Kabanata 25
" Ingat! "
Agad na sinara ni Luna ang kanilang pintuan pagka alis ni Luis patungo sa kaniyang trabaho
Hindi maintindihan ni Luna ang saya na kaniyang nadarama
Hindi nito alam pero kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay upang ayusin ang kaniyang mukha
Sinubukan nitong mag lagay ng pampapula sa kaniyang labi ngunit naalala nitong bawal siyang maglagay non
Agad na nag lakad si Luna papunta sa tabing ilog
Halos tumakbo na ito upang makarating agad roon
Agad na tinakpan ni luna ang kaniyang mukha nung makita nito ang kabayong si Liwanag
Siguradong narito na rin si Carlo
" Kamusta ka Liwanag? Asan ang iyong amo? "
Nakangiting tanong ni Luna sa kabayo habang hinihimas nito ang malambot na balahibo ng kabayo
" Mukhang gusto mo talaga akong makita binibini "
Napaiktad si Luna nung mag salita si Carlo mula sa kaniyang likod At agad na napa harap si Luna sa binatang si Carlo
Nagulat si Luna sa sobrang lapit niya sa binata kaya't sinubukan nitong humakbang paatras ngunit natisod lamang siya
Inaasahan ng dalaga na sa lupa siya babagsak ngunit bago pa iyon mangyari ay nasalo na siya ni Carlo
Nagkatitigan ang dalawa at tila ba hindi mahiwalay ang katawan sa isa't isa
" Napaka ganda ng iyong mata, ngunit bakit hindi mo ipinapakita ang iyong mukha? "
Takang tanong ni Carlo at akmang tatanggalin nito ang balot sa mukha ng dalaga nung itinulak siya nito
" Hindi mo maaaring makita ang aking katauhan, Ginoo "
Seryosong sabi ni Luna saka ito tumalikod sa binata
Nanghina ang dalaga nung hawakan siya ng binata sa kaniyang mga braso
" Humihingi ako sa iyo ng paumanhin binibini, hindi ko sinasadyang gawin ang bagay na iyon, mapapatawad mo pa ba ang isang gaya ko? "
Bakas ang lungkot sa boses ng binatang si Carlo na nakapukaw ng puso ni Luna
" H-huwag mo na lamang uulitin iyon Ginoo "
Agad na napatawad ng dalagang si Luna ang binatang si Carlo
Hindi maintindihan ni Luna kung bakit nung hinawakan siya ng binata sa kaniyang braso ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso
" H-hindi kana galit sa akin Binibini? "
Na uutal na tanong ni Carlo
" Hindi na--- "
Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Luna ay agad siyang hinagkan ng binata
" Yesss! "
Masayang sabi ni Carlo at hindi nito namamalayang yakap yakap niya ang dalaga
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Luna at tangging ang pag tibok ng puso lamang niya ang kaniyang naririnig
Masaya ang dalawa dahil magkasama sila ng isang buong araw, hindi inaasahan ng dalawa na mapapasaya nila ang isa't isa sa pamamagitan lamang ng pag uusap
" Hindi ko inaasahang malawak ang iyong isipan, nakakatuwa at mayroon pang binibini na gaya mo "
Pag puri ni Carlo sa dalaga saka ito sumandal sa malaking puno
" Ilan na ba ang librong iyong nabasa? "
Tanong ni Carlo kay Luna at hindi na mabilang ni Luna kung ilan ito
" Hindi ko na matandaan kung ilang libro ang aking nabasa "
Seryosong sagot ni Luna sa binata
Habang naka upo sa tabi ng binata ngunit hindi ito maka sandal sa puno dahil masakit ito sa likod para sakaniya
" Matutumbasan ba ng mga librong iyong nabasa ang isang rosas na ibibigay ko sa iyo binibini? "
Takang tanong ni Carlo saka nito ibinigay kay Luna ang isang pulang rosas
" Para sa akin ba iyan Ginoo? "
Paninigurado ni Luna habang naka tingin ito sa mga pulang rosas
" Pinitas ko ito, para lamang sa iyo "
Nakangiting sabi ni Carlo sa dalaga saka niya ito ibinigay kay Luna at tinanggap naman ito ng dalaga
" Salamat, Ginoo "
Nakangiting sabi nito ngunit kahit hindi makita ni Carlo ang mga labi ni Luna ay alam nitong nakangiti ang dalaga
" Maaari ka bang sumandal na lamang sa akin? Masyadong matigas ang puno at alam kong masakit iyon para sa iyong likod aking binibini "
Nahihiyang tanong ni Carlo kay Luna at agad naman itong pinag bigyan ni Luna
Umupo si Luna sa pagitan ng hita ng binata saka ito sumandal sa binata
" Saan mo nakuha ang rosas?, aking ginoo "
Tanong ni Luna kay Carlo na ngayon ay pasimpleng nakayakap sakaniya
" Sa aming hardin, mahilig ako sa mga bulaklak at isa sila sa pinaka importante sa aking buhay "
Seryosong sabi ni Carlo
" Ngunit kung mahalaga sila sayo, bakit mo ito pinitas at hindi na lamang hinayaang mamulaklak? "
Takang tanong naman ni Luna sa binata
" Dahil kinakailangan kong bigyan ng isang maliit na relago ang taong pinapatibok ng mabilis ang aking puso, at ikaw iyon binibining Luna "
Seryoso at may halong sinseridad ang mga katagang iyon na sinabi ni Carlo
Hindi alam ni Luna ang kaniyang isasagot sa binata
Ngunit hindi nito inaakala na parehas sila ng nadarama
Umabot ang pag lubog ng araw ay malungkot na umuwi ang dalagang si Luna
Nangako ang dalawa na mag kikita silang muli sa tabing ilog
Pag pasok ng dalaga sa kanilang bahay ay napaiktad ito sa kaniyang gulat nung makita niya si Luis
" Ginabi ka ata? "
Takang tani ni Luis sa kaniyang nakakatandang kapatid
" Nag libot lang ako sa kagubatan "
Seryosong sabi ni Luna
" Kabisado mo na ang kagubatan ngunit nag libot ka parin? Huwag mo akong niloloko "
Seryosong sabi ni Luis sa kaniyang ate
Napabuntong hininga na lamang si Luna
" Wala akong masamang ginagawa "
Seryosong sabi ni Luna saka nito dinala ang kandilang nag sisilbing ilaw nila
Agad na pumasok ito sa kaniyang kwarto at hindi na pinansin ang nakakabatang kapatid
Lumipas ang ilang linggo ay laging magkasama ang dalawa at lagi itong nag tatagpo sa tabing ilog
Bawat araw na nag uusap sila ay mas lumalalim ang nadarama nila sa isa't isa
Sa kasiyahang nadarama ni Luna ay hindi nito inaasahan na may masamang mangyayare
Sa kagustuhan ng haring si Wilfred na mahanap ang kaniyang kapatid ay humingi ito ng tulong sa kanilang ama upang halughugin ang bawat bayan
Desperado na ang mga ito na mahanap ang magkapatid na si Luis at Luna
Ngunit kahit na anong gawin nila ay wala silang matagpuang Luis at Luna sa mga bayang nahalughog na nila
Masyadong takot ang ibang mga hari at reyna sa mag amang sakim kaya't hinahayaan lamang nila ang mga ito
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.