takot pero sa loob loob nito ay nanginginig na siya sa takot dahil alam niyang nanganganib na ang buhay nila ng kapatid niya
" gusto ko sana kung maaaring umalis kana sa bayan na ito at hindi na muling bumalik pa "
mahinahon ngunit mapanganib na sabi ni Jerome sa dalaga
" hindi ko hihiwalayan ang anak niyo, patawad "
prangkang sabi ng dalaga dahil alam nito ang gustong mangyare ni Jerome
" ang magandang dalaga na nasa tabi ko ngayon ang papakasalan ni Adrian sa loob ng isang linggo at wala ka nang magagawa sa bagay na iyon Amelia, tignan mo itong tinitirhan niyo, tignan mo ang sarili mo. hindi ka nararapat sa anak ko "
prangkang sabi din ni Jerome sa dalaga at natahimik naman ang dalaga
" hindi ako nakikiusap kundi inuutusan kita Amelia. bibigyan kita ng isang araw para umalis sa bayan na ito kung ayaw mong may masamang mangyare sayo at sa kapatid mo. kilala mo ako Amelia, alam mo kung sino talaga ako "
nakangising nag babanta ni Jerome saka na ito lumabas sa maliit an bahay nila Amelia binangga pa ng magandang dalaga si Amelia bago ito umalis
pagka alis na pagka alis ng dalawang mayayamang masasama ang budhi ay nanghina si Amelia
agad na tumulo ang mga luha ng dalaga, hindi niya inaasahan na iyon na ang huling gabi na makakasama niya ang kasintahan niya
kayang ipaglaban ni Amelia ang pag mamahalan nila ni Adrian ngunit hindi niya makakaya na makitil ang buhay ng pinaka mamahal niyang kapatid kaya kahit na ayaw ng dalaga ay pumasok ito sa kwarto nila at nag impake na ng gamit
naguguluhan ang kapatid na si Antonio ngunit wala itong sinabi at tinulungan na lamang ang kaniyang kapatid
matapos mag hakot ng mga gamit ay sa huling pagkakataon ay dumaan siya sa mansyon ng binatang si Adrian at binantayan ang bintana nito, umaasa na sisilip ang kaniyang kasintahan dahil sa huling pagkakataon ay gusto nitong makita ang maamong mukha ni Adrian
lumipas ang ilang oras na pag hihintay ay walang nasilayang anino ni Adrian si Amelia
napangiti na lamang ng mapait ang dalaga ay hinawakan sa kamay ang nakakabatang kapatid
" kinakailangan na nating umalis Antonio "
nakangiting sabi nito sa kapatid saka na nito tinalikuran ang mansyon nag silbing tahanan niya tuwing gabi na kasama niya ang pinaka mamahal niyang lalake
sa bawat hakbang papalayo sa mansyon ay siya ring pag tulo ng mainit na likido mula sa nakakaawa niyang mata
' patawarin mo ako Adrian, kung hindi ko maipaglalaban ang ating pag mamahalan gaya ng ipinangako ko sayo '
mabigat man sa loob ng dalaga ay kinakailangan niyang gawin ang inuutos ni Jerome kaya umalis ang magkapatid sa bayan na iyon at nag desisyon na kahit kailan ay hinding hindi na ito tatapak sa lupain ng bayan na iyon
mag hapong pinag mamasdan ng dalagang si Belinda ang mapayapang dagat at hindi nito namalayan na didilim na pala
ilang oras na lamang ay makakapunta na si Belinda sa kaniyang destinasyon, ang itakas lamang ang kaniyang pamangkin sa mapanakit na bayan na kaniyang pinag mulan ang nais niya
lumipas pa ang mga ilang oras ay narito na sila, nasa mapayapang bayan na sila
" narito na tayo Luna, dito tayo mag uumpisa ng bagong buhay gaya ng gusto ng iyong ina "
nakangiting mapait si Belinda habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kaniyang pamangkin na hindi naman siya naiintindihan
" maraming salamat mang Arnold, utang ko ang buhay ko sa iyo "
naka ngiting pamamaalam ni Belinda sa matanda at tumango lamang saka ngumiti sakaniya ang matanda
" mag iingat ka hija, umaasa ako na mag kikita ulit tayo "
pag papaalam ni mang Arnold sa dalaga at tumango naman ito
nung itinapak na ni Belinda ang kaniyang paa paalis sa barkong sinakyan niya ay ang bagong buhay na ang sasalubong sakanila ng pamangkin niya
malayang nakakapag lakad si Belinda sa bayan ng hindi nag aalala na may mang huhuli sakaniya
ilang oras pa itong nag lakad nung mapunta siya sa isang magarbong palasyo
nag aalanganin ang dalaga pero itinuloy parin nito ang pagkatok sa malaking gate ng palasyo
unti unti itong bumukas
sumalubong kay Belinda ang haring si Christian
" Belinda "
" Christian "
sabay na tawag ng dalawa sa isa't isa na para bang nananabik sila
agad na pumunta si Christian kay Belinda at niyakap nito ang dalaga
" nag kita tayong muli aking reyna "
masayang sabi ni Christian sa dalaga
" sino ang batang ito Belinda? siya ba ang ating anak? "
tanong ng haring si Christian sa dalaga at nakangiting umiling naman si Belinda
" kay Gilda ang batang ito aking mahal, pinag malupitan kami ng bagong hari sa aming bayan, tinangka niya kaming patayin ng aking kapatid "
naiiyak na sabi ni Belinda sa kasintahan
agad namang kinuha ng hari ang bata saka ito ibinigay sa isang kasambahay upang mayakap nito ng maigi ang kasintahan
niyakap ni Christian ang kasintahan ng sobrang higpit na makakapagparamdam sa dalaga na listas na siya
" tumahan kana aking reyna, sisiguraduhin kong mag babayad ang mga taong gumawa ng kalupitan sa inyo ni Gilda, Ligtas kana Belinda, narito kana sa kaharian ko "
nakangiting sabi ng haring si Christian habang yakap yakap ang kasintahan
alam ni Christian na mag kikita pa sila ng taong mahal niya, alam niyang babalik sakaniya ang babaeng pinaka mamahal niya at sisiguraduhin nitong maipag hihiganti niya ang nanakit sa kaisa isang reyna niya
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.