Kabanata 26

120 3 0
                                    

Kabanata 26

" Bitawan mo ako Luis! "

Galit na utos ni Luna sa kaniyang kapatid dahil hila hila siya nito patungo sa kaniyang kwarto

Agad na pinapasok ni Luis ang kaniyang kapatid na si Luna sa kwarto nito

" Hindi kana maaaring lumabas sa bahay na ito "

Maotoridad na sabi ni Luis sa kaniyang kapatid saka ito lumabas sa kwarto at kinandado ito mula sa loob

Sa ganitong paraan ay mapo protektahan niya ang kaniyang kapatid

Agad na nag ayos si Luis upang mag trabaho na at nung naka ayos na ito ay iniwanan na muna niya ng pagkain ang kaniyang kapatid sa kwarto bago ito tuluyang umalis

Maingat si Luis sa kaniyang paligid dahil umabot na sa bayan kung saan naroon sila ni Luna ang mga guardia sibil ng kaniyang ama na nag hahanap sakanila

Nung makasiguro si Luna na wala na ang kaniyang kapatid sa kanilang bahay ay agad ito nag wala

Pilit niyang sinisira ang harang sa kaniyang bintana

" Hindi ako preso upang ikulong mo lamang rito! "

Galit na galit na sabi nito sa kaniyang kapatid kahit alam nitong hindi siya maririnig ni Luis

Nahirapan si Luna sa pag baklas ng harang sa kaniyang bintana ngunit lumipas ang ilang oras ay nag tagumpay ang dalaga

Malaking kurba ng nguti ang bumalot sa labi ng dalagang si Luna

" Ang kinakailangan ko na lang ay makaisip kung paano ako makakababa sa ikalawang palapag ng bahay na ito "

Sabi nito sa sarili habang nag lilibot libot sa kaniyang kwarto

Napangisi ito nung makita niya ang kumot niyang mahaba

Hindi man ito aabot sa pinaka baba ay sigurado siyang makakaya niyang talunin ito

Agad na kinuha ni Luna ang kumot at mahigpit niya itong itinali sa gitna kahoy na nasa kaniyang bintana

Matibay ang kayon na ito upang mabuhat siya nito

Magaan lamang si Luna kaya't sigurado siyang mag tatagumpay siya sa kaniyang binabalak

Marahan at maingat si Luna sa pag akyat niya sa bintana hanggang sa maka kapit na siya sa kaniyang kumot

Nanginginig ang mga kamay ng dalaga ngunit nilakasan niya ang loob at dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang katawan

Nung nasa dulo na ng kumot ang dalaga ay agad nito bumitaw ang hinanda ang sarili sa kaniyang pag bagsak

Umaasa ang dalaga na maganda ang pag bagsak niya ngunit nagkamali ito

Mali ang pag bagsak ni Luna kaya't nadali ang kaniyang paa

" Ah! "

Agad na napa sigaw ang dalaga dahil sa sakit ng kaniyang paa

Kaninang umaga pa nag hihintay ang binatang si Carlo sa kanilang tagpuan ni Luna

Napang hihinaan na ng loob si Carlo nung ilang oras na ang lumipas at wala parin ang dalaga

" Isang oras na lamang ang aking hihintayin bago ako lumisan rito "

Pag kausap niya sa sarili at matyagang nag hintay sa binibining si Luna

" Ginoo! "

Agad na napalingon si Carlo nung marinig niya ang isang pamilyar na boses

" Binibini! "

Napalitan ang malaking ngiti ni karlos ng pag aalala nung makita nitong iika ika mag lakas ang binibining si Luna

" Anong nangyari sa iyo binibini? "

Nag aalalang tanong ni Carlo saka niya inalalayan ang dalaga papunta sa malaking ugat ng puno upang doon sila ma upo

" Natapilok lamang ako "

Pag sisinungaling ni Luna sa binata

maingat na minasahe ni Carlo ang paa ni Luna, kita rito ang pamamaga ngunit sa kabila ng sakit ay nagawa pang mapangiti ni Luna habang nakatitig ito sa binata

ngayon lamang tumibok ng napakabilis ang puso ng dalaga ng dahil sa isang ginoo na hindi niya gaanong kakilala

" kumapit ka sa braso ko "

mahinahong sabi ni Carlo sa dalaga at wala sa sarili si Luna nung kumapit ito sa braso ng binata

" AH! "

agad na bumalik sa realidad si Luna nung hilain ni Carlo ang kaniyang paa

" magiging maayos rin ang iyong paa pag lipas ng ilang araw "

nakangiting sabi ni Carlo sa dalaga

umupo sa harapan ni Luna ang binata na tila ba hinihintay na sumakay si Luna sa kaniyang likuran

napangiti naman si Luna saka ito maingat na pumasan sa likod ng binata

" huwag kang mag alala, ako ang iyong magsisilbing mga paa sa oras na hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa "

gustong matunaw ni Luna sa mga katagang binitawan ni Carlo sakaniya

walang lalaki ang nagpatibok ng ganito kabilis sa puso ng dalaga

marahang nag lalakad si Carlo sa kagubatan habang pasan pasan si Luna

" binibini? maaari ko bang tanungin kung bakit hindi mo ipinapakitabsa akin ang iyong mukha? "

masuyong tanong ni Carlo sa dalaga

nag tatalo ang isip at puso ni Luna kung magpapakita ba ito sa binata

" Luna! Luna! "

halos manigas ang buong katawan ni Luna nung marinig nito ang sigaw ng kaniyang kaparid na si Luis

" g-ginoo, ibaba mo ako "

pakiusap ni Luna kay Carlo na ngayon ay naka kunot ang noo

" ngunit hindi mo pa kaya binibini "

" ibaba mo ako, ngayon din "

walang nagawa si Carlo kundi ibaba ang dalaga

pagkaapak na pagka apak ni Luna sa lupa ay agad na may humapit sa kaniyang braso

" kinakailangan na nating tumakas! "

agad na sabi ni Luis sa kaniyang kapatid na ngayon ay naguguluhan

" hinahanap na tayo ng taong bayan "

nag mamadaling sabi ni Luis sa kaniyang kapatid at agad na hinila ito patakbo ngunit pinigilan iyon ni Luna

" bigyan mo muna ako ng kaunting oras "

kalmadong sabi ni Luna saka ito tumakbo papunta kay Carlos kahit hirap ito dahil sa kaniyang pilay

" Binibini, anong nangyayare? sino ang lalaking iyon? "

naguguluhang tanong ni Carlo kay Luna

" tinatanong mo kung ano ang itsura ko hindi ba? handa na akong magpakita sa iyo sapagkat malaki ang chansa na hindi na tayo ulit mag kita "

kay bilis ng tibok ng puso ni Luna habang hawak hawak ang takip sa mukha

maaaring siyang kasuklaman ni Carlo sa oras na makita nito ang kabuoan niya

natatakot man si Luna ngunit nilakasan nito ang loob niya at agad niyang tinanggal ang takip sa kaniyang mukha

nagulat ang binata sa kaniyang nakita

parang nagsisilbing buwan ang dalaga sa madilim na kagubatan

kasing liwanag nito ang buwan

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon