Kabanata 10

156 6 0
                                    

Kabanata 10

" Ayusin mo ang pag tali ng aking laso! "

Galit na sigaw ni Imelda sa kasambahay nila na nag tatali ngayon ng magarbo niyang bistida na kulay pula

" Pasensya na mahal na prinsesa "

Pag hingi ng paumanhin ng kasambahay na di Aubrey sa prinsesang si Imelda

Tinitigan ng dalaga ang sarili at kusa itong ngumiti dahil hindi niya maitago ang sayang nararamdaman niya

Puno ng kolorete ang mukha ng dalaga at nilugay nito ang kaniyang kulot na buhok

" Tapos na po mahal na prinsesa "

Magalang na sabi ng kasambahay na si aubrey sa prinsesa at tumango naman si Imelda rito

" Makakaalis kana "

masungit na sabi ng prinsesa

Pagka alis ng kasambahay ay si Imelda na mismo ang nag suot ng kaniyang korona at ngumiti sa salamin

" Hindi mag tatagal ay magiging reyna kana Imelda "

Pagkausap nito sa sarili saka natawa ng bahagya

Sa kabilang kwarto naman ay naroon ang hari at reyna na kakatapos lang din mag ayos

" Walang kupas ang iyong kagandahan akin reyna "

Nakangiting sabi ng haring su Christian sa asawa

" Maraming salamat aking mahal na hari "

Nakangiting sabi ni Belinda sa asawa

Halos lahat ng tao sa palasyo ay masaya dahil sa kaarawang magaganap maliban lamang sa isang tao na nasa pinaka tuktok ng palasyo

Hindi maitago ni Luna ang kabang nararamdaman sapagkat alam nito na maraming bisita ang pupunta sa palasyo

Nangangamba ang dalaga na siya ay makita ng mga ito dahil sakaniyang pisikal na kaanyuan

Tinititigan lamang nito ang magarbong kulay puting bistida na inihanda para sakaniya

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga bago nito isuot ang bistida

Walang katok katok ay pumasok ang reyna sa kwarto ng dalagang si Luna na kasalukuyang nag susuot ng kaniyang bistida

" Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga kasambahay aking anak? "

Takang tanong ng reyna saka nito tunulungan si Luna na isuot ang kaniyang damit sa pamamagitan ng pagtali ng laso sa likudan nito

" Masyadong abala ang mga ito upang magpatulong pa ako sa pagsuot lamang ng aking bistida mama "

Magalang na sabi nito sa ina at humarap siya rito nung naitali na ang kaniyang laso sa likod

" Handa kana ba na ipakilala sa mga hari at reyna ng ibat ibang bayan? Naroon din ang mga prinsesa at prinsipe nilang anak na maaari mong maging kaibigan "

Nakangiting sabi ng reyna sa kaniyang anak

" Tungkol diyan aking ina, maaari bang huwag niyo na lamang akong ipakilala sakanila? Kaarawan ngayon ni Imelda at siya lamang ang dapat ninyong ipakilala sa lahat "

Pakiusap naman ni Luna sa ina at labis ang kabang nararamdaman nito sa magiging sagot ng kaniyang ina

" Aking anak, kung tungkol ito sa pisikal mong kaanyuan ay hindi ka rapat mabuhay ng ganito, nag tatago sa lahat. Poprotektahan ka namin ng iyong ama "

Nakakunot noong sabi ng reyna sa anak

" Pakiusap aking ina, pupunta naman ako sa baba upang makipag kilala sa ibang bisita, ayoko lamang na agawin ang atensyon ng lahat dahil kay Imelda lamang dapat ang kanilang mga atensyon "

Pakiusap ni luna sa ina at tumango na lamang ang ina at napabuntong hininga

" Sige anak, nirerespeto ko ang iyong desisyon "

Malungkot na sabi ng reyna saka ito ngumiti sa anak

Bawat sulok ng palasyo ay perpekto ang mga disenyo at nag mistulan itong hardin na naaayon sa gusto ng prinsesang si Imelda

Lumipas ang ilang oras at kasabay ng pag lubog ng araw ay ang pag dagsa ng mga bisita sa palasyo

Ang mga hari at reyna na nag mula sa ibang ibayo ay hinandaan ng espisyal na kwarto upang mag sama sama

Ang ilan naman ay nasa lugar kung saan pwede lamang ang mga normal na bisita

" Magandang gabi sa inyong lahat mga binibini at ginoo, kung inyong mamarapatin ay maupo na kayo sa inyong mga upuan dahil mag sisimula na "

Naagaw ng tagapag anunsyo ang atensyon ng lahat dahilan upang maupo ang lahat sa kanilang mga upuan

Namatay ang lahat ng ilaw at ilang segundo pa ay nag simula nang mag lakad ang prinsesa si Imelda at sakaniya lamang itinutok ang dilaw na ilaw kayat namangha ang lahat

Naging tahimik ang lahat dahil nakatuon lamang ang atensyon nila sa dalagang si Imelda na malapit nang makaakyat sa entablado kung saan naroon ang kaniyang trono

Manghang mangha ang lahat sa kagandahang taglay ni Imelda at nag simula ang pag sasalo salo ng lahat nung makaupo na sa trono ang prinsesang si Imelda

Habang nag diriwang ang lahat ay mag isang nasa silid niya ang prinsesang si Luna na ngayon ay binubuksan ang kabinet malapit sa kaniyang kama

Doon nito kinuha ang balabal na kaniyang ipang tatakip sa kaniyang ulo at mukha

Maingat na bumaba ang prinsesang si Luna at pag baba nito ay doon niya napag tanto na masyadong marami ang mga bisita at maaaring makita siya ng mga ito

Napag desisyunan ng dalaga na sa hardin na lamang siya pumunta kung saan kakaunti lamang ang mga tao at madilim kaya't hindi siya madaling makikita ng mga ito

Halos lahat ng reyna at hari mula sa kanikanilang bayan ay pumunta rin at kasama na rito ang kanilang mga anak lalong lalo na ang reynang si Gilda at ang haring si Venancio

Alam ng reynang si Gilda na ang kaniyang kapatid ang nag imbita sakaniya kaya't kinuha na nito ang oportunidad na makita ang kaniyang kapatid

Sa gitna ng pag sasalo ng mga hari at reyna ay hindi mapigilan ng prinsipeng si Luis na mainip dahil napaka pormal ng mga tao sa silid na iyon

Binalak ng prinsipe na lumabas sa silid ngunit hinablot siya ng kaniyang kambal na si wilfred

" Saan ka pupunta aking kapatid? Ang sabi ng ating ina ay dito lamang tayo "

Pag pigil ng prinsipeng si Wilfred sa kaniyang kambal

Hindi maikakaila ng lahat na nakuha ng kambal na prinsipe ang kanilang kagwapuhan sa kanilang ina nag mimistulang lalaking bersyon ni Gilda ang kaniyang mga anak

" Nakakainip ang pagsasalo na ito Wilfred, bitawan mo ko dahil mag lilibot lamang ako sa palasyong ito. Nabalitaan ko na maganda ang hardin nito "

Nakangising sabi ng binatang si Luis sa kambal saka nito inalis ang kamay ni Wilfred sa kaniyang braso at tuluyan ng lumabas sa silid

Napa buntong hininga na lamang si Wilfred dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang kambal dahil kapag ginusto ni Luis ay magagawa niya

Sa kambal ay lumaking magkabaliktad ang ugali nila, ang prinsipeng si Wilfred ay lumaking masunurin sa ina at malambot ang puso sa mamamayan gaya ng kaniyang ina na si Gilda habang ang prinsipeng si Luis naman ay lumaking matigas ang ulo at marahas gaya ng kaniyang ama na si Venancio

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon