Kabanata 27

121 4 4
                                    

Kabanata 27

" Binibini, ngayon lamang ako namangha ng ganito. kakaiba ka sa lahat, para kang anghel na galing sa langit "

manghang mangha na sabi ng binatang si Carlo habang pinag mamasdan nito ang kagandahan ng dalaga

" Anghel?, hindi na ata maayos ang paningin mo ginoo. Sumpa ang tingin ng lahat sa akin kaya paano mo nasabi na ako ay anghel galing sa langit? "

nakakunot na sabi ni Luna sa binata dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito imbis na matakot ito sakaniya

" Huwag mong isipin ang mga sinasabi ng iba binibini sapagkat hindi sila marunong makakita ng magandang obra gaya mo "

nakangiting sabi ni Carlo sa dalaga saka niya hinaplos haplos ang pisngi ng dalaga

" hindi ko inaasahan na ganyan ang iyong magiging reaksyon. kakaiba ka rin sa lahat ginoo, ako ay nagagalak dahil may gaya mo pang tao "

namamanghang sabi ni Luna sa binata saka niya hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang mga pisngi

" Lahat ng nilalang ay may kanya kaniyang katangian binibini kaya ibahin mo ako sa lahat "

malambing na sabi ni Carlo sa dalaga saka nito nilapat ang kaniyang malalambot na labi sa noo ng dalaga

" Asan na ang sumpang iyon?! "

" Kailangan natin iyong mahanap upang kitilin ang buhay niya! "

" siya ang nag dadala ng malas sa atin! "

agad na tinulak ni Luna ang binata nung marinig niya ang sigaw ng taong bayan

" Kinakailangan ko nang umalis ginoo, sa oras na mahanap nila ako ay kikitilin nila ang aking buhay "

nag mamadaling sabi nito at doon na dumating ang kaniyang kapatid na si Luis

" kinakailangan na nating umalis "

sabi ni Luis saka niya hinila ang dalaga paalis sa lugar na iyon

" saglit lang binibini, makikita pa ba kita? "

sigaw na tanong ni Carlo sa dalaga ngunit hindi na narinig ni Luna ang mga katagang sinabi na iyon ni Carlo

" hanapin natin ang sumpang iyon! "

agad din na tumakbo si Carlo papunta sa kaniyang kabayo upang hindi din siya makita ng taong bayan

kahit na hingal na hingal na ang dalagang si Luna at ang binatang si Luis ay hindi parin tumitigal ang dalawa sa kanilang pag takbo hanggang sa makarating ito sa kanilang bahay

tila nag tataka ang taong bayan kung bakit nawala agad ang dalawa

" may mga kapangyarihan ba ang mga ito? "

" imposibleng mawala agad sila! "

" hindi ba't halimaw iyon? kaya ganon na lamang sila kabilis nag laho! "

pagkakagulo ng taong bayan at bigong bumalik ang mga ito sa syudad nila at nag handa upang hanapin ang halimaw bukas

" bakit nila tayo hinahabol? "

hinihingal na tanong ni Luna sa kaniyang nakakabatang kapatid nung makapasok na sila sa kanilang bahay

" dumating na rito ang mga tauhan ni ama, pumatay ang mga guardia sibil ng mga inosenteng bata upang ipakalat na ikaw ay isang halimaw kaya't nagalit ang taong bayan. ipinalabas rin ng mga ito na kasabwat mo ako sa pag kitil ng buhay ng mga inosenteng bata "

pag ku kwento ni Luis sa kaniyang ate

" kalokohan! "

galit na sigaw ni Luna saka nito hinagis ang mga bagay na malapit sa kaniya

" hindi na makatao ang kanilang ginagawa! pati ikaw ay handa nilang ipahamak makuha lamang ako! "

inis na sabi pa ni Luna

tila nanlilisik ang mga asul na mata nila sa galit ngumit nananatiling maamo ang kaniyang mukha

" kinakailangan na nating umalis sa lugar na ito bago pa nila tayo mahanap "

kalmadong sabi ni Luis sa kaniyang galit na ate

" walang patutunguhan ang iyong galit, kinakailangan na nating lumisan sa lugar na ito "

dagdag pa ni Luis saka na ito umakyat papunta sa kanilang kwarto upang mag impake na ng mga damit

pilit na pinapakalma ni Luna ang kaniyang sarili

walang sinayang na oras ang magkapatid at dinala ng mga ito ang kanilang mga kinakailangan

alasdos na ng umaga nung matapos ito sa kanilang pag iimpake at nag desisyon ang dalawa na mag pahinga na muna

hinahasa ni Luis ang kaniyang espada habang naka upo sa kanilang sofa habang si Luna naman ay nililinis ang kaniyang pana

" handa kana ba? "

tanong ni Luis sa kaniyang ate

" hindi mo naman kinakailangan isugal ang iyong buhay upang maligtas lamang ako "

agad na napatingin si Luis sa kaniyang ate sa mga katagang sinabi nito

" hindi ko hahayaan na harapin mong mag isa ang mga tauhan ng ating ama. nananahimik ang iyong buhay nung guluhin niya ito "

nalulungkot na sabi ni Luis ngunit may galit sa mga mata nito

walang naisagot si Luna sa kaniyang kapatid ngunit kung titignan mo ang mga mata nito ay puno ito ng pasasalamat

hindi inaakala ni Luna na magkakaroon siya ng ganitong karanasan, hindi niya inaakala na makakakilala siya ng taong proprotekta sakaniya maliban sa kaniyang mga magulang

" tara na? "

tanong ni Luis sa kaniyang ate saka nito inilahad ang kaniyang kamay

malugod na tinanggap ni Luna ang kamay ng kaniyang kapatid at agad na bumangon sa pagkaka upo

agad na binuhat nila Luna at Luis ang mga kanilang bag na naglalaman lamang ng mga damit at ang kanilang pana at espada

nag handa na ang dalawa sa kung anong maaaring mangyari

hindi malabong may makasalubong silang mga guardia sibil kaya mas minarapan na nilang dalhin ang kanilang armas

pagka labas ng magkapatid sa kanilang tinirahan ng ilang buwan

huling sulyap na lamang ang kanilang nagawa sa bahay na iyon bago sila tuluyang umalis rito

magkahawak kamay ang dalawang magkapatid habang tinatahak ang madilim na gubat

parehas na nanlalamig ang kanilang kamay

' kailan ba ako magkakaroon ng tahimik na buhay '

nasa isip ng binatang si Luis sa pagkat sa tana ng kaniyang buhay ay puro gulo ang nadadatnan nito

' kailan ba nila matatanggap ang isang kagaya ko?'

nasa isip ng dalagang si Luna sa pagkat dahil sa kaniyang pisikal na kaanyuan ay parati siyang inaapi

lumaki ang dalawang magkapatid sa ibang pamilya ngunit ni minsan hindi sumagi sa kanilang isipan na mapupunta sila sa ganitong sitwasyon

ang masakit lamang doon ay nasa ganitong sitwasyon sila ng dahil sa sarili nilang kadugo

" Luis, kung sakali man na mawala ako, tupadin mo ang pangako mo sakin na hindi kana kikitil ng buhay ng kahit na sino "

napangiti na lamang si Luis sa mga katagang sinabi ni Luna. hindi nito magawang sabihin ang nilalaman ng kaniyang isip

' hindi ko maipapangako aking prinsesa, sa pagkat ikaw na lamang ang natitirang tao na nagpapanatili sa aking pagiging makatao, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na mawala kapa '

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon