Kabanata 2

335 7 5
                                    

Kabanata 2

patuloy sa pag takbo si Belinda habang karga karga ang umiiyak na sanggol at isa lang ang nasa isip niya, ayun ay ang makatakas 

may isang kilalang tao si Belinda na maaaring makatulong sa kanila ngunit masyadong malayo ang taong iyon at kinakailangan pang sumakay sila ng barko 

hindi naging madala kay Belinda ang pag tago sa syudad dahil kilala siya rito hindi bilang takas sa mataas na hukom kundi bilang prinsesa 

si Belinda at Gilda ay mga popular na prinsesa hindi dahil sa kayamanang taglay nila kundi dahil sa kanilang kagandahang taglay 

nung ipinanganak ang kambal na dalaga ay halos lahat nahuhumaling sa kanilang kagandahang taglay 

kambal ang dalawang prinsesa ngunit mas na unang lumabas si Gilda bago lumabas si Belinda kaya naging nakakabatang kapatid si Belinda 

maayos ang pamumuhay ng dalawang prinsesa sa kanilang mansyon ngunit may kamalasang nangyare sa kanilang pamilya 

nung namatay ang mga magulang ng kambal na prinsesa ay namuno ang kasalukuyang hari na si Haring Venancio 

hindi malaman ang pagkamatay ng mga magulang ng kambal na prinsesa ngunit simula nung mamuno ang haring si Venancio ay naging mahigpit ang patakaran sa bansa

- ang nakaraan... -

" ngunit paanong nangyare na siya na ang mamumuno sa ating bansa? " 

galit na tanong ni Gilda kay Kapitan Eric

sa kambal ay si Gilda ang pinaka matapang at palaban kaya't siya ang laging pinag iinitan ng Venancio at Kapitan Eric 

" dahil sakaniya ipinasa ng hari ang trono at hindi sa iyo, hindi maaaring mamuno ang isang babaeng sa bansa "

pag papaliwanag ni Kapitan Eric habang nakapangalumbaba naman si Venancio at nakikinig sa pag tatalo ng dalawa

" ha! masyado niyong minamaliit ang kakayahan naming mga babae! ganiyan na ba kakitid ang utak ninyo? "

galit na sabi ni Gilda at agad naman lumapit sakaniya ang nakakabatang kapatid na si Belinda at pilit nitong pinapakalma ang nakakatandang kapatid 

" sumusunod lamang ako sa batas Prinsesa Gilda, wala kayong magagawa kundi ang ikasal kay Venancio kung gugustuhin niyong manatiling prinsesa "

pamimilit ni Kapitan Eric at taas noong tinitignan ang namo mroblemang magkapatid 

" ha! over my dead body! '

engles na sabi ni Gilda at hindi naman iyon maintindihan nina Kapitan Eric at Venancio 

mataas ang pinag aralan ng magkapatid kaya't marunong ang mga ito na mag ingles 

" huwang mo kong pagsalitaan ng engles sa bansang ito Prinsesa Gilda " 

galit na sabi ni Kapitan Eric kay Gilda 

" huwag kang mag alala Gilda, aalagaan kita at ituturing na nag iisang reyna ko kaya pumayag kana kung ayaw mong maipatapon ka sa mataas na hukom " 

seryosong sabi ni Venancio at ito ay naka ngisi pa at halatang nang aasar 

" hindi ko gagawin ang gusto mo Venancio! kahit kailan ay hindi ako mag papakasal sa demonyong katulad mo! "

sigaw ni Gilda sa binata at napatawa na lamang sina Kapitan Eric at Venancio 

kilala si Venancio sa kasamaan ng ugali nito at siya ay isang mapag maliit na tao 

" wala ka nang magagawa Prinsesa Gilda. Ama, ilabas mo ang prinsesang si Belinda " 

naka ngising sabi ni Venancio 

sinunod naman ng kapitan ang utos ng kaniyang uniko iho at sapilitang inilabas si Belinda sa kwartong iyon at pumalag naman ang dalagang si Belinda ngunit sinikmurahan siya ng Kapitan dahilan upang mawalan ito ng lakas lumaban 

nung gabing iyon ay doon pinag samantalahan ni Venancio ang prinsesang si Gilda

pilit na pumapalag si Gilda ngunit kahit pag baliktarin pa ang mundo ay alam natin na mas malakas ang kalalakihan kesa sa mga kababaihan 

- ang pagtatapos... -

pilit tinatago ng dalagang si Belinda ang kaniyang mukha habang nag lalakad ito sa maingay na palengke 

pumunta ito sa bilihan ng mga isdang malalaki at inalok pa siya ng tindera nito 

" ganda, bumili kana. murang mura lamang ang paninda ko "

nang aalok na sabi ng babaeng tindera 

tinanggal ni Belinda ang kaniyang takip sa mukha at doon siya nakilala ng kaniyang kaibigang tindera 

" Belinda?! " 

pabulong na sabi ng tinderang si Amalia saka ito lumapit sa kaibigan 

" tara sa loob, doon tayo mag usap "

seryosong sabi ni Amalia sa kaibigan at itinuro naman nito ang daan papasok sa maliit na kwarto nila 

" Antonio! ikaw muna ang bahala sa mga paninda! "

utos ni Amelia sa kaniyang lalaking kapatid at tumango naman sakaniya si Antonio 

nung makapasok na ang magkaibigan ay pinaupo agad ni Amelia si Belinda 

" nabalitaan ko ang nangyare sa inyong magkapatid sa loob ng palasyon, ang akala ng iba ay haka haka lamang ang mga kumakalat na balita "

nag aalalang sabi ni Amelia sa kaibigan 

" tumakas kami ni Gilda sa mga guardia sibil Amelia, itinakas ko ang anak ni Gilda sapagkat ayaw nitong lumaki ang kaniyang anak sa masamang kamay ni Venancio "

malungkot na sabi ni Belinda habang hinehele ang sanggol na hawak nito 

" iyan na ba ang anak ni Gilda? maaari ko bang masulyapan ito? " 

nakangiti ngunit may awa sa mga matang sabi ni Amelia 

tumango ang dalagang si Belinda at doon nakita ni Amelia ang sanggol 

kakaiba ito at natatangi sa lahat. Kasing puti ng buwan ang sanggol at maski ang mga buhok at pilik mata ng bata ay puti ang kulay 

ngayon lang nakakita ang mga ito ng ganitong bata 

kasing liwanag ng buwan ang sanggol na ito at palaisipan sa kanila kung paano ito nangyare 

" jusko Belinda, natatangi at kakaiba sa lahat ang batang ito ngunit hindi maikakaila na nakuha nito ang katangian ng kambal mong si Gilda " 

nakangiti ngunit naguguluhan na sabi ni Amelia 

" hindi na ako mag papaligoy ligoy pa Amelia, kinakailangan ko ng tulong mo. kinakailangan naming makasakay sa bargo papunta sa kabilang bayan. nakikiusap ako sayo Amelia, kinakailangan kong makapunta roon upang maitakas ko ang batang ito "

nakikiusap na sabi ni Belinda sa kaibigan at namumuo na ang mga luha nito sa kaniyang mata 

" mukhang mahihirapan tayo jan Belinda ngunit susubukan ko ang lahat ng makakaya ko. may tiyuhin ako sa loob ng barko at batid ko ay matutulungan niya tayo "

namo mroblemang sabi ni Amelia sa kaibigan 

naging magkaibigan ang dalawang dalaga noong mayaman pa ang mga magulang ni Amelia, nagkakilala sila sa isang okasyong naganap sa palasyo ngunit sa kasamaang palad ay bumagsak ang negosyo ng magulang ni Amelia at sila ay nag hirap at walang nagawa kundi ang mag tinda na lamang ng isda

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon