Kabanata 19
Sa pag sapit ng gabi ay kasabay nito ang pag hahanda ng mga guardia sibil upang lusubin ang kanilang mga kalaban
" Handa na ba ang lahat?! "
Malakas na tanong ng haring su Venancio sa kaniyang mga guardia sibil
" Handa na ang lahat, mahal na hari "
Nag mamalaking sabi ng pinuno ng mga Guardia Sibil
" Mag tungo na kayo sa palasyong iyon at siguraduhin niyong walang mabubuhay sakanila! "
Maotoridad na sabi ng haring si Venancio at ngingisi ngisi siyang pumasok sa kaniyang kaharian
Agad na pumunta ang haring si Venancio sa Veranda upang pag masdan ang mga papaalis na guardia sibil. Nasa humigit kumulang 5,000 ang mga tauhan ng haring si Venancio, mas marami pa sa inaasahang magiging guardia sibil sa kaniyang bayan
" Tama ang taong kinampihan mo, Prinsesa Imelda "
Nakangiting sabi ng haring si Venancio sa nakangising si Prinsesa Imelda
Tila nilamon na ito ng kasakiman at ambisyon na maging reyna kaya't pinili na lamang nitong traydorin ang kaniyang pamilya alang alang lamang sa trono
" Masunurin ka talaga Wilfred, nung una ay akala ko ikaw ang magiging sakit ko sa ulo "
Nakangiting sabi ni Haring Venancio sa kaniyang anak
" Gaya ng napagka sunduan aking ama ay saakin mo ibibigay ang trono at hindi sa aking kapatid "
Nakangiting sabi ni Wilfred sa kaniyang ama at tila kinakain na ito ng kasakiman
" Tsk tsk tsk "
Nakangiting napapailing ang haring si Venancio sa kaniyang anak at umikot ikot pa ito sa dalawang magkasintahan
" Masyadong mataas ang iyong pangarap Wilfred, matalino ka ngunit hindi mo ginagamit ang iyong isipan. Ikaw na ang magiging hari ng bayan ng iyong kasintahan at ang trono ay mananatili parin sa iyong kapatid "
Nakangiting sabi nito sa anak na mukhang nadismaya
" Ang iyong kapatid na si Luis ay mas malakas at mas may paninindigan sa iyo Wilfred. Nabuhay kang masunurin at hinayaan mong kontrolin kita habang ang iyong kapatid na si Luis ay nabubuhay sa sarili niyang paraan at hindi hinahayaang kontrolin siya ng iba. Magiging hari ka ng mapayapang bayan gaya ng gusto mo at magiging hari ang iyong kapatid na si Luis sa bayang ito "
Tuloy tuloy na sabi haring si Venancio habang pinag mamasdan nila ni Wilfred at Imelda ang mga guardia sibil na patungo sa kabilang bayan na kanilang wawasakin
" Pag masdan mo ang mga guardia sibil na kikitil sa iyong mga magulang Imelda, maaatim ba ng iyong kunsensya ang gagawin mo? "
Nakangising sabi ni Haring Venancio sa prinsesang si Imelda
" Ni hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko nung ginawa nilang tagapag mana ng trono ang halimaw kong kapatid "
Matigas ang puso ni Imelda sa pag kakasabi ng mga katagang iyan
Nakangiti na lamang na pinag masdan ng hari ang kaniyang mga tauhan paalis ng kanilang bayan
Matagumpay ang naging plano ng hari at sobrang saya ang nadarama nito ngunit may halong galit
" Mahal na hari! Parang awa mo na! Itigil mo ang pag lusob ng iyong mga tauhan! "
Agad na nag makaawa ang reynang si Gilda nung nakatakas siya sa mga kamay ng tagapag bantay
Lumuhod ang reyna sa harap ng hari upang mag makaawa dahil ang nasa isip lamang nito ay ang kaniyang anak na si Luna
Sinipa ng hari ang reynang si Gilda dahilan para manghina ito ng konti
" Hindi ba't sinabi kong huwag niyo papakawalan ang reyna?! Ikulong niyo na yan sa kaniyang silid at siguraduhin niyong hinding hindi siya makakalabas! "
Galit na sabi ng hari sa kaniyang mga tagapag bantay
Agad na kinuha ng mga tagapag bantay ang reyna at kahit pumapalag ito ay hindi oarin siya makawala sa mga kamay nito
" Wilfred, tignan mo ang iyong kapatid kung mahimbing parin ang kaniyang tulog "
Utos ni Venancio sa prinsipe at napangisi lamang ito sakaniyang ama
" Sigurado akong hindi siya magigising ngayon ama dahil kita ng dalawang mata ko ang pag inom niya sa pampatulog na ibinigay mo "
Nakangising sabi ni Wilfred sa kaniyang ama at napa tango na lamang ang hari
Sa payapang bayan na ngayon halos lahat ng tao ay tulog na, walang kamalay malay ang mga ito na may magaganap na lusuban
Tangging ang Prinsesang si Luna lamang ang gising sa mga oras na ito dahil nasa hardin siya, pinag mamasdan ang buwan na nag bibigay liwanag sa kaniya
Sinisisi parin ng prinsesa ang kaniyang sarili sa pag alis ng kaniyang nakababatang kapatid na si Imelda
Wala itong kamalay malay na tinraydor na sila nito
Sa pag hakbang ng prinsesang si Luna papasok sa palasyo ay naramdaman nito ang yumayanig na lupa
Sa sobrang dami ng mga tauhang ipinadala ng haring si Venancio ay gumagalaw na rin ang lupa
Pilit tinignan ng prinsesa kung ano ang dahilan ng lupa at huli na lamang nung napag tanto niyang mga guardia sibil ito sa kabilang bayan
Kita nito ang mga armas na hawak hawak ng Guardia sibil
Agad na nag madali ang prinsesang pumasok sa kanilang palasyo ngunit bago pa ito makapasok ay may pumigil sakaniya
Nanlaki ang mga mata nito nung makita niya kung sino ang pumipigil sakaniya
" Wala na tayong oras, kailangan na nating tumakas "
Sabi ng prinsipeng si Luis na nakadamit pang guardia sibil at nakatakip ang mukha upang hindi siya makilala ng kaniyang ama
" Kinakailangan kong gisingin ang aking ama at ina "
Nag aalalang sabi ni Luna at pilit itong kumakawala sa pag kakahawak sakaniya ni Luis
" Wala na tayong oras para iligtas si--- "
" May mga kalaban! "
Hindi pa natatapos ng prinsipeng si Luis ang kaniyang sasabihin ay naalerto na ang mga bantay ng palasyo
Wala ng oras ang dalawa dahil nakapasok na ang mga kalaban sa palasyo at tangging ang pag tatama ng mga espada at mga sigaw ng guardia sibil at tagapag bantay ang naririnig ng dalawa
Wala ng ibang choice ang prinsipe kundi ang buhatin sakaniyang balikat ang prinsesa na parang sako
Nag pupumiglas ang prinsesa ngunit hindu siya hinayaan ng prinsipe na makawala
" May tumatakas! "
Nanlamig ang buong katawan ng prinsipe nung may nakakita sakanila
Agad nitong binaba ang prinsesa dahil hindi siya makakalaban ng buhat buhat ang prinsesa
Agad nitong inilagay ang prinsesa sa kaniyang likod dahil napapalibutan na sila ng mga kalaban
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.