Kabanata 18

110 5 1
                                    

Kabanata 18

" Mama! "

Agad na tumakbo ang prinsipeng si Wilfred nung makita nitong bumaba sa karwahe ang kaniyang ina na si Gilda

Nagulat si Luna nung makita nito si Gilda

" Siya ang aking kakambal Luna, siya si Reyna Gilda "

Pag papaliwanag ni Belinda kay Luna dahil sa lahat ay siya lamang ang hindi nakakaalam nito

Agad na yumuko at nag bigay galang si Luna sa reynang si Gilda

" Ikinakagalak ko na makilala ka mahal na reyna "

Pag bibigay galang ni Luna sa reynang si Gilda, walang kamalay malay ang prinsesa na ito ang kaniyang totoong ina

" Bakit kayo naparito? "

Walang galang na sabi ni Luis sa kaniyang mga magulang

" Narito kami upang sunduin na kayo "

Nakangiting sabi ng haring si Venancio sa kaniyang mga anak na tila naguguluhan

" Hindi ba't masyadong maaga ang pag sundo niyo sa amin? "

Takang tanong ni Luis sa kaniyang ama

" Nakapili na ang prinsesa Imelda kung sino ang kaniyang magiging prinsipe, hindi ba Prinsesa? "

Nakangiting sabi ni Haring Venancio sa prinsesa Imelda at tumango tango ito

" Ang aking napili ay si Prinsipe Wilfred "

Nakangiting sabi ni prinsise Imelda na nakapagpa gulat sa kaniyang mga magulang

Hindi inaasahan ng hari at reyna na makakapag desisyon agad ang kanilang anak

" Ngunit prinsesa Imelda, hindi ba't masyado pang maaga upang makapili ka ng iyong magiging prinsipe? "

Nag aalalang sabi ni reyna Belinda dahil ayaw nitong matali ang kaniyang anak sa kamay ni haring Venancio, isinagawa lamang nila ang kasunduan upang makita pa niyang muli ang kaniyang kapatid na si reyna Gilda

" Hindi ba't si prinsesa Luna naman ang susunod na kokoronahan niyo bilang reyna? Hindi na dapat kayo mag alala sa aking magiging kalagayan "

Seryosong sabi ni Imelda sa kaniyang ina na ikinagulat ng lahat

" HAHAHAHAHAHA! "

Napatingin ang lahat sa haring si Venancio ng ito ay tumawa ng malakas

" Iyang halimaw ang inyong gagawing reyna? HAHAHA! Nahihibang na kayo! "

Pang iinsulto ng haring si Venancio sa prinsesang si Luna kaya naman napayuko na lamang ang prinsesa

" Kung inyong mamarapatin ay sasama na ako sa aking prinsipe "

Taas noong sabi ni prinsesa Imelda at nakangisi naman inabot ng haring si Venancio ang kaniyang kamay sa prinsesa upang ihatid ito sa loob ng karwahe at pumasok na agad ang prinsesa Imelda bago pa makatutol ang kaniyang mga magulang

Nag tataka naman ang prinsipe Luis sa nangyare, nagtataka ito sa pagka biglaang desisyon ng haring Venancio

Pumasok na din ang prinsipeng si Wilfred sa karwahe at ganun din ang haring si Venancio

Nag aalala si Luis sa prinsesa Luna, ayaw pa niya itong iwan

" Mag papaiwan ako rito aking ama "

Taas noong sabi ni Luis sa kaniyang ama na ngayon ay naka kunot ang noo

" Hindi maaari! Aking mahal na Reyna at prinsipe, pumasok na kayo ngayon din sa karwahe "

Maotoridad na sabi ni Haring Venancio kaya't natakot na ang reynang si Gilda at agad na itong pumasok sa karwahe at ganon din ang prinsipeng si Luis

Walang nagawa ang haring si Christian dahil iyon ang kagustuhan ng kaniyang anak na si Imelda

Pagkaalis ng karwahe ay nanghina agad ang reyna at ito ay napaluhod

" Paano na ang ating anak mahal na hari, nakatali na ang kaniyang leeg sa haring Venancio "

Naluluhang sabi ng reynang si Belinda sa kaniyang asawa

" Iyon ang kagustuhan ng ating anak, kailangan nating respetuhin iyon "

Sabi ng haring Christian sa kaniyang asawa at tinulungan niya itong tumayo

Nababalot din ng kalungkutan ang prinsesang si Luna

Pakiramdam ng prinsesa ay siya ang dahilan kung bakit umalis na sa palasyo ang kaniyang kapatid na si Imelda

Agad itong tumakbo patungo sa kabayo ng isa sa mga guardia sibil

Sinubukan siyang pigilan ng guardia sibil ngunit hindi ito nagpapigil

Agad na sumakay sa kabayo ang prinsesa at agad nitong hinabol ang karwaheng sinasakyan ng kaniyang kapatid

Nung nasa bayan na ay doon lamang nahabol ng prinsesa Luna ang karwaheng sinasakyan ng kaniyang pataid at ito ay huminto

Madami ang nagulat na taong bayan nung makita nila ang prinsesa Luna

Siya lamang ang kakaibang tao na una nilang nakita, puting balat, puting buhok, maliwanag na mga mata. Halos lahat ng parte ng kaniyang katawan ay walang ibang kulay kundi puti

Ang iba ay namangha habang ang iba naman ay natakot

Ipinag sawalang bahala ng prinsesa Luna ang mga taong iyon at bumaba ito sa kabayong sinaksakyan niya at pumunta ito sa harapan ng karwahe

" Prinsesa Imelda, nakikiusap ako na bumalik ka sa palasyo "

Pakiusap ng prinsesa Luna at nakangising bumaba naman ang prinsesang si Imelda

" Sino ka para pabalikin ako sa palasyo? Hindi na ako babalik doon kahit anong mangyare, ayoko nang bumalik doon at makita araw araw ang iyong pag mumukha "

Pamamahiyang sabi ni prinsesa Imelda sa kaniyang kapatid at agad na itong bumalik sa loob ng karwahe

Walang nagawa ang prinsesa Luna, pakiramdam nito ay kasalanan talaga niya ang pag alis ng kaniyang kapatid

Walang nagawa ang prinsesa Luna kundi ang tignan na lamang ang palayong karwahe na sinasakyan ng kaniyang kapatid

Ilang oras lamang ang lumipas ay naka uwi na sa palasyo ang haring Venancio at ang kaniyang pamilya

" Ano ang binabalak niyo? "

Tanong agad ni Luis sa kaniyang ama dahil alam nitong may masamang pinaplano ang kaniyang ama

" Sa tingin mo ay bakit ko pilit na ineensayo ang mga guardia sibil? "

Nakangising sabi ng haring si Venancio sa kaniyang anak at natulala na lamang si Luis

Sa oras na iyon ay wala siyang ibang nagawang isipin kundi ang paraan kung paano niya ililigtas ang prinsesa Luna

Ginawa lamang na panglibang ni Haring Venancio ang pananatili ng kaniyang mga anak sa palasyo nila haring Christian dahil ineensayo niya ang mga guardia sibil sa magaganap na pag sugod

Sa pag sapit ng dilim ay nag hahanda na ang mga guardia sibil sa kanilang pag lalakbay upang mag tungo sa palasyo ng haring si Christian

Dahil sa matagal na hidwaan ng dalawang bayan ay pinili ng haring si Venancio na mag deklara ng digmaan laban sa haring si Christian

" Siguraduhin niyong walang mabubuhay na kahit isa sa loob ng palasyong iyon, gusto kong mamatay ang lahat ng nasa loob ng palasyong iyon "

Iyan ang huling utos ng haring si Venancio sa mga guardia sibil

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon