Kabanata 7

173 7 6
                                    

Kabanata 7 

kumatok muna ang reynang si Belinda sa iisang kwarto sa pinaka tuktok ng palasyo bago ito pumasok 

pag pasok nito ay natagpuan nitong nakaupo lamang ang batang si Luna sa kaniyang kama habang pinapanood ang pag didiwang ng taong bayan sa malaking bintana sa tabi ng kaniyang kama 

" anak, bakit hindi ka sumali sa pagdiriwang? may bumabagabag ba sa iyo? "

malumanay na tanong ni Belinda sa bata habang dahan dahan itong umupo sa gilid ng kama ni Luna 

" aking ina, hindi nila ako maaaring makita. sigurado ako na mag kakagulo nanaman sa oras na makita nila ako at ayaw kong mangyare iyon aking ina "

malungkot na sabi ng batang si Luna at hinagkan naman ito ng kaniyang kinikilalang ina na si Belinda 

" halimaw ako mama, isa akong halimaw " 

malungkot na sabi ni Luna saka nito niyakap ng mahigpit ang kaniyang kinikilalang ina 

" kakaiba ka Luna, espesyal ka pero kahit kailan man ay hindi ka halimaw aking anak "

malumanay na sabi ni Belinda habang hinahagod ang likod ng kaniyang kinikilalang anak 

- ang nakaraan... - 

" diyos ko po! "

nagulat ang isang dalaga sa bayan nung nakita nito ang itsura ng batang si Luna

nagsi tinginan ang mga tao at nagulat din ang mga ito dahil kakaiba ang itsura ni Luna 

" halimaw! "

malakas na sigaw ng isa sa mga binatang naglalaro ng mga bato at agad naman nitong binato ang batang si Luna kaya't agad na tumakbo ang bata 

ngayon ay alam na niya kung bakit hindi siya maaaring lumabas ng mansyon ng wala ang kinikilala niyang inang si Belinda at amang si Christian 

" tara sundan natin! "

nakangising sabi ng binatang nang bato kay Luna at sumunod naman ang mga kalaro nitong mga binata rin 

tumakbo ng mabilis si Luna hanggang sa makatakas ito sa mga mapanghusgang mga mata ng taong bayan 

- ang pagtatapos... - 

" dito na lamang po ako aking ina, ayoko pong bumaba roon " 

sabi ni Luna kay Belinda at napabuntong hininga naman ang reyna 

" papadalhan na lamang kita ng pagkain aking anak pero sana ay bumaba ka mamaya upang makasabay ka namin ng iyong ama na kumain ng hapunan "

nakangiti ngunit may halong pait na sabi ni Belinda sa bata 

tumango lamang si Luna bilang sagot at tahimik na lumabas si Belinda sa kwarto ng kinikilalang anak 

pagtapos ng pangyayaring yon sa bayan ay nag desisyon na ang batang si Luna na hindi na ulit ito magpapakita sa kahit na sino kaya't mas pinipili nitong ikulong na lamang ang sarili sa pinakamataas na kwarto sa palasyo 

" kamusta si Luna? "

nag aalalang tanong ng haring si Christian sa kaniyang asawa 

" ayaw parin nitong lumabas sa kwarto niya Christian, nag aalala na ako sa ating anak "

naluluhang sabi ng reynang Belinda sa kaniyang asawa at hinagkan naman siya nito 

" huwag kang mag alala Belinda, nagpapahanap na ako ng magaling na manggagamot upang malaman nito ang rason kung bakit ganoon ang ating anak " 

pag papakalma ni haring Christian sa kaniyang asawa

" maraming salamat sa lahat aking mahal, maraming salamat "

nakangiti ngunit may lungkot sa matang sabi ni Belinda sa hari at tumango naman ang hari 

" habang nabubuhay ako ay iingatan ko kayo ng ating anak "

nakangiting sabi ni haring Christian sa asawa 

" papa! mama! " 

napalingon naman ang mag asawa nung masayang tumatakbo ang kanilang anak na si Imelda na kasalukuyang anim na taong gulang pa lamang 

" anak! kamusta ang unang araw sa paaralan? " 

nakangiti namang taong ng reyna sa kaniyang anak 

" mama sabi ng aking guro ay mataas ang nakuha kong grado sa aming pagsusulit "

nakangiting sabi ni Imelda at binuhat naman siya ng amang si Christian 

" ang galing naman ng anak ko, bakit hindi mo bisitahin ang iyong ate, imelda? nalulukot siya ngayon sakaniyang silid "

nakangiting sabi ng haring si Christian sa anak ngunit umiling naman ang bata 

" ayaw ko kay ate papa, mukha siyang halimaw "

nakangusong sabi ni Imelda sa ama na nakapagpakunot ng noo ni Belinda

" hindi halimaw ang ate mo Imelda, sinong nag turo sayo ng masamang asal na yan ha?! " 

galit na tanong ni Belinda sa anak at nagsimula namang maluha ang batang si Imelda at niyakap nito ang kaniyang ama 

" papa "

tawag ng bata sa ama saka ito umiyak 

napa buntong hininga naman ang hari saka nito ibinaba ang anak at pinunasan ang mga luha nito 

" mabuti pa ay pumunta ka muna sa kwarto mo Imelda, hindi tama ang sinabi mo sa ate mo "

kalmadong sabi ng hari sa anak at umiiyak na tumakbo naman ang batang si Imelda papunta sa kwarto nito 

" mama, papa "

malungkot na tawag ni Luna sa mga kinikilala nitong magulang at nagitla naman ang dalawa

" anak ... "

nagitlang sabi ni Belinda at ngumiti naman sakaniya ang batang si Luna 

" ayos lang iyon ina, hindi ko naman masisisi ang aking kapatid " 

nakangiti ngunit may lungkot sa mga matang sabi ni Luna 

" narito lamang ako upang humingi sa inyo ng kahilingan "

nakangiting sabi nito saka lumapit sa kinikilalang ama at hinagkan naman siya ng haring si Christian 

" ano naman ang kahilingan ng prinsesa ko? "

nakangiting tanong ng hari sa anak 

" ma, pa, gusto ko sana ng bagong libro. tapos ko nang basahin ang mga binili niyo sa akin noon " 

nakangiting sabi ni Luna sa mga magulang 

" oo naman anak, hayaan mo at kami mismo ng iyong ama ang bibili non " 

nakangiting sabi ni Belinda sa anak 

" salamat ma, pa, sige na po babalik na ako sa aking silid "

nakangiting sabi ni Luna sa mga magulang at napa tango na lamang ang hari at reyna 

nung makaakyat na si Luna ay bakas ang lungkot sa mukha ni Belinda at agad naman siyang niyakap ng kaniyang asawa na si Christian 

" magiging maayos din ang lahat aking mahal, bata pa si Imelda kaya't hindi pa niya maiintindihan ang lahat " 

kalmadong sabi ng hari sa asawa habang hinahagod nito ang likod niya upang pagaanin ang loob ng reyna 

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon