Kabanata 29

131 3 1
                                    

Kabanata 29

" hindi ... hindi ito pwede ... "

nanghihinang sabi ni Jade habang yakap yakap ang katawan ng binatang si Carlo

walang ibang magawa si Luna dahil hinang hina na ito

" patawad "

nang hihinang sabi ni Luna sa binata saka niya ito mahigpit na niyakap

ano mang oras ay maaari na silang kuyugin ng mga taong bayan ngunit mas pinili parin ng dalaga na yakapin na lamang ng mahigpit ang katawan ng binata

' anong ginawa ko? anong ginawa ko para maranasan ang ganitong kalupit na kapalaran? '

" malas! "

" dahil sayo nakitil ang buhay ng aking anak! "

" dinala mo ang mga armadong kalalakihan! "

ilan lamang sa mga yan ang narinig ni Luna habang pinag sisipa siya ng taong bayan

nakapikit ang dalaga ng mariin habang dinadama ang sakit sa bawat pag tadyak sakaniya

" itigil yan! "

isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga, gusto nitong tignan ang taong iyon ngunit wala siyang nang natitirang lakas sa katawan niya

ilang segundo lamang ay huminto ang taong bayad sa pag sipa sakaniya at naramdaman niyang lumayo ang mga ito sakanila ni Carlo

" dakpin ang dalawang iyan "

maotoridad na sabi ni Wilfred sa mga guardia sibil

mahigpit na yumakap si Luna kay Carlo ngunit hindi sapat ang lakas niya kayat napag hiwalay silang dalawa ng mga guardia sibil

agad na dinakip si Luna at marahas na itinayo ng dalawang guardia sibil habang binitbit naman na parang sako ang binatang si Carlo ng isang guardia sibil

masama ang titig ni Luna nung makita niya ang kaniyang mga kapatid na si Wilfred at Imelda

marahas na hinawakan ni Wilfred si Luna sa kaniyang baba at ipinag pantay nito ang kanilang mukha

" hindi ka naman dapat madadamay rito kung nag tago ka ng maigi at nag panggap na lamang na patay "

nakangising sabi ni Wilfred

" pakawalan niyo si Carlo, ako lamang ang pakay ninyo "

nakikinusap na sabi ni Luna ngunit sa isip ay gustong gusto nitong kitilan ng buhay ang kaniyang sariling kapatid

nakangisi lamang si Wilfred saka na niya tinalikuran si Luna

" halikana aking reyna "

nakangiting sabi ni Wilfred saka nito hinawakan ang kamay ni Imelda at nag lakad palayo

' isinusumpa ko, dadalak ang inyong dugo sa buong palasyo'

matatalim ang titig ni Luna habang nakatingin sa rebultong papalayo nina Wilfred at Imelda

kasabay ng sumpa ni Luna ang pag laho ng liwanag ng buwan

hinayaan na lamang ni Luna na dakipin siya ng mga guardia sibil dahil alam nitong wala rin siyang takas

lumipas ang ilang oras ay pabalibag na pinasok ng mga guardia sibil si Luna at si Carlos sa karwaheng kulungan

wala na ang pana sa likod ni Carlo ngunit duguan parin ang likod nito

nang hihinang lumapit si Luna kay Carlo saka niya inilagay ang ulo ng binata sa kaniyang hita upang mag silbi itong unan

hinawakan ni Luna ang dibdib ni Carlo habang dinadama ang tumitibok na puso ng binata

isang patak ng luha ni Luna ang kumawala sa pagkakaalam na buhay pa ang binata

kahit nanghihina si Carlo ay pilit niyang hinawakan ang pisngi ni Luna kahit siya ay nakapikit lamang

agad na hinawakan ni Luna ang kamay ng binata na pumupunas sa kaniyang mga luha

" patawad "

iyan lamang ang nasakbit ni Luna at hindi na nito napigilan ang sunod sunod na pag patak ng luha niya

" ma ... "

" mahal ... "

" ki ... "

" kita ... "

hiarap ngunit nagawang sabihin ni Carlo ang mga salitang iyon na naging dahilan ng pag hagulgol ni Luna

" mahal din kita "

umiiyak na sambit ni Luna saka nito niyakap ang binata

" mahal kita "

" mahal kita "

pa ulit ulit na binabanggit ni Luna ang mga katagang iyon habang yakap yakap si Carlo

napangiti na lamang ang binata sa nalaman

' mahal kita ngunit hindi ito ang tamang panahon para satin, mauuna na ako sa taas aking mahal '

gustong gustong sabihin ni Carlo ang mga katagang ito ngunit isang ngiti at pagkahulog ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi na lamang ang nagawa niya

mas humigpit ang yakap ng dalagang si Luna nung maramdaman niya ang pag bagsak ng kamay ni Carlo

sa oras na iyon ay alam na niya ang ibig sabihin non ngunit hindi niya magawang tanggapin ang katotohanan

" mahal na mahal kita "

" mahal na mahal "

paulit ulit na ibinubulong ni Luna ang mga salitang iyon kay Carlo

umaasa na baka sa pamamagitan non ay maibabalik niya ang buhay ng binata

wala nang tunog ngunit patuloy parin ang pag patak ng mga luha ni Luna habang nakatitig sa kawalan

masyadong marahas ang kaniyang dinanas

lumipas ang mga oras ay nanatili lamang na nakayakap si Luna sa bangkay ng binatang si Carlo hanggang sa huminto na ang karwaheng kulungan

walang kabuhay buhay ang mukha ni Luna nung biksan ng mga guardia sibil ang pinto ng karwaheng ito

dudukutin na sana si Luna ng mga guardia sibil ngunit nagulat ang mga ito nung nag prisinta ang dalaga na lumabas na sa karwaheng iyon

' mag sasama rin tayo Carlo, hindi sa mundong ito ngunit alam kong mag sasama tayo '

ayan ang huling nasa isip ni Luna nung talikuran na niya ang bangkay ng binatang si Carlo

nung isinara na ang pintuan ng karwaheng iyon ay agad na kinaladkad ng mga guardia sibil si Luna patungo sa loob ng palasyo

hindi na nag pumiglas si Luna sapagkat gusto na nitong matapos ang kaniyang pag hihirap

' sa kakatakbo ko kay kamatayan ay pinadanas nito ang impyerno sa mundong ibabaw '

ilang minuto siyang kinaladkad ng mga guardia sibil hanggang sa iharap na siya kay Haring Venancio

" bihisan siya ng puting bistida at saka niyo na siya iharap sa taong bayan "

maotoridad na sabi ni Venancio saka na ito tumalikod sa dalaga

walang kaalam alam ito na siya mismo ang papatay sa kaniyang kauna unahang anak

masyadong napuno ng kasakiman ang puso ng hari na ngayon ay nangyayari sa kaniyang anak na si Wilfred

ang dating binata na gusto lamang ng kapayapayan ay ang dahilan ngayon kung bakit may kaguluhan

agad na sinunod ng mga alalay ang utos ng haring si Venancio at saka nito binihisan ang dalaga ng puting bistida

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon