Kabanata 20

134 6 1
                                    

Kabanata 20

" Aaaaaahhhhh!!!! "

Sabay sabay sumugod ang mga guardia sibil sa prinsipe at prinsesa kaya't walang nagawa ang prinsipe kundi ang makipag laban

Bawat pag tama ng kaniyang espada sa mga guardia sibil ay iyon din ang pag tulo ng kaniyang mga luha

Mula pagka bata ay kasama na ng prinsipe ang mga kalaban niya ngayon at masakit para sakaniya na traydorin ang mga ito

Ngunit alam niyang kinakailangan niyang iligtas ang prinsesa kahit na anong mangyare

" Ah! "

Napadaing ang prinsipe nung mahiwa ang kaniyang braso ng kalaban

Nawawalan na ng pag asa ang prinsipe ngunit patuloy parin siya sa pag protekta sa prinsesa

Nung mabawasan ang kalaban ay agad na itinulak ni Luis si Luna

" Tumakbo kana!!! "

Malakas na sigaw nito sa dalaga at kahit labag sa loob ni Luna ang tumakbo ay wala itong magawa

Pinapalibutan na sila ng mga kalaban at mga kakampi

Nung nakatakbo ang prinsesa ay napangisi na lamang ang prinsipe Luis

Alam niyang maaaring ito na ang kaniyang katapusan ngunit masaya siya na nailigtas niya ang prinsesa, sapat na sakaniya mailigtas ang prinsesa kesa sa kaniyang sarili

Muli ay agad na sumugod ang mga kalaban at nilabanan naman sila ng prinsipeng si Luis

Hindi nakikilala ng mga ito ang prinsipe dahil may takip ang kaniyang mukha

Tagaktak ang pawis at hinang hina na ngunit hindi tumitugil at nag papahinga

Sa lahat ng bagay puro mali ang ginagawa niya ngunit hindi niya alam na ang tamang bagay na gagawin niya ay ang siyang papatay sakaniya

Hindi na kinaya ng prinsipe at dahan dahan itong napaluhod

May guardia sibil na handang kitilin ang buhay niya at hindi pa dumadapo sa leeg ng prinsipe ang makintab na espadang hawak ng kalaban nung may tumamang pana sa kalaban

Sunod sunod ang pag lipad ng pana at tila ba anghel ang gumagawa nito

" Luna ... "

Tila ba bumagal ang mga nangyayare sa paligid ng prinsipe habang pinapanood niya ang pag lapit sakaniya ng prinsesa

Hindi inaasahan ng prinsipe na ililigtas siya ng prinsesa

" Bumango ka jan "

Malamig na sabi ng prinsesang si Luna habang patulog ang pag pana sa mga kalaban

" Mauuubos na ang bala ng pana ko kaya bumango kana jan "

Seryosong sabi ni Luna sa prinsipe at pinilit naman ng prinsipe na tumayo

Nung nakatayo na ang prinsipe ay agad siyang tinulungan ni Luna na tumayo at tumakbo na sila palabas ng palasyo

" Protektahan ang prinsesa!!! "

Sigaw ng isa sa mga tagabantay at ginawa ng mga ito ang lahat upang makalabas ang prinsesa sa palasyong iyon

Labag man sa loob ng prinsesang si Luna na iwanan sa mga tagabantay ang kaligtasan ng kaniyang magulang ay kailangan din niyang makaligtas

' protektahan mo ang sarili mo bago ang ibang tao, ikaw na lamang ang natitirang pag asa ng ating bayan, aking mahal na anak '

Iyan ang bilin ng reynang si Belinda sa prinsesang si Luna

Sa bawat hakban ni Luna papalayo sa palayo ay siya ring pag patak ng kaniyang mga luha

" Patawad aking prinsesa, hindi ko nagawang iligtas ang iyong mga magulang "

Nang hihinang sabi ng prinsipeng si Luis habang akay akay siya ni Luna papunta sa kagubatan sa likod ng palasyo

Hindi magawang makapag salita ni Luna, nanatili lamang itong tahimik

" May nakatakas!!! "

Sa sigaw ng isang guardia sibil na iyon ay madami ang humabol sa prinsesa at prinsipe

Agad na tumungo ang dalawa sa loob ng kagubatan

Habang tumatakbo ang dalawa upang maligtas ang kanilang buhay ay napatid sila dahil sa kadiliman

" Tumakas kana, ako na ang bahala sakanila "

Seryosong sabi ng prinsipeng si Luis at agad niyang itinayo ang prinsesa

" Hindi kita maaaring iwan rito! "

Sabi ni Luna sa prinsipe at tinanggal naman ng prinsipe ang takip niya sa mukha saka ito ngumiti

" Mas mahalaga ang buhay mo kesa sa buhay k--- "

Hindi pa natatapos ni Luis ang sasabihin niya ay dumating na agad ang mga guardia sibil

Agad na tinakpan ni Luis ang kaniyang mukha at tinulak ang prinsesa palayo

" Hahanapin kita kung sakaling makatakas man ako! Tumakbo kana! "

Maotoridad na sabi ni Luis kay Luna at walang nagawa ang prinsesa kundi ang tumakbo upang iligtas ang buhay niya

" AAAAAAHHHHH!!!!! "

Isang malakas na sigaw ng prinsipeng si Luis bago nito sugudin ang mga Guardia sibil

Nabuhay sakaniya ang demonyong itinago niya nung mga panahong kasama niya ang prinsesa

Tila naging si kamatayan ito at isa isang binabawian ng buhay ang kung sino mang nag tatangkang habulin ang prinsesa

Iyon lamang ang tamang ginawa niya sa tana ng buhay niya at hindi siya nag dadalawang isip na ilagay ang sarili sa panganib upang iligtas ang babaeng nag papatibok ng puso niya

Sa huli, kahit gaano man kademonyo ang isang tao ay may puso parin itong titibok upang maging mabuti

Napaka dilim ang tinatahak na daan ng prinsesang si Luna

Ni hindi niya makita ang kaniyang anino sa sobrang dilim

Nakatatak sa isipan ni Luna ang mukha ng prinsipeng si Luis bago ito tumakbo palayo

Hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ang mag liligtas ng buhay niya

" Kinakailangan nating lumaban "

Maotoridad na sabi ng haring si Christian sa kaniyang asawa

Sunod sunod ang pag kabog ng pintuan dahil sa pag pilit ng mga guardia sibil na pumasok sa silid ng hari at reyna

" Christian, hindi ako nagsisisi na nakilala kita, hindi ako nagsisisi na sayo ako lumapit nung nasa bingit ako ng kamatayan "

Nakangiting sabi ng reynang si Belinda sa asawa habang pinag mamasdan niya ito

" Masaya ako na magtatapos ang aking buhay kasama ka, aking mahal "

Agad na tumulo ang luha ng reyna nung tuluyang nasira ng mga guardia sibil ang pintuan

Pinili na lamang ng hari na bitawan ang kaniyang espada kapalit ng pag yakap niya sa kaniyang asawa

Niyakap niya ito at ginawang panangga ang sariling katawan upang protektahan ang kaniyang asawa

Pinili na lamang ng mag asawa na mamatay magkasama

Sa huling hininga ng mag asawa ay nakangiti itong tinititigan ang isa't isa

Sa pamamagitan ng pag tingin nilang iyon ay ang pag sasabi sa isa't isa na mahal nila ang isa't isa at masaya sila na magkasama silang nawalan ng hininga

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon