Kabanata 11

149 6 5
                                    

Kabanata 11

Sa gitna ng kabilugan ng buwan ay may dalawang tao lamang ang nag pasyang humiwalay sa kasiyahang nagaganap sa loob ng palasyo

Nag lalakad ang prinsesa at prinsipe sa magkabilang dulo ng isa sa pinaka magandang hardin sa bansa

Pinasadya ang hardin na ito para sa napaka espisyal na prinsesa at ang prinsesang si Luna mismo ang nag didilig ng mga bulaklak sa hardin na ito

Bawat hakbang ng dalawa ay ang pag lapit nila sa isat isa

Tahimik na nag lalakad ang prinsipe at prinsesa nang biglang may makulay na paputok ang pumutok sa kalangitan

Lahat ng tao sa loob ng palasyo ay nakuha nito ang atensyon ng lahat pati narin ang prinsipe at prinsesa na nasa hardin

Napahinto ang prinsipe habang pinagmamasdan ang makulay na paputok habang ang prinsesa naman ay paatras na naglalakad dahilan upang mabangga nito ang nananahimik na prinsipe

Nagitla ang dalawa sa nangyare

Hindi dahil sa pagkabangga nila kundi dahil nakita ng prinsipe Luis ang liwanag na taglay ng prinsesang Luna

Nanatiling nakatitig ang prinsipe sa prinsesa ngunit ang prinsesa naman ay tinangkang tumakas kayat hinawakan siya sa braso ng prinsipe

" Ngayon lamang ako nakakita ng gaya mo, ikaw ay mukhang --- "

Hindi pa natatapos ng prinsipe ang sasabihin ay dinugtungan na ito ng prinsesa

" Halimaw "

Nakangiting sabi ng prinsesa ngunit may halo itong pait

" Hindi binibini, ikaw ay mukhang diwata. kasing liwanag mo ang buwan "

Nakangiting sabi ng prinsipe

Matutuwa na sana ang prinsesa ngunit nag tangka ang prinsipeng si Luis na halikan ang prinsesa sa hindi malaman na dahilan kayat nasampal siya nito

" Bastos ka "

Inis na sabi ng prinsesang si Luna sa prinsipeng si Luis at napangisi naman ang prinsipe

Ngayon lamang siya tinanggihan ng isang dalaga kayat nakaramdam ito ng pananabik sa dalaga

" Mas gusto ko ang gaya mo binibini, palaban "

Nakangising sabi ni Luis at inirapan lamang siya ng prinsesa at naglakad palayo

Nag tangka ang prinsipe na sundan ang prinsesa ngunit nakuha ng kaniyang kambal ang kaniyang atensyon

" Luis! Kanina kapa hinahanap ng ating ama "

Tawag ng prinsipeng si Wilfred sa kaniyang kambal na kasalukuyang pinapanood ang pag layo papalayo ng prinsesang si Luna

' mahahanap din kita, hahanapin kita '

Nakangising sabi ng prinsipe Luis sa kaniyang isipan bago paman pumunta sa gawi ng kaniyang kambal

Sa loob naman ng palasyo ay may dalawang reyna na palihim na nagtagpo sa likuran ng palasyo kung saan walang makakakita sakanila

" Gilda "

" Belinda "

Masayang tawag ng kambal sa isat isa saka ito tumakbo upang mahagkan ang isat isa

" Ang akala ko ay nawala kana sa gubat aking mahal na kapatid "

Masaya ngunit nababahalang sabi ni Belinda kay Gilda

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon