Kabanata 24
Maagang gumising ang prinsesang si Luna upang mamalengke at bago ito lumabas ng kanilang bahay ay nag taklob ito ng kaniyang mukha
Ilang buwan na silang nakatira sa bayan na ito ngunit wala pang nakakakita sa kaniyang mukha
Hindi naman siya binibigyan ng kahit na anong atensyon kaya't malaya siyang nakakapag lakad sa bayan
Nung matapos si Luna sa pamamalengke para sa kanilang umagahan ay agad itong nag luto para sa kaniyang kapatid dahil papasok pa ito sa kaniyang trabaho
Namumuhay ang magkapatid na gaya ng mga normal na tao sa bayang ito
Kinakailangan mag trabaho ni Lyis upang may maipang tustos sila ng kaniyang ate sa pang araw araw
" Mag iingat ka "
Nakangiting sabi ni Luna kay Luis bago ito lumabas ng kanilang bahay
" Kaya ko ang sarili ko, malaki na ako "
Pabirong sabi ni Luis sa kaniyang ate saka na ito nag tungo sa kaniyang trabaho
Nag titinda ito ng mga tuyong dahon sa mga mang gagamot na ginagawa naman itong gamot
Kapag naiiwan si Luna ay siya na mismo ang nag lilibot sa gubat upang humanap ng iba't ibang uri ng dahon na maaaring matinda ng kaniyang kapatid
Dala dala ni Luna ang basket at pana habang nag lalakbay sa kagubatan
Nung makarating si Luna sa ilog na nasa gitna ng kagubatan ay nag pasiya ito na ma upo muna
Nakakaginhawa sa pakiramdam niya ang tubig ng ilog
Ngunit nung tignan niya ang anino sa malinaw na tubig ay nalungkot ito at pasalampak na umupo sa malaking ugat ng puno
" Bakit ipinanganak ako na ganito? "
Tanong ni Luna sa hangi at umaasa itong masagot ang katanungang iyon
Kung normal lamang siyang ipinanganak ay siguro normal itong nabubuhay
*Neigh~*
Agad na napalingon si Luna nung marinig nito ang isang kabayo
Agad na nag tago ito sa itaas ng puno at nung pinag masdan niya ang paligid ay walang tao ang naririto kundi ang isang puting kabayo lamang
Namamanghang lumapit si Luna sa kabayo
Nakikita nito ang sarili niya sa kabayo
Purong puti
Dahan dahang lumapit si Luna hanggang sa maamo nito ang puting kabayo
" Paano napadpad ang isang magandang hayop na gaya mo rito sa gitna ng kagubatan? "
Nakangiting tanong nito sa kabayo na alam naman niyang hindi siya masasagot nito
" Ako ang nagdala sakaniya rito "
Halos mahulog ang puso ni Luna nung may narinig siyang lalaking nag salita mula sa kaniyang likuran
Dali daling tinakpan ni Luna ang kaniyang mukha sa binata at agad itong tumalikod
" Anong problema binibini? Nahihiya ka ba sa akin? "
Takang tanong ng binata kay Luna at hahakbang na sana si Luna paalis nung mag salita ulit ang binata
" Binibini, Gusto mo bang sumakay sa aking kabayo? Ang kaniyang pangalan ay Liwanag "
Hindi napigilan ni Luna ang kaniyang pag tawa nung narinig niya ang ipinangalan ng binata sa puting kabayo
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.