Kabanata 22
" Ama kinakailangan niyong parusahan ang aking kapatid! Dahil sakaniya ay nabubuhay parin ang halimaw na prinsesa! "
Galit na sabi ng prinsipeng si Wilfred sa kaniyang ama na ngayon ay inaasikaso ang kaniyang natutulog na asawa
" Ikaw na ang bahala sakaniya, kinakailangan kong alagaan ngayon ang iyong ina "
Kalmadong sabi ng haring si Venancio sa kaniyang anak na ngayon ay naka ngisi na
" Masusunod aking ama, sisiguraduhin kong mag babayad siya sa kaniyang kasalanang ginawa "
Nakangising sabi ng prinsipeng si Wilfred saka na ito umalis sa silid ng kaniyang ina upang pumunta sa Selda sa ilalim ng kanilang palasyo
" Kunin niyo ang aking kapatid at igapos siya sa upuan "
Maotoridad na utos ng prinsipeng si Wilfred at sinunod naman ito ng mga guardia sibil
Agad na iginapos ang prinsipeng si Luis sa kahoy na upuan
Pilit na pumipiglas ang prinsipeng si Luis ngunit tatlo tatlo ang nakahawak sakaniya
" Masaya akong makita kang mula aking mahal na kapatid "
Sarkastikong sabi ng prinsipeng si Wilfred sa kaniyang kapatid
" Anong nangyare sayo Wilfred? Hindi ikaw ang Wilfred na kilala ko! Natutulad kana sa ating ama! "
Galit na sabi ng prinsipeng si Luis
" Lahat na lamang ay inaagaw mo sa akin, lagi kitang pinag bibigyan sa lahat at ngayon na ang tamang oras para ako naman ang masunod "
Seryosong sabi ng prinsipeng si Wilfred saka nito sinenyasan ang mga guardia sibil na umalis
" Sawa na akong maging kanang kamay mo, palaging ikaw ang magaling sa ating dalawa, palaging ikaw ang pinupuri ng ating ama at ikaw ang balak niyang gawing hari ng bayang Diabil, ang bayan na pinaka kinakatakutan ng mga bayan, hindi ko hahayaan na mangyare iyon "
[A/N: Diabil - guarDIA siBIL, Corny ba? Hahaha]
" Ako ang magiging hari ng dalawang bayan at pag iisahin ko yon upang mas maging malakas ang bayang Diabil "
sunod sunod na sabi ng prinsipeng si Wilfred habang ikinukwento sa kaniyang kapatid ang kaniyang plano sa dalawang bayan
Napangisi ng nakakaloko ang prinsipeng si Luis na naging dhilan upang mainis ang kaniyang kapatid
" Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na ako ang laging magaling, magaling kapa nga sa akin hindi ba? Magaling kang mag panggap "
Natatawang sabi ng prinsipe Luis sa kaniyang kapatid na naging dahilan upang sampalin ni Wilfred ang kaniyang kapatid
" Hahaha magaling lamang ako sa pakikipag laban pero mas matalino ka sa akin ngunit ngayon ay napag tanto kong hindi ka rin pala matalino gaya ng inaasahan ko "
Natatawa pang pang aasar ni Luis sa kaniyang kapatid at nung inambahan nanaman siya ni Wilfred ay nag salita ulit ito
" Dahil kung matalino ka ay hindi mo hahayaang tayong dalawa lang ang maiwan "
Pagkasabi na pagkasabi ni Luis sa mga katagang ito ay agad niyang tinulak patalikod ang kaniyang inuupuan na naging dahilan ng pagka sira nito at pagkawala niya sa pag kakagapos
Isang iglap lamang ay nasa likod na ni Wilfred si Luis at may hawak hawak na itong patalin
Nag igting ang mga panga ng prinsipeng si Wilfred sa nangyari dahil hindi niya ito inaasahan
" Huwag na huwag kang lalapit sa akin ulit dahil sisiguraduhin kong tatarak na sa iyong lalamunan ang patalim na hawak ko "
Seryosong sabi ni Luis kay Wilfred at si Wilfred naman ang ikunulong niya sa selda
Agad na nag tungo ang prinsipeng si Luis sa silid ng kaniyang ina ng hindi napapansin ng mga guardia sibil
Pagkapasok na pagka pasok nito ay naabutan niya ang kaniyang ina na mahimbing na natutulog
Agad niya itong ginising dahil kinakailangan na nilang makatakas sa palasyo
" Ina, gumising kana. Kinakailangan na nating makatakas rito "
Pag gising ni Luis sa kaniyang ina at gumising naman ito
Agad na napatayo ang kaniyang ina at niyakap ang kaniyang anak
" Kailangan na nating tumakas ina, parating na ang mga guardia sibil "
Seryosong sabi ni Luis at tumango naman ang reynang si Gilda
Tahimik silang lumabas sa silid ng reyna ngunit pagka baba nila ay sumalubong sakanila ang libo libong guardia sibil na siyang nag hahalughog sa buong palasyo upang hanapin ang prinsipeng si Luis
" Ayon sila! "
Sigaw ng isa sa mga guardia sibil na naging dahilan upang maagaw ng mag ina ang atensyon ng mga ito
Agad na tumakbo ang mag ina palabas ng palasyo ngunit hindi pa nakakalabas ang mga ito ay may sumugod na sa mag ina
Tangging isang maliit na patalim lamang ang hawak ng prinsipeng si Luis upang iligtas ang buhay nilang dalawa ng kaniyang ina
" AAAAHHHHH!!! "
Sa isang malakas na sigaw na iyon ay sumugod ang prinsipe sa mga guardia sibil
Makakatakas na sana ang mag ina ngunit may nag lakas loob na saksakin ang prinsipe
Sa takot na mawalan ulit ng anak ang reyna ay sinalo nito ang espada na para sa kaniyang anak
Nanlaki ang mata ni Luis sa gulat nung makitang duguan ang kaniyang ina
Mas lalo itong naging agresibo kaya't natalo nito ang ilan sa mga humahadlang sakanila palabas ng palasyo
Nung umonti ang kalaban ay agad na binuhat ni Luis ang kaniyang ina at agad itong tumakbo
Sa sobrang bilis nitong tumakbo ay nagawa nitong iligaw sa kagubatan ang mga guardia sibil
Nag tungo ang mag ina sa isang lihim na kweba at doon niya inihiga ang reyna
" Ina, hintayin mo ko rito at hihingi ako ng tulon-- "
Paalis na sana ang prinsipeng si Luis ngunit hinawakan siya sa kamay ng kaniyang ina at nakangiting umiling
" G-gusto ko ng mag pahinga Luis, N-ngunit kinakailangan mong malaman ang totoo "
Agad na pumatak ang luha ng prinsipe
" Masaya ako na hindi ka lumaki gaya ng iyong ama. L-luis kinakailangan mong iligtas si Luna "
Napakunot ang noo ng prinsipe nung marinig nito ang pangalan ni Luna
" S-siya ang nawawala mong kapa--- kapatid "
Halos gumunaw ang mundo ni Luis sa kaniyang narinig
Agad na napalingon ang mag ina nung may hikbi silang narinig
" L-Luna ... "
Gulat na sabi ng prinsipeng si Luis
" I-ina? "
Umiiyak na sabi ng prinsesang si Luna saka ito tumakbo papunta sa kaniyang tunay na ina
" I-ikaw ang aking ina "
Umiiyak na sabi ni Luna at niyakap niya ang reyna
" A-anak ... P-patawad ... "
Pagkasabi na pagkasabi ng reyna ay agad na itong nawalan ng buhay
Sunod sunod na luha ang pumatak sa mata ng dalawang magkapatid
Muli ay pinag tagpo ng tadhana ang prinsipeng si Luis at Prinsesang si Luna, hindi upang maging magkasintahan ngunit upang malaman ang katotohanan
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.