Kabanata 4

220 7 3
                                    

Kabanata 4

" maaari ka munang magpahinga rito sa kwartong ito, kung kinakailangan mo ng tuloy ay tawagin mo lamang ako "

nakangiting sabi ni mang Arnold kay Belinda 

" maraming salamat ho mang Arnold, utang na loob ko ang buhay ko sa inyo " 

nakangiting sabi ni Belinda at tango lamang ang isinagot ni mang Arnold sakaniya saka na lumabas sa kwarto ang matanda 

maliit at masikip ang kwarto ngunit disente naman itong tignan 

nung inihiga ni Belinda ang sanggol na si Luna ay agad itong umiyak na para bang mas gugustuhin nitong matulog sa braso ng kapatid ng kaniyang ina upang maramdaman nito na ligtas siya

" ssshhh Luna, tumahan kana "

malambing na sabi ni Belinda sa pamangkin saka niya ulit ito binuhat upang patahanin at doon naman ay tumahan ang sanggol na si Luna 

walang nagawa ang dalagang si Belinda kundi ang buhatin at ihele ang kaniyang pamangkin hanggang sa siya din ay hindi niya namalayang nakatulog na siya 

aabutin pa ng isang araw bago makarating si Belinda sa kaniyang pupuntahan 

habang sa kabilang bayan naman ay naroon ang magkasintahang si Amelia at Adrian kung saan sila ay nag sasalo sa mainit na halik ng kanilang pag mamahal 

" Amelia, mamarapatin mo ba kung tayo ay pupuslit sa aming palasyo? " 

nag hihingalong tanong ni Adrian sa kasintahan dahil ito ay kinakapos sa hininga 

" kung iyon ang gugustuhin mo aking mahal " 

malambing na sabi ni Amelia sa kasintahan habang nakapalupot ang kaniyang mga braso sa leeg ni Adrian 

sabay silang humagikgik dahil sa kalokohang naiisip nila 

mainggat ang magkasintahan sa paglalakad papunta sa palasyo nila Adrian at nag iingat din sila dahil baka mahuli sila ng mga guardia sibil

alam ng dalawa na hindi sangayon ang pamilya ni Adrian sa relasyon nila kaya mas pinili ng dalawa na itago na lamang ito 

nag tatago ngayon ang dalawa sa iang puno sa likuran ng mansyon nila Adrian dahil may dumaang isang bantay at nung nawala ang iyon ay tumakbo ang dalawa papunta sa isang puno kung saan malapit ang punong ito sa bintana ng kwarto ni Adrian 

sanay na ang dalawa sa pag akyat sa punong ito dahil ilang beses na silang pumuslit sa mansyon 

nung matagumpay na nakapasok ang magkasintahan sa kwarto ni Adrian ay doon na natuloy ang nag iinit na pagmamahalan ng dalawa at pilit na hindi gumawa ng mga halinghing at ingay upang hindi sila mahuli ng magulang ni Adrian 

sumikat ang araw ay nagising na ang dalagang si Belinda ngunit bumilis ang tibok ng puso nito nung wala na sa bisig niya ang kaniyang pamangkin 

" Luna! " 

natatarantang lumabas si Belinda upang hanapin ang kaniyang pamangkin at kada makakasalubong nitong may dalang bata ay hinahatak niya, umaasa na iyon ang pamangkin niya ngunit hindi 

" mang Arnold " 

nabanggit ni Belinda ang pangalan ng matanda na nasa labas ng barko upang magpaaraw at magpahangin 

agad na tumakbo ang dalaga papunta kay mang Arnold at naka hinga ito ng maluwag nung nakita niyang karga karga nito ang sanggol 

" hindi na kita ginising dahil masarap ang tulog mo, ang sabi nila ay mabuti sa bata ang sinag ng araw tuwing umaga kaya't inilabas kona muna ang iyong pamangkin "

pag papaliwanag ni mang Arnold kay Belinda at tumango naman ang dalaga at pinag masdan ang mapayapang dagat 

" maraming salamat sa iyong kabutihan mang Arnold "

nakangiti ngunit seryosong sabi ni Belinda sa matanda 

" walang wala ito kumpara sa itinulong ng mga magulang mo sa pamilya ko Belinda, nung nabalitaan ko ang pagkawala ng iyong mga magulang ay nanlumo ang kalooban ko. maayos ang pag papatakbo nila sa bayan ngunit nung si Haring Venancio na ang humawak ng bayan ay napuno na ng takot ang mga mamamayan nito " 

nanlulubong kwento ni mang Arnold sa dalaga at nanatili namang tahimik si Belinda 

" osiya, nag handa ako ng umagahan para sayo hija, nasa tabi ng kama mo iyon. hindi mo ata napansin. kumain kana muna at ako na ang bahala sa pamangkin mo "

nakangiting sabi ni mang Arnold sa dalaga at tumango naman si Belinda 

" maraming salamat mang Arnold "

pag papasalamat ni Belinda saka na ito bumalik sa kwarto niya upang mag agahan 

kasabay ng pag gising ng may kaba ni Belinda ay ganun din ang nangyare sa kaibigan niyang si Amelia 

" Adrian! buksan mo ang pinto! "

nayanig ang magandang umaga ng dalawang mag kasintahan nung malakas na hinahampas ng ina ni Adrian ang pintuan ng kwarto niya 

natarantang nag bihis si Amelia at ganun din si Adrian 

" saglit lang aking ina! " 

sigaw ni Adrian saka nito binuksan ang bintana ng kaniyang kwarto at agad namang lumabas doon si Amelia at tumungtong sa maaking sanga ng puno 

hinalikan ng binatang si Adrian ang kaniyang kasintahan 

" mag iingat ka "

pabulong na sabi nito kay Amelia at nakangiting tumango naman ang dalaga 

agad na sinara ng binatang si Adrian ang kaniyang bintana saka nito p[inag buksan ng pinto ang kaniyang ina

" bakit ang tagal mo namang buksan ang iyong pinto Adrian? "

nag uusisiang tanong ng kaniyang ina

" dahil nag aayos ako aking ina "

nakangiti ngunit kabadong sabi ni Adrian 

mahinahon ngunit nakakatindig balahibo ang prisensya ng ina ni Adrian 

dahan dahan itong pumunta sa bintana ng binata at binuksan ito, umaasa na may makikita ngunit pag bukas nito at pag silip sa puno ay wala na itong natagpuan 

" alam ko ang ginagawa mo Adrian, alam mong ikakapamahak mo iyan sa oras na malaman iyan ng iyong ama " 

babala ng ina ni Adrian sakaniya at napa buntong hininga naman ang binata 

" ina, alam mo ang nararamdaman ko para sakaniya "

seryosong sabi ng binata at tumango naman ang kaniyang ina

" alam ko na matibay ang pag mamahalan niyo anak ngunit mas matibay ang salita ng iyong ama. alam nating dalawa na kakayanin niyang pumatay ng sarili niyang anak Adrian, ang hinihiling ko lamang ay ang mag ingat kayo ni Amelia " 

pag papayo ng kaniyang ina at napa tango na lamang si Adrian 

" naka handa na ang umagahan, bumaba kana doon "

sabi ng kaniyang ina at napa tango na lamang si Adrian sa ina

matagumpay na nakatakas ang dalagang si Amelia paalis sa mansyon ng kasintahan ngunit halo halo ang nadarama ng dalaga

halong saya at lungkot dahil sa sitwasyon nila ng kasintahan ngunit wala na itong magagawa dahil mahirap lamang sila 

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon