Kabanata 9

166 6 1
                                    

Kabanata 9

taong 1669

" mama! papa! nakita ko na ang gusto kong disenyo para sa aking darating na kaarawan " 

nakangiting sabi ni Imelda saka ito tumakbo papunta sa kaniyang mga magulang at ipinakita ang larawang puno ng pulang rosas na sa sobrang dami ay nag mukhang hardin ang disenyo 

" maganda ang napili mo aking prinsesa "

nakangiting sabi ng haring si Christian sa anak saka na umupo ang dalaga sa hapag kainan 

" of course papa, magaling akong pumili, hindi gaya nung isa jan na laging nasa kwarto "

nakangising sabi ni Imelda habang iniinsulto ang kapatid na si Luna na kaharap lamang siya 

napayuko na lamang ang dalaga sa narinig mula sa kapatid 

" Imelda, maaari ba kitang makausap sa iyong silid " 

nakangiti ngunit galit na sabi ng reynang si Belinda 

" mama! ayoko, papa papagalitan nanaman ako ni mama dahil lang sa halimaw na ito "

nakangusong sabi ni Imelda at doon na tumayo ang reynang Belinda at tinitigan sa mata ang kaniyang anak na si Imelda na kasalukuyang hindi makatingin sa ina 

" pumasok ka sa silid mo kung ayaw mong mapahiya sa harap ng mga narito Imelda "

galit na sabi ng reyna at padabog na umalis ang dalagang si Imelda habang tinititigan ng masama ang kaniyang kinikilalang kapatid na si Luna 

" pag pasensyahan mo na ang iyong kapatid Luna "

malungkot na sabi ng hari sa anak at ngimiti naman ang dalaga ngunit may pait sa kaniyang nginit 

" sanay na ako papa. tapos na po akong kumain, pupunta na ho ako sa aking silid " 

nakangiting sabi ni Luna sa ama ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata 

kahit sinabi ng parinsesang si Luna na tapos na siyang kumain ay alam ng ama na hindi pa dahil ni hindi manlang nito nagalaw ang kaniyang pagkain 

" bakit parati mo na lang pinag iinitan ang ate mo Imelda?! "

galit na tanong ni Belinda sa anak nitong si Imelda nung nakapasok na sila sa silid nito 

" bakit parati mo na lang siyang pinag tatanggol?! hindi ko kapatid ang halimaw na iyo--- "

hindi na natuloy ni Imelda ang masamang salita na sasabihin niya nung sampalin siya ng kaniyang ina 

" sinikap kong palakihin ka ng maayos Imelda! nakakadismaya na sa kabila ng lahat ay ganyan ang magiging asal mo! sinasabi mong halimaw ang iyong kapatid? tignan mo ang iyong ugali at ngayon mo sakin sabihin kung sino ang halimaw sa inyong dalawa! "

galit na sabi ng reynang si Belinda at doon na nag umpisang tumulo ang luha ng dalagang si Imelda at nag uumpisa na rin ang dalaga na magtanim ng sama ng loob sa kaniyang ina 

" mula sa araw na ito ay hindi ka maaaring lumabas sa silid mo hanggang sa sumapit ang iyong kaarawan! " 

galit na utos ni Belinda saka ito lumabas sa kwarto ng kaniyang anak 

na sobrang inis ng dalagang si Imelda ay itinapon niya ang lahat ng gamit niya sa kwarto habang tumutulo ang kaniyang mga luha 

" Belinda, anong nangyaya--- " 

" hindi makakalabas ang batang iyan hanggat hindi siya natututo ng kaniyang leksyon! "

galit na sabi ni Belinda sa asawa saka nito iniwang nakatulala ang hari 

kahit gustuhin mang amuhin ng haring si Christian ang anak na si Imelda ay hindi nito magawa dahil alam niyang tama ang sinabi ng kaniyang asawa 

binibigay ng mag asawa ang lahat ng gusto ng dalagang si Imelda kaya naman kapag hindi nasusunod ang ilan sa mga gusto ng dalaga ay lumalabas ang kaniyang masamang ugali 

hindi alam ng mag asawa kung saan nag mumula ang galit sa puso ni Imelda tungo sa kaniyang kapatid na si Luna dahil tinatrato naman ni Luna ng tama ang kaniyang kapatid 

dumiretso ang reynag si Belinda sa kwarto ng anak na si Luna at natakpuan nito ang kaniyang anak na yakap yakap ang unan habang umiiyak kaya't nag madali naman si Belinda upang hagkan ang kaniyang kinikilalang anak 

" patawad sa inasal ng iyong kapatid Luna " 

malungkot na sabi ni Belinda kay Luna habang hagod hagod nito ang likuran ng anak upang patahanin 

labis ang awa na nararamdaman ng reynang si Belinda dahil sa sinasapit ni luna dahil lamang sa kaniyang anlabas na anyo 

sa oras ng umagahan ay walang tao sa kainan dahil sa namuong tensyon sa loob ng palasyo 

sa tinagal ng panahon ay walang araw na hindi iniinsulto ni Imelda ang kaniyang kapatid hanggang sa umabot sa ganitong sitwasyon 

" ipatawag ang lahat ng guardia sibil at mga kasambahay " 

kalmadong utos ng haring si Christian sa kaniyang kanang kamay sa palasyo 

" masusunod mahal na hari " 

magalang na sabi ng kanang kamay ng hari saka na ito umalis sa opisina ng hari 

nag aayos na din ang Reynang si Belinda at siya na mismo ang nag suot ng kaniyang korona 

nag ayos na din ang dalawang prinsesa na si Luna at Imelda 

lumipas lamang ang ilang minuto ay maayos na humarap ang hari, reyna at dalawang prinsesa sa harap ng mga guardia sibil at kasambahay upang mag sagawa ng isang anunsyo 

" sa darating na linggo ay magaganap ang pinaka espesyal na kaarawan ng prinsesang si Imelda, kinakailangang maayos at malinis ang lahat, bawat sulok ng palasyo ay gusto kong maging malinis dahil pati ang kabilang bayan ay iimbitahan ko kaya't asahan niyong dadaigsain ng tao ang ating palasyo " 

" kinakailangang maibigay na ang mga imbitasyon sa bawat bayan at kinakailangan kong mas doblehin pa ang seguridad ng palasyo sa araw na iyon " 

anunsyo ng hari sa mga tauhan at tumango naman ang lahat 

ang ibang kasambahay ay masaya dahil magkakaroon ng engrandeng araw ngunit ang iba naman ay namomroblema dahil alam ng mga ito na hindi lang doble kundi magiging triple ang kanilang mga gawain 

sa mga nagdaang araw ay sinunod ng mga kasambahay ang sinabi ng hari, bawat sulok ng palasyo ay nililinis nila at pinapakintab

ang mga guardia sibil naman ay hinahasa ang kanilang kakayahan na mag bantay upang doblehin ang seguridad ng palasyo 

sa laki ng palasyo ay hindi natatapos ng isang araw lamang ang gawin ng mga kasambahay at guardia sibil upang maging maayos at perpekto lamang ang kaarawan ng isa sa mga prinsesa 

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon