Kabanata 21

120 6 2
                                    

Kabanata 21

Nung matapos na ang labanan ay pinagmasdan ng prinsesang si Luna ang pag alis ng mga guardia sibil na kumitil sa buhay ng kaniyang mga minamahal

Nung makasiguro itong wala na ang mga kalaban ay agad itong tumakbo sa palasyo at agad itong umakyat

Agad na tumulo ang luha ng prinsesa nung makita nito ang duguang hari at reyna

" Ama!!! Ina!!! "

Agad na lumapit ang prinsesa at hindi ito nag dalawang isip na yakapin ang kaniyang ama at ina kahit na mabalutan pa siya ng dugo sa kaniyang katawan

Tahimik ngunit labis na pighati ang bawat pag patak ng luha ni Luna

Ang yakapin ang walang kabuhay buhay na katawan ng kaniyang mga magulang ay ang pinaka masakit na nangyari sa prinsesa

Hindi nag tagumpay ang prinsipeng si Lui na makatakas kaya't ngayon ay dala dala siya ng mga guardia sibil papunta sa kaniyang ama na nag iinit na ang ulo

Agad na pinaluhod ng guardia sibil ang prinsipeng si Luis sa harapan ng kaniyang ama at pagka luhod na pagka luhod ng prinsipe ay agad itong nakatanggap ng isang malakas na suntok

" Sa pag kakataong ito ay mali ka! Paano mo nagawang traydorin ang sarili mong kadugo?! "

Galit na galit na tanong ng haring si Venancio sa kaniyang anak

" Nilalamon ka na ng kasakiman! Alam mo ang nararamdaman ko para sa prinsesang si Luna ngunit tinuloy mo parin ang pag kitil sa kaniyang buhay! "

Nag aalab din ang galit sa mata ng prinsipe Luis sa kaniyang ama at parang kahit anong oras ay kaya niya itong saktan

" Masyado kang nahuhumaling sa halimaw na iyon! Hindi ko matatanggap ang katraydorang ginawa mo! Ikulang yan sa selda! "

Pilit na pumapalag ang prinsipeng si Luis sa mga guardia sibil ngunit nakagapos siya kaya't hindi ito nag tagumpay sa kaniyang pag palag

Agad na pinasok ng mga guardia sibil ang prinsipe sa kaniyang selda at tinanggal na ng mga ito ang gapos sa prinsipe

Nag tangkang tumakas ang prinsipe ngunit masyadong marami ang mga guardia sibil kesa sakaniya kaya't hindi ito nag tagumpay

Sa galit ay sinuntok na lamang ng prinsipe ang pader na naging dahilan ng pag dugo ng kaniyang kamay

Wala itong ibang naiiisip kung paano makakatakas upang mahanap na niya ang prinsesang si Luna

Alam ng prinsipe na takot na takot ngayon ang prinsesang kaniyang minamahal ngunit wala itong magawa dahil naka kulong siya

Pag sikat ng araw ay nagunaw ang mundo ng mga taong bayan nung matagpuan nila ang sira sirang palasyo

Agad na nag madaling pumasok ang mga ito upang usisain ang mga nangyare kagabi at naluha na lamang ang mga kababaihan nung makita nito ang bangkay ng kanilang mahal na hari at reyna

Sa pag luha ng mga taong bayan at may narinig ang mga ito mula sa baba ng palasyo

Ang isang malakas na sigaw ng prinsesang Imelda

Umiiyak at tila nag dadalamhati ang prinsesa sa mga nakita nito

Agad itong tumakbo paakyat at agad na napaluhod na lamang ito nung makita ang kaniyang ama at ina na wala ng buhay

Tila nakaramdam ng awa ang taong bayan sa dinananas ng kanilang prinsesa na ngayon ay naging ulila na

" Ama! Ina! Hindi ito pwede! "

Umiiyak na sabi ng prinsesa saka ito lumapit sa bangkay ng kaniyang mga magulang at niyakap niya ang mga ito

Ang ibang kababaihan ay pilit pinapakalma ang prinsesa habang nananatili lamang na nanonood ang mga kalalakihan dahil hindi nito maaaring hawakan ang prinsesa

Lumipas ang ilang oras ay napakalma na ng mga kababaihan ang prinsesang si Imelda na ngayon ay nakatulala na lamang

Habang ang mga kalalakihan naman ay iniligpit na ang mga bangkay na nasa palasyo dahil bibigyan nila ng mapayapang libing ang mga ito sa likod ng palasyo

" Iwan na muna natin siya, hayaan na muna nating mapag isa ang prinsesa, kailangan niya iyon "

Sabi ni Bella sa kaniyang mga kasamahan at tumango naman ang mga ito saka na lumabas sa silid ng prinsesa

Pagkalabas na pagka labas ng mga kababaihan ay isang malapad na ngiti ang kumurba sa labi ng prinsesang si Imelda

Labis itong natutuwa na naniwala ang mga taong bayan sa kaniyang pag kukunwari

Nananatiling pinag mamasdan lamang ng prinsesa Imelda ang pag libing ng mga kalalakihan sa mga bangkay

Ni wala itong nararamdamang awa o kung ano pa man

Nilamon na ng kasakiman ang kaniyang puso at ang sarili niyang magulang ay ipinagkanuno niya sa kanilang kalaban

Sa malayong hasyenda naman ay nakarating ang balita sa hacienderang si Amelia

Agad itong napa upo sa narinig na balita

" Ina! "

Agad na inalalayan ng binatang si Carlo ang kaniyang ina na nanghihina

" Wala na ang reyna Belinda "

Nakatulalang sabi ni Amelia habang tumatakbo sakaniyang isipan ang lahat ng pinag samahan nila ng kaniyang matalik na kaibigan

Unti unting tumulo ang luha ni Amelia at walang nagawa ang kaniyang anak na si Carlo kundi ang yakapin ang kaniyang ina

Alam nito ang sakit na nadarama ng kaniyang ina at kahit gustong alisin iyon ni Carlo ay wala itong alam na paraan

Nakarating din ang masamang balita sa reynang si Gilda na ngayon ay nag mamadaling umakyat papunta sa kaniyang asawa

Pagkalingon na pagka lingon ng haring si Venancio ay isang malakas na sampal ang kaniyang natamo

" HAYOP KAAAAAAA!!!! "

Sigaw ng reynang si Gilda sa kaniyang asawa at lumuluha itong pinag hahampas ang hari

" Hayop ka Venancio! Hayoop ka! "

Sa pag iyak ay nakatanggap ang reyna ng isang malakas na sampal mula sa hari

" Akala niyo ba ay hindi ko alam ang pinaplano niyo ng iyong kapatid? Hahahahaha!!! Binalak niyo akong lasunin sa araw ng kasal ng ating anak na si Wilfred! Iyan ang parusa ko sayo! "

Galit na galit ang haring si Venancio sa kaniyang asawa

Hindi nag patinag si Gilda at sinugod niya ulit ang kaniyang asawa

" Hayop!!! Demonyo!!! Aahh!!! "

Sa sobrang sana ng loob ng reyna ay hindi na nito nakayanan at nahimatay siya

Agad na sinalo ng hari ang reyna at tinawag ang mga kasambahay upang asikasuhin ang reyna

Nayanig ang mundo ng bawat bayan nung matanggap nila ang balita tungkol sa nangyari sa reyna at hari

Marami ang nag dusa dahil isa sa pinaka palakaibigan na hari si Haring Christian

Marami ang natulungan ng hari at halos lahat ng mga hari ay kaibigan nito

Madami din ang nag taka sa nangyaring pag lusob dahil walang ibang nakakaalam kung ano ang nangyari, kung sino ang sumugod at kumitil sa mga inosenteng tao na nasa palasyo

Marami din ang nag dusa sa pagkawala ng kanilang anak, kapatid, asawa, kaibigan

Halos lahat ng hari at reyna ay ibinigay ang kanilang pag galang sa yumaong hari na si Christian at yumaong reyna na si Belinda

Kahit na anong mangyari ay nanalo parin ang kasamaan laban sa kabutihan

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon