Kabanata 12

150 7 6
                                    

Kabanata 12

Nagulat ang hacienderong si Adrian sa nalaman niya

' may anak na siya? Siguro ay may asawa na din siyang iba '

Sabi nito sa isipan niya dahilan upang mapatalikod siya at bumalik sa tabi ng asawa

" Ina, ayos ka lang po ba? Ginagambala ka ba ng lalaking iyon? "

Nag aalalang tanong ng binatang si Carlo sa ina na si Amelia

" Ayos lang ako Carlo, kamusta naman ang pag lilibot mo sa palasyo? May nahanap ka bang inspirasyon sa iyong guguhitin? "

Nakangiting sabi ni Amelia sa anak dahil pangarap ng kaniyang anak ang maging pintor at biniyayaan din ito sa pag guhit

" Sa tingin ko ay may nahanap na ako aking ina, kakaiba ngunit nakakamangha "

Nakangiting sabi ni Carlo sa ina

" Siguro ay mas mabuting mauna na tayong umuwi Carlo, masama ang pakiramdam ko "

Pag sisinungaling ni Amelia sa kaniyang anak upang makaiwas lamang sa dating kasintahan na si Adrian

Sa kabilang parte naman ng palasyo ay magkaharap ang kambal na reyna na sina Belinda at Gilda habang katabi ang mga kanilang hari

" Ikinakagalak ko ipakilala sa inyo ang aking anak na prinsesang si Imelda "

Nakangiting sabi ng reynang si Belinda sa mga prinsipeng katabi ng kanilang mga magulang

Hindi nag pakita ng kahit na anong reaksyon ang prinsipeng si Luis habang namamangha naman ang prinsipeng si Wilfred

" Ikinagagalak kong makilala ka prinsesa Imelda "

Labis ang tamis sa ngiti ni Wilfred ngunit hindi siya pinansin ni Imelda sapagkat nakatuon ang paningin niya sa prinsipeng si Luis

" Eto naman ang aking mga prinsipeng anak na sina Luis at Wilfred, magaling sa pakikipag laban at pangangaso si prinsipe Luis habang magaling namang tumugtog ang prinsipe Wilfred "

Nakangiting pakilala ni Gilda sa kaniyang mga anak

" Siguro ay ngayong gabi maaayos natin ang labanan sa ating bayan, nais kong iwan rito ang aming dalawang prinsipe upang mapagpilian ng inyong prinsesa kung sino ang gusto niyang maging kabiyak "

Nakangiting sabi ni Haring Venancio na ikinagulat naman ni haring Christian

" Ngunit ngayon pa lamang naging ganap na dalaga ang aking anak, hindi bat parang napaka aga naman ng iyong hinihiling haring Venancio? "

Nakakunot noong sabi ni haring Christian dahil hindi pa ito handa na ibigay sa ibang binata ang kamay ng kaniyang dalagang anak

" Ayos lamang sa akin aking ama, may napupusuan na rin ako sa kanilang dalawa "

Matamis ang ngiting ni Imelda habang sinasabi ang mga katagang iyon at tinititigan si Luis

" Maaari mong maging kabiyak si Wilfred, ipag paumanhin niyo ngunit may kailangan akong hanapin. Mayroon ba kayong nakitang dalaga na kasing puti ng liwanag ng buwan? Siya ang nais kong maging kabiyak "

Walang ano ano ay sinabi ni prinsipe Luis ang mga katagang iyon ng hindi iniisip ang nararamdaman ng prinsesang si Imelda

" Sa tingin ko ay kilala ko ang iyong tinutukoy prinsipe Luis "

Nakangiting sabi ng reynang si Belinda sa prinsipe na ngayon ay nag niningning ang mata

" Kung hindi niyo nahahalata ay si Luis ang nais kong maging kabiyak "

Diretsong sabi ni prinsesa Imelda kahit hindi pa ito sigurado sa nararamdaman ngunit nung malaman nito na si Luna ang hinahanap ni Lyis ay nag pasya itong hindi niya hahayaang mapunta si Luis sa gaya ni Luna

Nag kakagulo sa parteng iyon ng palasyo dahil iba iba ang gusto ng mga prinsipe at prinsesa

Habang ang ibang bisita naman ay nag sisiuwian na dahil malapit na sumapit ang araw

Sa mataas na parte ng palasyo ay naroon ang prinsesang si Luna na kasalukuyang nag babasa ng kaniyang paboritong libro

" Sa dinami dami ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy "

Nakangiting sabi ni Luna habang binabasa ang huling linya sa libro

' makakaranas rin ba ako ng ganitong katapusan?
Mamumuhay pa ba ako ng normal? '

Tanong nito sa sarili ngunit alam nito na kahit kailan ay hindi magiging normal ang buhay niya dahil sakaniyang pisikal na kaanyuan

Kasabay naman sa mga umuwi na ay ang pamilya ni Amelia na ngayon ay nag hahanda na sa kanilang pag tulog

Halos lahat ng tao sa mansyon ng hacienderong si Antonio ay tulog na kabilang na rin si Amelia maliban na lamang sa isang binata na hindi makatulog sa kakaisip ng kaniyang nakita sa pinaka magandang hardin

Nag desisyon itong bumangon at pumunta sa silid kung saan siya nag pipinta

" Natatangi sa lahat "

Nakangiting sabi nito sa kawalan at nag umpisa na itong mag pinta

Inuna nitong ginuhit ang napaka liwanag na buwan at kasunod naman nito ang kaniyang nakitang dalaga na tila ba parang diwata at kasing liwanag ng buwan at pang huli ay ang mga puting rosas na nasa paligid ng dalaga habang nag lalakad sa hardin

" Kakaiba ngunit nakakamangha "

" isang dalaga na kasing liwanag ng buwan "

" isang dalaga na kasing ganda ng mga rosas "

Namamanghang sabi ni Carlo nung matapos nito ang kaniyang ipininta

Hindi lamang ang prinsipeng si Luis ang nakakita sa prinsesang si Luna kundi ang pintor din na si Carlo

" Paalam aking ina at ama "

Nakangiting sabi ng prinsipeng si Wilfred sa kaniyang mga magulang na pasakay na sa karwahe

" Mag iingat kayo rito, huwag niyong bigyan ng sakit ng ulo ang reyna at hari "

Pangangaral na sabi ng reynang si Gilda sa mga anak at sa huling pagkakataon ay sumulyap ito sa kaniyang kambal na si Gilda

Ito lamang ang paraan upang madalaw ng reynang si Belinda ang kaniyang kambal at mga anak kayat pumayag itong iwan sa puder nila Belinda ang mga prinsipe

Kalungkutan ang nadarama ng prinsipeng di Wilfred habang pinagmamasdan nito ang palayong karwahe na sinasakyan ng kaniyang mga magulang habang wala namang pakealam ang prinsipeng si Luis dahil sanay na itong malayo sa kaniyang mga magulang

Sa pag papaiwan ng dalawang prinsipe ay ang tangging gusto lamang ng mga ito ay ang makawala sa kamay ng amang si Venancio na pilit silang pinag eensayo mangaso

Hindi naging masaya ang kabataan ng dalawang prinsipe dahil sa kanilang ama

" Halina kayo at ihahatid ko na sayo sa inyong tutulugan "

Nakangiting sabi ni Belinda sa dalawang prinsepe at tumango naman ang mga ito at pumasok na sa palasyo upang mamahinga

Liwanag ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon