Kabanata 23
Pag tapos mag hukay ng prinsipeng si Luis ay nag tulong sila ni prinsesa Luna sa pag libing sa kanilang ina
" Akalain mo, ang binibining unang nag patibok ng puso ko ay ang aking sariling kapatid "
May pagka dismaya ang boses ng prinsipeng si Luis habang sinasabi ang mga katagang iyon kay prinsesa Luna
" Hindi ko pinatibok ang iyong puso, tumitibok na talaga iyan simula nung ipinanganak ka "
Pamimilosopo ni Luna sa kaniyang kapatid na napatawa ng bahagya
" Ang mahalaga ay hindi na mahihirapan ang ating ina sa kamay ng ating ama "
Nakangiti ngunit may pait na sabi ni Luis saka na ito nag ayos upang mag lakad paalis sa kagubatan ng Diabil
" Ano ba ang ugali ng ating ama? Ang sabi nila ay siya daw ang pinaka walang pusong hari, totoo ba iyon? "
Sunod sunod na tanong ni Luna habang sinusundan si Luis
" Hindi mo gugustuhing makilala pa siya, ang kailangan nating intindihin ay kung saan tayo mag tatago, sigurado akong hinahanap parin tayo ng mga guardia sibil ng Diabil "
Seryosong sabi ni Luis saka nito inalalayan si Luna na humakbang sa malaking bato
Patagong nakapunta ang dalawang magkapatid sa syudad ng Diabil at matahimik itong nakaalis sa bayang mapangahas
Lumipas ang ilang araw na pag lalakbay ay nag desisyon na muna ang dalawa na magpahinga sa isang kweba
Agad na inilabas ni Luna ang mga mansanas at iba pang prutas na napitas niya upang kainin nilang magkapatid
" Saan ba tayo pupunta? Ang layo na ng ating nilakbay ngunit hindi parin tayo nakakarating sa ating pupuntahan "
Tanong ng prinsesang si Luna saka ito kumagat sa mansanas
" Sa lugar na hindi sakop ng ating ama, sa lugar kung saan ako lamang ang nakakaalam "
Seryosong sabi ni Luis saka ito kumagat din ng mansanas
Lumipas ang gabi at pag sikat na pag sikat ng umaga ay nag simula na sa pag lalakbay ang dalawang magkapatid
Napaluhod na lamang bigla ang prinsipeng si Luis nung matapat sila sa isang madahon na pader
" Nandito na tayo "
Hinihingal na sabi ni Luis sa kaniyang kapatid na napakamot ng ulo
" Eto lamang iyon? Isang pader ng mga dahon lamang ang ating ipinunta rito? "
Dismayadong sabi ni Luna sa kaniyang kapatid na ngayon ay tumayo na mula sa pagkakaluhod
Dumire diretso ang prinsipe sa pader ng mga dahon at agad silang nakapasok sa isang kweba
Ilang mga hakbang lamang ay bumungad na sa dalaga ang isang magarbong bahay na gawa lamang sa kahoy
" Kaninong bahay ito? "
Namamanghang tanong ng dalagang si Luna sa kaniyang kapatid na kasalukuyang binubuksan ang pintuan
" Itinayo ko ito mismo, pinadala ako ng aking ama sa bayang ito upang mag manman sa reyna at hari ngunit nung araw na nag tangka akong pumasok sa palasyo ng bayang hardena ay may nakakita sa akin, hinabol ako ng mga tauhan ng palasyo hanggang sa natuklasan ko ang lugar na ito "
Mahabang kwento ng prinsipeng si Luis sa kaniyang kapatid
Nung nakapasok na ang dalawa sa loob ng bahay ay manghang mangha ang prinsesa sa kaniyang nakikita
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.