Kabanata 16

126 7 4
                                    

Kabanata 16

Agad na lumabas si Luis sa kaniyang silid dahil sa kaniyang nararamdaman

' hindi pu pwede ito '

Sabi nito sa kaniyang isipan at napa iling na lamang

Pumunta ito sa gubat dala dala ang kaniyang sumpak upang mag ensayo at malibang ang sarili

Habang nag lalakad ang prinsipe Luis ay may narinig itong mga yapak ng paa kaya naman nag tago agad ang prinsipe

Hindi nito inaasahan na makikita niya ang prinsesa Imelda at Prinsipe Wilfred na nag hahalikan

Napa iling na lamang ang prinsipe

' sa dinami dami ng lugar ay dito pa talaga sa gubat nila napili '

Napapailing na sabi nito sa kaniyang isipan

Nag desisyon na lamang si Luis na lumisan sa lugar na iyon dahil ayaw na nitong may makita pang ibang mangyayare

Nag pasya na lamang ang prinsipe na mag tungo sa bayan

Pag dating nito sa palengkehan ay may nakita itong mga nag susugal kaya naakit ang prinsipe at piniling sumali na lamang

" Magkano ang ipupusta mo ginoo? "

Tanung nung lalaking kaniyang kalaban

" Limang tanso kapalit ng bulaklak na iyan "

Malakas ang loob ni Luis sa kaniyang sinabi habang turo turo ang puting rosas na pang tali ng buhok na hawak ng anak ng kaniyang kalaban

" Sige ba "

Nakangising sabi ng lalaking kalaban ng prinsipe saka nito inilagay ang bato sa gitna at tinakpan naman ang batong ito gamit ang baso

May idinagdag pa itong dalawang baso kaya naman naging tatlo na ang mga ito saka na sinimulan ng kalaban niya na ikut ikutin ang mga baso

Mabilis ang pag galaw ng kamay ng kalaban niya at kasing bilis ng mga ito ang mga mata ng prinsipe

Nung matapos na ang pag iikot ng kalaban sa mga baso ay agad na sinabi ng prinsipe kung nasaan ang bato

" Gitna "

Lakas loob na sabi ng prinsipe at pag bukas ng lalaki ay naroon nga ang bato

Dismayadong ibinigay ng kalaban ang pang tali ng buhok

Sumubok pa ulit ang prinsipe at sunod sunod ang pagka panalo nito

Hindi ala ng mga tao ay sinanay ang prinsipe upang maging matalas ang paningin nito

" Mukhang nang dadaya kana ha "

Sigang sabi ng lalaki sa prinsipe dahil palagi itong talo

" Swerte lang talaga ako "

Sagot naman ng prinsipe habang naka ngisi siya

" Sasagot kapa ha, lintek na! Sige huling pusta ko ay sampong tanso "

Galit na sabi ng lalaki at nag simula na ang hulaan

Nung namili na ang lalaki ng baso ay sa huling pagkakataon ay natalo nanaman siya

Imbis na tanggapin ang pagka talo ay agad nito sinipa ang lamesa ng kanilang pinaglalaruan dahilan para matamaan ang prinsipe

Sa gulat ng prinsipe ay agad nito sinuntok ang lalaki sa may mukha dahil wala pang gumagawa ng ganitong bagay sa kaniya

Agad na nag hiyawan ang mga tao nung nakita nila ang pag aaway ng dalawa

Nagulat na lamang ang prinsipe nung may malaking mama ang sumakal sakaniya kaya naman niya ito agad na nilabanan

Sa bilis ng pag kilos ng prinsipe ay nakawala siya sa malaking mama na iyon at habang may tyansa pa ay agad itong tumakbo dahil alam nitong matatalo siya dahil dumating ang ka grupo ng lalaking kaaway niya

Sa pag takbo nito ay sinundan din siya ng mga kaaway niya ngunit masyadong mabilis ang prinsipe kaya naman hindi na ito naabutan ng mga kaniyang kaaway

Hinihingal na huminto ang prinsipe sa isang puno saka nito tinignan ang naitakas niyang pantali

Nag desisyon na lamang na bumalik sa palasyo ang prinsipe at pag balik na pag balik nito ay nakita niya ang prinsesa Luna

" Prinsipe Luis "

Nakangiting tawag ng prinsesa Luna sa prinsipe

Sobrang tamis ng ngiti ng dalaga na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ng prinsipe

' hindi maaari toh '

" Nais ko lamang mag pasalamat sa iyong pag ligta--- "

Hindi pa natatapos ng prinsesang si Luna ang sasabihin ay nilagpasan na siya ng prinsipe na para bang wala itong narinig

Pagka alis ng prinsipe ay tila napahiya ang prinsesa kaya napatingin na lamang ito sa sahig at naka ramdam ng lungkot

" Ang nais ko lang naman ay magpasalamat "

Malungkot na sabi ng dalaga sa sarili

" Prinsesa, paalis na ang iyong mga magulang. Kinakailangan niyo na mag paalam sakanila "

Nakangiting lumingon ang dalaga sa kanilang kasambahay at tumango na lamang ito saka na sumunod sa kasambahay

Pag labas ng prinsesa sa palasyo ay kita na nito ang napaka gandang karwahe na sasakyan ng hari at reyna

" Mama, papa "

Nakangiting tawag ni Luna sa kaniyang kinikilalang mga magulang at agad itong tumakbo sakanila upang yakapin ang mga ito

" Mag iingat kayo "

Nakangiting sabi ni Luna sa magulang at tumango naman ang mga ito

" Ikaw muna ang bahala sa ating kaharian aking anak, ikaw na din muna ang bahala sa iyong nakababatang kapatid "

Nakangiting sabi ng reynang si Belinda sa anak at tumango tango naman ito

Tumalsik ng bahagya ang prinsesang si Luna nung sanggiin siya ni prinsesa Imelda

" Paalam mama, papa. Hihintayin ko ang inyong pag babalik "

Nakangiting sabi ni Imelda sa mga magulang at humalik pa ito sa mga pisngi nila

Nag paalam na ang magkapatid sa kanilang mga magulang at pag pasok ng mga ito sa karwahe ay nag simula na itong umandar

Pinag masdan ng dalawang prinsesa ang pag alis ng kanilang mga magulang hanggang sa mawala na ito sa kanilang mga paningin

" Pabida ka talaga noh? "

Nakangiti ngunit naiinis na sabi ni Imelda sa kaniyang at na si Luna

Hindi na lamang pinansin ni Luna ang kapatid at nag lakad na paalis

Mas minabuti na lamang ng prinsesa Luna na umiwas sa gulo dahil alam nitong hindi magiging masaya ang kaniyang mga magulang sa oras na malaman ng mga ito na nag aaway parin sila

Pag pasok ni Luna sa palasyo ay nakasalubong nito si Luis

Nakangiti si Luis habang nag lalakad papunta sa gawi ni Luna at ngumiti naman si Luna rito, umaasa na babatiin siya ng prinsipe ngunit nilampasan siya nito

" Para sayo, aking prinsesa "

Nakangiting sabi ni Luis kay Imelda na nasa likudan ni Luna

Kay Imelda ibinigay ni Luis ang puting rosas na pantali

Nakaramdam ng onting lungkot si Luna ngunit ipinag salawang bahala na lamang nito ang nangyayare at umalis na lamang siya roon

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon