Kabanata 13

138 5 0
                                    

Kabanata 13

" Magandang umaga aking mga prinsipe "

Nakangiti ang dalagang si Imelda nung natagpuan nito ang dalawang kambal na nag uumagahan kasama ang reyna at hari

" Magandang umaga rin sayo prinsesa Imelda, kasing ganda mo ang umaga ngayon "

Nakangiting bati ni Wilfred sa prinsesa at tumayo pa ito upang buhatin ang upuan ni Imelda upang siya ay maka upo ng maayos

Nagpa walang bahala naman ang prisipe Luus na oara bang walang prinsesang bumati sakaniya kaya nag init naman ang dugo ni Imelda

" Ahem, prinsipe Luis? Hindi mo manlang ba ako babatiin? "

Nakangiti ngunit naiinis na sabi ni Imelda sa prinsipe

" Binati kana ni Wilfred, ano pang gusto mo? "

Inis na sabi din ni Luis sa prinsesa at nag patuloy sa pagkain

Nanatili na lamang tahimik ang hari at reyna kahit na namumuo ang tensyon sa pagitan ng prinsipe at prinsesa

" Ha! Unbelievable "

Maarteng sabi ni Imelda kay Luis at inirapan na lamang niya ito

Agad na napatayo sa kinauupuan si Luis nung makita nito ang paglabas ng prinsesang si Luna

" Magandang umaga binibini, hindi lamang buwan ang kasing liwanag mo kundi ang araw na sumalubong sa aking umaga "

Nakangiting sabi ni Luis sa prinsesang si Luna na ngayon ay naguguluhan

" Mama, papa, anong ginagawa nila rito? "

Takang tanong ni Luna sa kaniyang mga magulang

" Napag pasyahan namin na pumarito muna sila upang ligawan ang iyong kapatid na si Imelda para maging kabiyak nito, sa ganoong paraan ay mahihinto na namin ang pag aaway ng kanilang bayan at ng ating bayan, Luna "

Pag papaliwanag ng reyna sa prinsesang si Luna na ipinag sawalang bahala ang pag bati sakaniya ng prinsipeng si Luis

Sa pagka pahiya ay naupo na lamang si Luis at umarte na lamang na parang walang nangyare

Naupo na si Luna sa kaniyang upuan at nag simula na ring kumain ng umagahan

" Aking mga prinsesa, bakit hindi niyo ilibot ang mga prinsipe sa palasyo? "

Nakangiting suhestyon ng haring si Christian at napa palakpak naman si Imelda

" Perfecto! Tapusin niyo na ang inyong mga pagkain aking mga prinsipe para mailibot ko na kayo sa palasyo! "

Masiglang sabi ni Imelda saka ito tumayo at pumunta sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit

Gaya ng nakasanayan ay pulang bestida ang sinuot ni Imelda, wala itong ibang kulay ng damit kundi pula

Pag balik ni prinsesa Imelda sa kainan ay tapos na rin ang lahat kumain

" Vamonos Príncipe "

Nakangiting aya ni Imelda sa mga prisipe at tumango naman si Wilfred habang wala paring pinapakitang emosyon si Luis

Nag umpisang maglakad si Imelda at sinundan naman siya ni Wilfred habang sina Luna at Luis naman ay nanatiling nasa likudan ng dalawa

Habang nililibot ni Imelda ang mga prinsipe sa palasyo ay patuloy ang pang iinis ni Luis kay Luna sa pamamagitan ng pag sundok nito sa bewang ng dalaga na pinaka kinaiinisan ni Luna

" Eto ang aming hardin na siyang kinikilalang pinaka magandang har --- "

" Tigilan mo ko! "

Hindi natapos ni Imelda ang pag sasalita nung napataas ang boses ni Luna sa sobrang inis kay Luis

Napatingin ang dalawang nasaharapan sa dalawang nagbibiruan sa kanilang likuran

" Pwede ba?! "

Inis na sabi ni Imelda sa dalawa dahilan para matigil sina Luna at Luis

" Ang problema mo? "

Takang tanong ni Luis kay Imelda na ngayon ay nakahawak sa bewang niya at nakataas ang isang kilay

" Nagpapaliwanag ako habang kayong dalawa ay naghaharutan lamang diyan, sinasayang niyo ang laway ko "

Inis na sabi ni Imelda saka ito naglakad papasok sa palasyo

Tinignan ni Luis si Wilfred na parang nag tatanong kung anong masama sa ginawa nilang ni Luna at nag kibit balikat na lamang si Wilfred saka nagmadaling umalis upang sundan ang prinsesang si Imelda

" Mainitin talaga ang ulo ng iyong kapatid noh "

Nakangising sabi ni Luis kay Luna na ngayon ay walang pinapakitang reaksyon ang mukha

" Kung hindi mo ko kinikiliti ay hindi sana magagalit ang kapatid ko sa akin "

Galits na sabi ni Luna at maglalakad na sana ito pabalik sa loob ng palasyo nung hilain siya pabalik ni Luis

" Bakit ba ang sungit mo sa akin binibini? Saka hindi ko inaasahan na isa ka palang prinsesa, ikaw na lamang ang papakasalan ko "

Nakangiting sabi ni Luis sa dalaga na ngayon ay nakakunot ang noon

" Dahil nakakainis ang prisensya mo ginoo at hinding hindi ako mag papakasal sayo "

Prangkang sabi ni Luna saka na ito tuluyang umalis pabalik sa loob ng palasyo

Naiwan namang nakatulala ang prinsipeng si Luis at hindi nakapaniwala sa kaniyang narinig

" Hindi ka nabigong pahangain ako, aking prinsesa "

Nakangising sabi ni Luis habang pinagmamasdana ng palayong si Luna

Napailing na lamang habang natatawa ang prinsipeng si Luis at nag isip ng bagong gagawin upang inisin ang prinsesang si Luna

Pag pasok ni Luna sa palasyo ay nadatnan nito ang prinsipeng si Wilfred na palihim na umisilip sa opisina ng hari

" Anong ginagawa mo diyan ginoo? "

Seryosong tanong ni Luna kay Wilfred na halatang nagitla sa pagdating ni Luna

" Wala "

Malamig na sabi ni Wilfred kay Luna at maglalakad na sana paalis nung prangkahin siya ni Luna

" Palihim kang sumisilip sa opisina ng aming mahal na hari, wala? O baka naman espiya ka ng iyong ama? "

Diretsong sabi ni Luna sa prinsipe na ngayon ay nakakunot ang noo

Hindi ito makapaniwala na sinabi ng dalaga sakaniya kaya lumapit sa rito at tinignan ng diretso sa mata

" Napangunahan lamang ako ng aking kryusyosidad binibini, patawad sa aking nagawa ngunit nais ko lamang tanungin kung bakit ganiyan ang panlabas na anyo mo? Mukha kang halimaw "

Nakangiting sabi ni Wilfred sa dalaga na ikinagulat naman ni Luna

Napatingin na lamang sa sahig ang dalaga dahil sa narinig nitong masakit na salita

" Wilfred? Anong ginagawa mo jan at kasama mo aking aking halimaw na kapatid? Kanina pa kita hinahanap "

Diretsong sabi ni Imelda nung makita nito si Wilfred na kasama ang kaniyang kapatid

" Vamonos, marami pa akong ipapakita sayo "

Aya ni Imelda sa prinsipeng si Wilfred at nakangisi naman nitong tinignan si Luna saka na ito naglakad papunta kay Imelda

Dahil sa narinig ng dalaga ay nalungkot nanaman ito, naalala nito na hindi nga pala katanggap tanggap ang kaniyang panlabas na anyo

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon