“OMG! 'Yong phone ko! Shit!” Napalakas ang pagmumura ni Nikki nang makita niyang nalaglag ang kaniyang cellphone. May ilaw sa labas ng bahay kaya nakita niya kung saan iyon nalaglag. Sa may damuhan sa gilid ng bahay. Sa tingin niya ay ayos pa naman ang cellphone dahil meron pa iyong ilaw.
“Ano ba, Nikki?! Ang ingay mo! Sa labas ka na nga lang matulog!” Naiiritang sita ni Destiny.
“'Yong phone ko kasi… nahulog—”
“I don’t care! Just shut your mouth!” anito sabay balik ulit sa pagtulog.
Napanguso na lang si Nikki sa sobrang pagka-inis kay Destiny. Hindi na siya nagsalita at lumabas na siya ng kwarto upang kunin ang cellphone sa labas. Siguro naman ay hindi pa iyon nasira. Pagbaba niya ay nakita niya si Alexander sa may salas. Nakahiga sa sofa at mahinang humihilik. Nagdahan-dahan siya sa pagbukas ng pinto at nakakahiya kung magigising pa niya ang may-ari ng bahay.
Papalabas na sana siya nang may marinig siyang parang boses ng babaeng sumisigaw. Natigilan siya at pinakinggan iyon ng maigi. Ang hirap malaman kung totoo ba ang sigaw na naririnig niya o gunu-guni lang.
Ikinibit niya ang balikat at tuluyang lumabas ng bahay.
Sumalubong kay Nikki ang malakas na hangin. Mabilis niyang isinara ang pinto. Doon niya nahinuha na baka dahil sa lakas ng hangin ay umuugong iyon at iyon ang naririnig niyang parang sigaw ng isang babae. O kung hindi man iyon hangin, baka humahalinghing na naman si Destiny dahil nagtatalik na naman ito at si Rocco.
Mabilis na kumilos si Nikki at pinuntahan niya ang spot kung saan nahulog ang kaniyang cellphone. Pero ganoon na lang ang pagkakatak niya nang walang cellphone siyang nakita. Tumingala siya at nasa tapat siya ng bintana ng kwarto nila nina Destiny. Kaya paanong nawala iyon?
“Where is that shit?” Inis niyang tanong.
Wala siyang pakialam kahit nababasa na siya ng ulan. Patuloy lang siya sa paghahanap habang nakayuko. Kahit imposible, inisip niyang baka hinangin ang cellphone at kung saan na napunta.
Bahagya siyang nagulat nang marinig niya ang tunog ng flash ng kaniyang cellphone kapag may kinunan siyang litrato. Napaangat ang ulo niya at isang tao ang nakita niyang nakatayo malapit sa kaniya. Hawak nito ang cellphone niya at kinukunan siya ng picture. Nakakasilaw ang flash ng cellphone niya kaya napapapikit siya at hindi niya masyadong maaninag kung sino ang taong iyon.
“Stop! Ang sakit sa mata! Akin na ang phone ko!” ani Nikki. Nakaharang ang isa niyang kamay sa mukha habang papalapit sa tao.
Hindi niya alam kung ano ang trip nito at sinisilaw siya sa flash. Humanda ito sa kaniya oras na makuha niya ang cellphone. Kaya mabilis niyang hinablot ang cellphone niya pero agad nitong iniiwas iyon. Matalim ang mata na tiningnan niya ito.
Hanggang sa makilala niya ito. Nakita niya ang mukha nito dahil halos isang dangkal na lang ang layo nila sa isa’t isa.
Akmang magsasalita sana si Nikki nang may inilabas na puting panyo ang taong iyon mula sa bulsa ng pantalon nito. Binitawan nito ang cellphone at hinablot siya sa buhok. Hindi na niya nagawang makasigaw dahil itinakip na nito ang panyo sa kaniyang ilong at bibig. May naamoy siyang kakaibang amoy na naging sanhi ng labis na pagsakit ng kaniyang ulo. Nahilo siya nang husto hanggang sa nakaramdam siya ng labis na antok. Maya maya ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Ang huli niyang natatandaan ay nang bumagsak siya sa lupa at muling kinuha ng taong iyon ang kaniyang cellphone.
-----ooo-----
MAAGANG nagising si Candice ng umagang iyon. Kalat na nag liwanag sa labas at wala na siyang naririnig na patak ng ulan sa bubong. Inaantok na naglakad siya papunta sa bintana. Maaliwalas na ang panahon. May araw na bagaman marami pa ring ulap sa langit.
BINABASA MO ANG
School Trip 7: Deadly Sin
HorreurIsang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP... Class resumes!