Kabanata 28
sa pagtahak ng magkapatid sa madilim na kagubatan ay hindi parin makampante ang mga ito
bawat kaluskos ay hindi sila mapakali dahil maaaring iyon ang tumapos sa kanilang mga buhay
" sa oras na mahuli nila tayo, gusto kong tumakbo ka papalayo sa akin "
mahinang sabi ni Luna at wala naman itong natanggap na sagot kay Luis
tila nag papatay malisya na lamang ang binata dahil hindi nito tanggap ang mga sinasabi ng kaniyang ate
" nung mamatay ang mga tumayong magulang ko ay labis ang pagsisisi ko, dahil sa akin ay kinitil ang kanilang mga buhay. maski ang mga kasambahay na nag asikaso sa akin hanggat sa akoy lumaki ay kinitilan din ng buhay. hindi ko inaakala na magiging ganon ang sitwasyon namin, ang nais ko lamang ay mabuhay ng mapayala kayat lumalabas lamang ako kapag gabi na, ang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo. kaya ipangako mo sakin na sa oras na mahuli tayo ay tumakbo ka palayo sakin, hindi ko kakayanin sa oras na may madamay pang iba dahil lang sa kagustuhan nilang protektahan ako. malaki ang pasasalamat ko na dumating ka sa buhay ko Luis, masyado ka ng madaming nagawa para sa akin at tatanawin ko yong malaking utang na loob hanggang sa pagkamatay ko. "
habang nag ku kwento ang dalagang si Luna ay hindi nito namamalayan ang pag tulo ng luha ng kaniyang kapatid
tangging si Luna lamang ay nakakapag patulo ng luha ng isang malakas na binata na maski ang pagkaka saksak rito ay hindi niya magawang iyakan
" ang ginusto ko lamang ay matanggap ng mga tao at hindi husgahan ng dahil lamang sa aking pisikal na kaanyuan. ayon lamang ang aking hinihiling ngunit hindi nila ito magawang pag bigyan "
nakangiting sabi ni Luna ngunit bawat salitang binibitawan niya ay dumudurog sa kaniyang puso
" pero nung dumating ka sa buhay ko, hindi ko inaakala na aabot tayo sa ganito. maraming salamat sa lahat Luis"
pag tapos sabihin ni Luna ang mga katagang iyon ay may narinig itong sigaw ng mga taong bayan
agad na nag madali ang magkapatid sa kanilang paglalakad at kulang na lamang ay tumakbo sila
" hanapin ang sumpang iyon! "
" kinakailangan natin siyang mapatay upang mawala na ang kamalasan sa ating bayan! "
ilan sa mga isinisigaw ng mga tao kaya naman agad na tumakbo ang magkapatid upang hindi sila makita ng taong bayan
" ayon sila! "
sigaw ng isang lalaki saka naman tumakbo ang taong bayan para hulihin ang magkapatid
sa pag mamadali ng magkapatid ay nag desisyon ang dalawa na iwan na lamang lahat ng mga gamit nila upang mas bumilis ang kanilang pag takbo
" Luis! tumakbo kana! "
sigaw ni Luna sa kaniyang kapatid saka niya ito itinulak
sa lakas ng pag tulak ni Luna ay agad siyang natumba sa mga damuhan
hindi nagawang tumayo agad ni Luis dahil tumama ang bato sa kaniyang ulo kaya naman sinamantala iyon ni Luna upang magpakita sa taong bayan at tumakbo ng mag isa
' siguro nga ay hindi ako dapat isinilang sa mundong ito. kamalasan lang ang dala ko '
sunod sunod ang pag tulo ng luha ni Luna habang nag mamadali itong tumakbo
isinilang ito ng nag tatago at tumatakbo sa mga taong walang puso
siguro ay lilisan rin itong nag tatago at tumatakbo sa mga taong mapanghusga sa pisikal na kaanyuan
habang tumatakbo ang dalaga ay bigla na lamang itong nakaramdam ng sakit sa kaniyang kanang braso
napalingon ang dalaga ay napangiti na lamang ito nung makitang ang itinuring niyang kapatid na si Imelda, ito ang pumana sakaniya
hindi nito inaasahan na ang isang kapatid niya ay handang magpakamatay upang iligtas lamang siya at samantalang ang isa naman ay gagawin ang lahat mapatay lamang siya
binaliwala ng dalaga ang sakit na nararamdaman at patuloy parin sa pag takbo kahit tuloy tuloy ang pag agos ng dugo nito sa kaniyang braso
wala pang isang minuto ay may isang pana nanaman ang tumama sakaniya at sa pag kakataong iyon ay sa mismong likod na niya ito tumama
wala kay Luna ang pisikal na sakit dahil kaya niya itong indahin
ngunit sa pag kakaalam na ang sarili niyang kapatid na kasama niyang lumaki ang mismong gumagawa sakaniya ng karahasang iyon
' hindi ko hiniling na mabuhay sa mundong ito, ngunit ako na mismo ang humihiling at nag mamakaawa sa itaas na kunin na lamang niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin '
napangiti na lamang si Luna sa kaniyang naisip
sa halip na tumakbo ay aga itong huminto at umupo sa damuhan
tinitigan niya ang mga mukha ng taong bayan na gustong gusto siyang patayin dahil sa sumpa siya
at sa huling pagkakataon ay tumingin siya sa kaniyang kapatid na si Imelda, naka ngisi ito at kita sa mata ang tagumpay na nadaraman niya
napapikit na lamang ng mariin si Luna habang patuloy parin ang pag tulo ng kaniyang mga luha
" ayon siya! "
sigaw ng isang babae at nag madali ang mga ito upang kunin siya
hinihintay na lamang ni Luna ang pag lapit ng mga taong bayan at ang pana ng kaniyang kapatid na inaasahan niyang tatama sakaniyang puso
ngisi at saya naman ang nararamdaman ni Imelda habang pinag mamasdan ang kinalakihan niyang kapatid na sumuko
" kahit kailan ay napaka hina mo "
nakangising sabi ni Imelda sakaniyang kapatid na nakaupo na sa damuhan at umiiyak
kinuha ni Imelda ang huling pana na mayroong lason kung saan unti unti nitong papatayin ang bawat parte ng katawan ng taong matatamaan nito
" paalam, aking kapatid "
nakangising sabi ni Imelda saka siya huminga at nung pinakawalan niya ang hininga ay sabay ito sa pag papakawala niya sa pana
umaasa ang lahat na sa puso tatamaan ang pana ng dalagang sinasabi nilang malas
ngunit lahat ay nagulat nung may sumulpot na isang lalaki
handa nang salubungin ni Luna ang kamatayan ngunit nanlamig ang buong katawan niya nung may naramdaman siyang yumakap sakaniya
" ah! "
isang malakas na daing ang narinig ni Luna habang unti unti niyang binuksan ang mga mata
" c-carlo ... "
nanlamig at naestatwa ang buong katawan ni Luna nung makita niya ang hindi inaasahang binata
" a-aking binibini ... "
nakangiting sabi ni Carlo habang yakap yakap parin niya ang dalaga
" p-pumunta ako r-rito u-upang sabihin sayo a-ang aking nararamdaman "
nakangiti paring sabi ni Carlo habang pinag mamasdan ni Luna ang panang nakatama sa likod ni Carlo
" M-mahal kita "
yan ang huling katagang sinabi ng binatang si Carlo bago tuluyang nandilim ang kaniyang paningin
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.