Kabanata 14

134 4 4
                                    

Kabanata 14

Dahil sa lungkot ay mas pinili na lamang ni Luna na mag kulong sa kaniyang silid sa buong magdamag

Hindi nito maalis sa isip ang mga katagang sinabi ni Wilfred sakaniya

Pag babasa ang libangan ni Luna kaya naman puno ng libro ang kaniyang kwarto

Sa kalagitnaan ng pagbabasa nito ay may kumatok sa kaniyang pintuan na kaniyang ipinagtaka dahil wala namang kasambahay na nagsasalita sa labas ng kaniyang pintuan

Dahil sa kuryosidad ay nag desisyon ang prinsesang si Luna na pagbuksan kung sino man ang taong kumatok sa kaniyang pintuan

Pag bukas nito ay labi asng gulat niya nung nakita niya ang prinsipeng si Luis na may dala dalang bulaklak

" Para sayo prinsesa "

" Anong ginawa mo?! "

Sabay na sabi ng dalawa

Nakangiti ang prinsipeng si Luis dahil akala nito ay nasurpresa niya ang dalaga ngunit naka kunot naman ang noo ni Luna nung makita nito ang bulaklak na hawak ni Luis

Ang mga puting rosas

Ang bulaklak na pinitas ni luis ay ang bulaklak na pinaka inaalagaan ni Luna kayat labis ang sama ng kaniyang loob

" Bakit mo pinitas ang isa sa pinaka paborito kong bulaklak, iyan ang pinaka mahirap na patubuin Luis "

Galit na sabi Luna dahilan para mapangisi si Luis

" Kaya ko nga ito pinitas mahal na prinsesa "

Nakangising sabi ni Luis kay Luna

" Ha! Talaga bang balak mo akong galitin Luis? Puwes! Tama na! Dahil aya na kitang makta pang muli sa loob ng palasyo na ito! "

Galit na sabi ni Luna sa prinsipe saka ito pumasok sa kaniyang silid at ibinalibag ang kaniyang pintuan

Nag lakad na agad pababa si Luis ngunit may sama ng loob itong nararamdaman

' hindi ko naman sinasadya, nais lang kitang sorpresahin '

Walang ekspresyon ang mukha ni Luis habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kaniyang isipan

Lumipas ang mga araw ay hindi parin nag uusap ang prinsesa Luna at prinsipe Luis dahil masama ang kanilang loob sa isat isa habang ang prinsesa Imelda at prinsipe Wilfred naman ay mas nakilala ang isat isa

" Bakit hindi mo ako turuan pumana prinsipe Wilfred? Ang sabi mo ay ikaw ang pinaka magaling pumana sa inyong bayan "

Nakangiting sabi ni prinsesa Imelda kay prinsipe Wilfred at tumango naman ang prinsipe rito

" Kung iyon ang iyong gusto aking mahal na prinsesa "

Nakangiting sabi ni prinsipe Wilfred sa prinsesa saka nito hinalikan ang kamay ni Imelda

Nag tungo ang dalawa sa likudan ng palasyo kung saan nag sasanay ang mga guardia sibil na pumana

Nagulat naman at namangha ang mga guardia sibil nung masilayan ng mga ito ang prinsesa Imelda

" Ano pang hinihintay niyo jan?! Lumayas kayo rito dahil tuturuan ako ng aking prinsipe na pumana! "

Utos ni Imelda sa mga guardia sibil kayat napilitan ang mga ito na lisanin ang lugar

Kumuha naman ang prinsipe Wilfred ng pana at hinarap si Imelda sa kaniyang bagay na tatamaan

" Kakaiba talaga ang iyong karisma prinsesa Imelda "

Bulong ni Wilfred sa dalaga saka nito pinahawak sa prinsesa ang pana at hinatak na nito ang lubid na nag sisilbing taga hagis ng bala nito

" Ako na lamang ang iyong pakasalan, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo "

Bulong ni Wilfred na naging dahilan upang mailang si Imelda sa prinsipe at imbis na sa bagay na kanilang inaasinta tumama ang pana ay sa tao ito tumama dahil na rin sa gulat ni Imelda sa binulong sakaniya ni Wilfred

" Ah! "

Napalingon ang dalawa nung napasigaw si Luna dahil sa kaniyang praso tumama ang pana

" Luna! "

Agad na tumakbo si Luis nung makita nito ang pagtama ng pana sa braso ng prinsesa

Nanatili namang kalmado ang dalawang may sala at parang hindi sila nababahala sa kanilang nagawa

" Huwag mong gagalawin, hayaan mong ako ang mag alis niyan "

Nag aalalang sabi ni Luis kay Luna nung muntikan nitong hatakin ang pana

Nananatiling tahimik ang prinsesang si Luna ngunit labis ang nadaramang sakit nito sa kaniyang braso pero ang naiisip nito ay mas masakit na makita ang kaniyang kapatid na parang walang pakealam sakaniya

Aalis na sana ang dalawang may sala nung harangin sila ni Luis

Ramdam ng apat ang tensyon sa pagitan ng magkapatid

Walang ano ano ay agad na sinuntok ni Luis ang kaniyang sariling kapatid sa sobrang galit at sa gulat ang dalawang prinsesa ay napatili si Imelda habang wala namang magawa si Luna dahil nang hihina ito

" Tumigil na kayo! "

Sinubukang awatin ni Imelda ang dalawa ngunit patuloy parin ang mga ito sa paglalaban

Hindi nag tagal ay nakita ng mga guardia sibil ang dalawang prinsipe kayat inawat ng mga ito ang dalawa

Sa sobrang bilis kumalat ng balita ay nakarating ito sa reyna kaya naman nag madaling pumunta ang reyna rito

" Anong kaguluhan ang--- diyos ko! "

Nagulat ang reyna nung makita nitong duguan ang prinsesang si Luna

" Sa susunod na saktan mo ang aking prinsesa ay hindi lang yan ang aabutin mo! "

Galit na sabi ni Luis sa kaniyang kapatid at saka ito pumiglas sa mga guardia sibil at walang nagawa ang mga ito kundi ang pakawalan ang prinsipe

Walang ano ano ay pumunta si Luis kay Luna at kusa nitong binuhat ang dalaga

Kahit na gustong umangal ni Luna ay hindi nito magawa dahil nanghihina siya

Pumunta sa harap ng reyna si Luis

" Asan ang pinaka magaling na mang gagamot sa inyong bayan? Papuntahin mo ito sa aking silid upang gamutin ang aking prinsesa "

Seryosong sabi ni Luis sa reyna na ngayon ay labis ang pag aalala sa kaniyang kinikilalang anak na si Luna

Tumango na lamang ang reyna at walang nagawa ito kundi ang pag masdan ang prinsipe Luis na buhat buhat si Luna patungo sa silid nito

" Ano pang hinihintay ninyo?! Tawagin niyo na ang mang gagamot! "

Galit na sabi ng reyna sa mga guardia sibil na nakikiusisa sa nangyare

" At kayong dalawa! Pumunta kayo sa aking opisina! "

Galit na sabi ng reyna Belinda sa dalawang may sala na sina Imelda at Wilfred

Nakaramdam ng kaba ang prinsesang si Imelda dahil ngayon lamang nito nakita ang ina na sobrang galit habang ang prinsipeng si Wilfred naman ay labis ang sama ng loob dahil mas napuruhan siya kumpara sa kaniyang kambal 

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon