Kabanata 8
agad na sinugod ng isang batang lalaki ang kaniyang katunggali at imbis na sugudin din siya ng katunggali ay tumakbo ito papunta sa kaniyang ina
" hahaha! "
tumatawang sabi ng batang si Luis nung tumakbo ang kaniyang kakambal na si Wilfred
" ha! sinasabi ko na nga ba at iisa lamang sa inyo ang nararapat na maging hari! Wilfred! ano bang kinakatakot mo?! "
galit na sabi ng haring si Venancio sa kaniyang kambal na anak
" huwag mong pagtaasan ng boses ang aking anak Venancio! "
pag tatanggol ng reynang si Gilda sa kaniyang anak na si Wilfred
" ha! tignan mo kung gaano kaduwag ang batang yan! hindi siya gumaya sa kaniyang kambal! parehas lang sila ng mukha ngunit iiba ang kanilang pagkatao! "
galit na sabi ng hari saka nito hinila ang anak na si Luis papunta sakaniya
" ha! anong aasahan mo sa siyam na taong gulang?! makipag laban sa mga tulisan?! napaka bata pa nila upang malaman ng mga bagay na ganto! huwag mong igaya sayo ang mga anak mo Venancio! huwag mo silang buhayin sa karahasan mo! "
galit na sigaw ng reynang si Gilda sa asawa saka nito kinuha ang anak paalis sa silid kung saan pinag eensayo ang kambal na makipag laban
" lagi na lang mainit ang ulo ng iyong ina sa akin tss "
inis na sabi ng haring si Venancio sa anak na si Luis
" hayaan mo na aking ama, masyado niyang kinukunsinti ang kahinaan ng aking kambal "
seryosong sabi ni Luis sa ama saka pa ito napa iling
lumuhod ang hari sa harapan ng anak upang magpantay ang kanilang mga mukha
" masaya ako na nakuha mo ang aking katapangan Luis, ipinagmamalaki ko na naging anak kita "
nakangiting sabi ni Venancio sa anak at napangisi naman ang batang si Luis
" kung mamarapatid niyo ay gusto kong kalabanin ang isa sa mga guardia sibil ama, malabong makalaban ko ang aking kakambal kaya't isa na lamang sa mga guardia sibil ang gusto kong kalabanin "
nakangising sabi ni Luis sa ama at tumayo naman ang haring si Venancio
" kapitan Eric! ipatawag ang mga batang guardia sibil! "
utos ni Venancio sa kaniyang ama at tumango naman ito
" masusunod, mahal na hari "
marespetong sabi ng kapitan sa sariling anak na tila ba bumaliktad ang mundo na ang anak na mismo ang umuutos sa kaniyang ama
agad na lumabas ang kapitan sa silid at ilang minuto lamang ay nagsi pasukan na ang mga batang guardia sibil at pumila ang mga ito sa harap ng hari
" mamili ka kung sino ang gusto mong kalabanin aking anak "
nakangising sabi ng haring Venancio sa anak
nag lakad naman ang batang si Luis habang inuusisa sa sarili kung sino ang gusto nitong makalaban
" ikaw, ikaw ang gusto kong makalaban "
nakangting sabi ni Luisa sa isa sa pinaka malaking batang guardia sibil
pumwesto na ang dalawang bata at tila may namumuong tensyon sa titigan nila na sila lamang ang nag kakaintindihan
" AAAHHH!!! "
Sigaw ng batang si Luis nung sugurin na nito ang katunggali
sa kabilang silid naman ay pinaupo na ng reynang si Gilda ang anak na si Wilfred saka nito nginitian ang anak
" mama, patawad at hindi ako malakas gaya ng aking kambal "
pag hingi ng paumanhin ni Wilfred sa ina at ngumiti naman ito sakaniya
" wala kang kasalanan aking anak, masyado ka pang bata, kayo ng kambal mo upang mamulat ang mata niyo sa pamamaraan ng inyong ama "
kalmadong sabi ni Gilda saka nito ginulo ang maayos na buhok ng anak at natawa
" saka alam ko kung anong gusto mong gawin Wilfred kaya pumuslit ako sa bayan upang bilhin ito "
nakangiting sabi ni Gilda saka nito inilabas ang biniling gitara para sakaniyang anak at nag ningning naman ang mga mata ng batang si Wilfred
" maraming salamat aking ina! "
nakangiting sabi ni Wilfred saka nito taos pusong niyakap ang ina
" naririnig ko ang gintong boses mo tuwing gabi kapag sumisilip ako sa kwarto ng iyong kapatid, hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng anak na napaka ganda ang boses gaya mo "
nakangiting sabi ni Gilda sa anak
" salamat aking ina "
nakangiting sabi ni Wilfred saka nito kinuha ang bagong gitara na bili ng kaniyang ina
" kung iyong mamarapatin ay kakantahan ko kayo ina "
alok ni Wilfred sa ina at tumango naman ito saka umupo sa tabi ng kaniyang anak
hindi pa nagsisimula sa pag tugtog ang bata ay kinuha na ng hari ang gitarang bigay ng reyna sa anak
hinampas ni Venancio ang gitara sa pader na naging dahilan ng pagka sira nito
" ano bang ginagawa mo Venancio?! bakit mo sinira ang regalo ko sa aking anak?! "
galit na tanong ni Gilda sa asawa
" isinilang sila upang makipag laban! hindi tumugtog ng mga walang kwentang kanta! "
galit na sabi ni Venancio at sa sobrang galit ay hindi napigilan ni Gilda ang sampalin ang kaniyang asawa
" wala kang karapatan upang diktahan ang iyong anak sa gusto niyang gawin! "
galit na sabi ni Gilda sa hari at ngumisi naman ito sakaniya
" at wala kang karapatan na saktan ako Gilda "
nakangising sabi ni Venancio saka nito malakas na sinampal ang kaniyang sariling asawa
sa lakas ay napa upo ang reynang si Gilda at doon nag simulang mapaiyak ang kanilang anak na si Wilfred at walang magawa ang bata kundi ang yakapin ang kaniyang ina
" tama na ama! huwang mong saktan ang aking ina "
umiiyak na pigil ni Wilfred sa ama upang hindi na saktan ang kaniyang mahal na ina
" tumigil ka sa kakaiyak mo Wilfred! sa ayaw at sa gusto mo ay matututo kang makipag laban! "
galit na sabi ni Venancio sa anak saka nito hinatak ng marahas si Wilfred pabalik sa silid kung saan nag eensayo ang kaniyang kambal na si Luis upang makipag laban
pinilit na pigilan ni Gilda ang pagkuha ni Venancio kay Wilfred ngunit mas malakas ang hari kaya't walang nagawa ang reyna kundi ang pakawalan ang inosentang anak na ngayon ay mamumulat na sa karahasan
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.