Kabanata 3
" maaari mo munang hiramin ang aking mga damit Belinda "
busilak ang loob ni Amelia sa pag alok nito ng mga damit sakaniyang matalik na kaibigan
" kung iyong mamarapatin, kahit isang kasuotan lamang Amelia ay sapat na sa akin. lubos lubos na ang naitulong mo sa akin at laking pasasalamat ko at ikaw ang kaibigan ko Amelia, Maraming salamat "
masayang sabi ni Belinda sa kaibigan nung ilahad na sa kaniya ang isang kasuotan saka naman pumunta si Belinda sa maliit na kwartong tinutulugan ng dalagang si Amelia upang mag bihis
hindi gaanong magarbo pero maayos at disenteng tignan ang mga ito
" kinakailangan na nating umalis Belinda, malapit na ang pag alis ng barko "
seryosong sabi ni Amelia habang hinehele nito ang sanggol na siyang anak ni Gilda dahil nag bibihis ang dalagang si Belinda
" malapit na akong matapos rito Amelia "
sabi ni Belinda at ilang segundo lamang ay lumabas na ito sa kwarto at kinuha agad nito ang anak ng kaniyang kapatid
" tara na "
nag lakad na agad ang dalawang dalaga na may kasamang sanggol paalis sa maingay at malansang palengke
habang nag lalakad sa dilim ang dalawang dalaga ay agad na hinila ni Amelia ang matalik na kaibigan upang makapag tago sila sa mga guardia sibil na kasalukuyang buhat buhat ang isang mamamayan ng kanilang bayan na siyang sugatan at hinang hina
sa kaswertehan ay hindi nakita ng mga guradia sibil ang dalawang dalagang may dalang sanggol kaya't nung makaalis na ang mga ito ay agad na nag madaling umalis ang mga dalaga paalis sa syudad
" bakit may dinakip ang mga guardia sibil na mukhang inusenteng mamamayan? "
takang tanong ni Belinda habang nag lalakad ang dalawa sa tahimik at madilim na kalsada
" mula nung namuno si Haring Venancio ay naging marahas na ang pag dakip ng mga guardia sibil sa mamamayan inosente man o masamang tao, kung makikialam ka sa mga guardia sibil ay isasama ka nila sa huhulihin "
" naging sakim at mapang api ang mga guardia sibil sa bayan na ito atwalang magawa ang mga simpleng mamamayan rito dahil ang hahantungan lamang nila ay ang kulungan sa mataas na hukom "
" mayroon ngang kumakalat na balita na dinakip ang asawa ni aling Fe at hindi na ito natagpuan pa kahit kailan, kahit sa mataas na hukom kung saan ikinukulong ang mga may sala ay hindi napadpad doon ang asawa ni aling Fe "
pag papaliwanag naman ni Amelia sa kabigan na ngayon ay naka kunot ang noo at tila nagulat sa nalamang balita
" sigurado akong hindi mag tatagal ay dadalak ang dugo ng mga inosenteng mamamayan dito sa bayan na ito, bakit hindi ka sumama sa amin Amelia? kayo ng kapatid mo, delikado na ang bayan na ito "
alok ni Belinda sa matalik na kaibigan dahil ito ay labis na nag aalala sa kapakanan ng dalagang si Amelia
" Hindi maaari dahil dito lamang kami nabubuhay ng aking kapatid saka magiging ligtas kami kung hindi kami mangingialam sa mga guardia sibil, huwang kang mag alala Belinda, kaya ko ang sarili ko "
nakangiting sabi ni Amelia sa kaibigin ngunit sa loob loob nito ay gusto rin nitong umalis sa bayan ngunit alam nito na doon lamang sila mabubuhay
" tito "
masayang sabi ni Amelia nung nakita nito ang kaniyang tiyuhin at agad niyakap ng dalagang si Amelia ang kaniyang tiyuhin na siyang nasa likudan ng barko, nag hihintay
" jiha, eto ba ang sinasabi mong kaibigan? "
tanong ng tiyuhin ni Amelia na si mang Arnold at tango lamang ang sinagot ni Amelia
" osige jiha, kinakailangan na naming pumasok sa barko dahil maaari tayong mahuli ng mga guardia sibil "
nag mamadaling sabi ni mang Arnold sa pamangkin
" maraming salamat Amelia, utang na loob ko sayo ito "
nakangiting sabi ni Belinda sa kaibigan bago ito tumalikod at pumasok sa likudan ng barko
nakangiti namang pinag masdan ni Amelia ang pag alis ng barko at tila ba nabunutan ito ng tinik sa dibdib nung ligtas nitong naihatid ang kabigan sa kaniyang tiyuhin dahil maaaring manganib ang buhay ng dalagang si Amelia at pati na rin ang kaniyang kapatid na si Antonio kung mahuhuli sila na itinatakas si Belinda
masayang nag lalakad pa uwi si Amelia dahil naging matagumpay ito sa pag ligtas sa kaniyang kaibigan ngunit ang hindi niya alam ay sa kabila ng kaligtasan na ibinigay niya kay Belinda ay ang siyang kapahamakan niya mismo ang kapalit
habang nag lalakad si Amelia at hindi nito alam na may sumusunod sakaniyang isang lalake
habang dumadaan ang dalagang si Amelia sa makipot at madilim na eskinita ay bumilis ang tibok ng puso nito nung may humila sakaniya at tinakpan ang kaniyang labi upang hindi makapag ingay
" ssshhh "
bulong ng lalake sa tainga ni Amelia na siyang ikinangisi ng dalaga
agad nitong siniko ang lalaki sa kaniyang likuran upang pakawalan siya nito
humarap ang dalaga sa lalaki saka ito napangiti ng matamis
" pinakaba mo ako Adrian "
nakangiting bulong ng dalagang si Amelia sa kaniyang kasintahan
" sinundan kita hanggang sa barko Amelia, sino ang babaeng kasama mo? "
tanong ni Adrian sa kasintahan
" kaibigan ko iyon, bakit mo naman ako susundan sa ganitong oras Adrian? hindi ka ba hinahanap sa inyo? "
takang tanong ng dalagang si Amelia
nababakas sa mukha nito ang simple at inosenteng dalaga na walang ginuwa kundi ang magtrabaho ng husto para sakaniyang mahal na kapatid
" tumakas ako sa mansyon Amelia, nababaliw na ako dahil ilang araw na kitang hindi nakikita "
malungkot na sabi ni Adrian sa kasintahan kaya naman napangiti na lamang si Amelia at saka nito sinunggaban ng matamis na halik ang binatang si Adrian
" worth it ang pagtakas ko sa mansyon dahil ang kapalit non ay ang matamis mong halik Amelia "
nakangising sabi ni Adrian saka nito sinunggaban ulit ng matamis na halik ang kasintahan
iniingatang anak ang binatang si Adrian, popular ang binata na ito dahil sa kayamanan ng kaniyang magulang at sa pagiging perpekto nitong anak sa mata ng maraming tao
BINABASA MO ANG
Liwanag ng Buwan
Historical FictionKapag sumapit lamang ang buwan ay doon mo siya makikita.