Kabanata 15

125 5 6
                                    

Kabanata 15

" Hindi namin kasalanan ang nangyari "

Agad na dipensa ni Imelda sa kaniyang ina pag pasok nito sa opisina ng reyna

" Mirna, kumuha ka ng madaming asin "

Utos ng mahal na reynang si Belinda sa kanilang katulong at tila ba hindi pinapakinggan ang kaniyang anak

" Ina, maniwala ka samin "

Patuloy ang pag kumbinse ni Imelda sa kaniyang ina na wala silang kasalanan sa nangyare kahit alam naman ng buong palasyo ang ginawa nito sa kaniyang kapatid

" Mahal na reyna, ito na ho ang asin na iniutos ninyo "

Magalang na sabi ni mirna saka

" Ibuhos mo lahat ng iyan sa sahig "

Utos naman ng reynang si Belinda at kita nito ang pag lunok ng kaniyang anak na si Imelda

Ibinuhos naman ni Mirna agad ang adin na kaniyang kinuha sa lapag

" Isa oras kayong lumuhod jan "

Utos ng reyna sa dalawang may sala at napa kamot na lamang ng ulo si Wilfred at nananatiling tikom ang bibig

" Pero in--- "

" Kung ang tiising titigan ang iyong kapatid na nagdurusa sa panang pinatama mo sakaniyang braso ay natiis mo, paano pa kaya ang isang oras na pag luhod lamang sa asin na nasa inyong harapan? "

Malamig na sabi ng reynang si Belinda sa dalawa at walang nagawa ang dalawa

Naluluha luha pa ang prinsesang si Imelda dahil sa parusa ng kaniyang ina ngunit wala itong nagawa kundi ang sundin na lamang ang ina

Itinaas nito ang kaniyang makapal na bistida at dahan dahang lumuhod sa mga asin at ganun din si Wilfred

" Mirna, bantayan mo ang dalawang ito, sa oras na tumayo sila ng wala pang lagpas sa isang oras ay sabihin mo sakin "

Utos ng reyna kay Mirna

" Masusunod po mahal na reyna "

Magalang na sabi ni Mirna sa reyna

Umalis na sa opisina si reynang Belinda at nag tungo agad ito sa kwarto ng prinsipeng si Luis upang tignan ang kalagayan ng anak na si Luna

Pag pasok ng reyna sa silid ay paalis na din ang mang gagamot at bago ito umalis ay yumuko muna ito upang mag bigay galang sa reyna

Pinag masdan nito si Luna na kasalukuyang mahimbing ang tulog at may benda sa kaniyang braso

" Salamat sa pag ligtas ng aking anak "

Diretsong sabi ng reyna Belinda kay Luis

" Lahat ay gagawin ko para sa aking mahal na prinsesa, mahal na reyna "

Magalang na sabi ni Luis sa reyna at tumango naman ang reyna

" Kung iyong mamarapatin ay hihiling sana ako ng pabor, bantayan mo sana ang prinsesa Luna. Mahina ang batang ito at hindi marunong lumaban, nung nakita ko kung paano mo ipag tanggol ang aking anak ay napanatag ang aking loob "

Seryosong sabi ng mahal na reyna habang hinahawi nito ang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Luna

" Masusunod mahal na reyna, sa kahit anong paraan ay poprotektahan ko siya "

Seryosong sabi din ni Luis at tumango na lamang ang reyna sakaniya

Sa kabilang silid naman ay naroon ang dalawang may sala na sina Imelda at Wilfred na tumayo na sa asin na kanilang niluluhuran

" Huwag kang mag susumbong kung ayaw mong masaktan "

Pag babanta ni Imelda sa katulong na si Mirna

Walang nagawa si Mirna kundi ang matahimik na lamang dahil labis ang takot nito sa prisesang ni Imelda

" Pahamak talaga ang halimaw na yon! "

Inis na sabi ni Imelda patukoy sa kaniyang kapatid na si Luna

" Hindi ka dapat ginaganyan ng iyong ina Imelda, ikaw lamang ang dapat na kinakampihan niya "

Kalmadong sabi ni Wilfred sa prinsesa at tumango tango naman ang prisesa na parang may naiisip na pag hihiganti

" Hindi ako makakapayag sa ganon aking prinsipe, tutulungan mo ba ako sa aking naiisip na pag hihiganti? "

Nakangising tanong ng prinsesang si Imelda sa prinsipeng si Wilfred at nakangiti namang tumango si Wilfred sakaniya

" Ano naman ang iyong naiisip aking mahal na prinsesa? "

Tanong ni Wilfred ay Imelda at binulong naman sakaniya ni Imelda ang kanilang gagawin

Habang nakikinig kay Imelda ay nakangisi at napapa tango pa si Wilfred sa naisip na pag hihiganti ni Imelda

Tila ba nabaliktad ang sitwasyon, ang dating mabait ay nagiging masama na dahil sa pag ibig

Ngunit nag bago nga ba ito o sumusunod lamang ito sa utos dahil kilala ang prinsipeng si Wilfred sa pagiging masunurin?

Napa buntong hininga na lamang ang reynang si Belinda bago ito kumatok sa pintuan ng opisina ng hari

Pag pasok nito ay agad siyang sinalubong ng hari

" May prinblema ba aking reyna? "

Nag aalalang tanong ng haring si Christian sa kaniyang asawa dahil kita nito sa mata ng reyna na may problema

" Hindi ko na alam ang aking gagawin kay Imelda, masyadong lumaki ang kaniyang ulo sa pag bibigay natin ng lahat ng kaniyang gusto "

Pag ku kwento ni Belinda sa asawa at kinwento rin nito ang nangyare sa dalawang prinsesa

Napa buntong hininga na lamang ang haring si Christian at hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman

" Masyado kang na mo mroblema aking reyna, bakit hindi kana lamang sumama sa akin sa kabilang bayan? Bisitahin ko ang haring si Lucio at ang kaniyang reyna upang pag usapan ang palitan ng produkta ng ating bayan "

Nakangiting aya ng haring si Christian sa asawa at tumango tango naman ang reyna na nasa isio nito ay ito na lamang ang paraan upang mawala ang madami nitong iniisip na problema

" Salamat aking hari "

Nakangiting sabi ni Belinda sa kaniyang asawa at tumango naman sakaniya ang hari

Tinititigan lamang ni Luis ang beda sa braso ni Luna

Hindi nito maalis ang tingin sa magandang hugis na braso ni Luna pataas sa leeg nito na makinis at sa labi nitong mapula

Tuluyan ng naakit ang prinsipeng si Luis kaya naman dahan dahan itong lumapit sa prinsesang napaka himbing ng tulog

Pinag mamasdan nito ang mala anghel na mukha ni Luna at tuluyan na itong nadala

Dahan dahang lumapit ang prinsipe Luis

Marahan nitong dinampi ang kaniyang labi sa labi ng prinsesang walang kaalam alam

Napangiti ang prinsipe dahil sa napaka lambot ang mga labi ng prinsesa

Sa huling pag kakataon ay muli nito binigyan ang marahang halik ang natutulog na prinsesa

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon