I KNOW. It’s me again… Walang makakaagaw sa akin ng korona!
Confident at buong pagmamalaking bulong ni Candice Soriano sa kaniyang sarili habang nakaharap at nakatingin siya nang diretso kay Aliyah Ramirez. Magkahawak ang kanilang mga kamay at nakangiti sa isa’t isa pero sa likod ng mga ngiting iyon ay halos patayin na nila ang isa’t isa sa talim ng palitan ng kanilang mga tingin.
Kapwa sila nakasuot ng evening gown na talagang nagpalitaw sa angkin nilang ganda. Ang kay Aliyah ay kulay itim na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw. Venus cut at may malalim na slit sa kaliwang hita. Ayaw man niyang aminin pero bumagay ang gown nito sa kayumanggi nitong balat. Naka-messy bun ang itim na itim nitong buhok na kapag hindi nakatali ay hanggang beywang nito.
Kung maganda si Aliyah, hindi naman siya nagpapatalo. Dark green ang kulay ng kaniyang gown at hakab iyon sa kaniyang katawan. Fourteen years old pa lang siya pero maagang nagkaroon ng magandang kurba ang katawan niya. Maraming beads ang kaniyang gown. Bagay na bagay ang kulay sa mestisa niyang balat. Ang buhok naman niya ay malalaki ang kulot na umaabot sa ibaba ng kaniyang balikat. Hinayaan lang niya iyong nakalugay.
“Excited na ba kayong malaman kung sino ang mananalo this year bilang Miss RNHS?” Malakas na tanong ng emcee na isa ring guro sa school kung saan sila nag-aaral.
Nasa gitna silang dalawa ni Aliyah ng stage. Walang gustong magsalita sa mga nanonood upang marinig ng mga ito ng maayos kung sino sa kanila ang mananalo.
Ang Miss RNHS ay ang pinaka hinihintay na beauty pageant sa kanilang eskwelahan. Ginaganap ito tuwing Marso bago matapos ang school year.
Simula nang tumuntong siya sa Real National High School at sumali siya sa naturang beauty pageant ay wala nang nakaagaw sa kaniyang korona. First year high school, panalo siya. Second year high school siya pa rin. At ngayong third year high school, sigurado siyang siya pa rin ang “reyna”.
Wala naman kasing reigning queen na nagpapasa ng crown. Kahit nanalo na ay pwede pa rin na sumali. Iyon ang isa sa patakaran ng pageant.
Hindi na rin naman nagtataka si Candice kung bakit walang nakakaagaw sa kaniya ng title na Miss RNHS. Walang magsasabing hindi siya maganda. Maganda ang hugis ng kaniyang mukha. Malalaki ang kaniyang mga mata at may kakapalan ang kilay. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Ang pagiging mestisa niya ay namana niya sa kaniyang tatay na Espanyol na hindi na niya nakilala. Nang nabuntis kasi nito ang nanay niya sa kaniya ay parang bula na naglaho ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita kahit sa picture.
Well, wala naman na siyang pakialam sa tatay niya. Lumaki at nabuhay naman siya na nanay lang niya ang kasama noong nabubuhay pa ito. Para sa kaniya ay patay na ang kaniyang ama. Kahit isang porsiyento ay wala siyang balak na hanapin ang kaniyang ama.
Pasimpleng ngumisi si Candice kay Aliyah. “If I were you, magwa-walk out na lang ako. Hindi ko na hihintayin na mapahiya kapag sinabing ako ang winner.” Pabulong na turan niya sa katunggali. Bahagya pa niyang inilaki lalo ang mga mata para masindak ito.
BINABASA MO ANG
School Trip 7: Deadly Sin
HorrorIsang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP... Class resumes!