LESSON 20- Caught In The Act

3.1K 118 11
                                    

PAKIRAMDAM ni Candice ay mababaliw na siya sa sobrang sarap habang nagtataas-baba sa ibabaw ni Rocco. Ngayon ay nakapaibabaw na siya dito at siya na ang may kontrol sa kanilang pagtatalik. Nakahawak ang dalawang kamay ni Rocco sa kaniyang mga beywang at manaka-nakang hinahampas ang pisngi ng kaniyang puwit kapag ito ay nanggigigil. Kapwa sila nakapikit na dalawa. Ninanamnam ang sarap ng pagniniig na iyon. Impit ang mga ungol dahil kinakabahan sila na baka may makarinig sa kanila.

Nalaman niya na malapit nang labasan si Rocco dahil mas lumalakas na ang ungol nito. Malapit na rin siya at ang gusto niya ay sabay silang sumabog.

“Malapit na ako, Rocco!” hiyaw niya.

“A-ako din! Faster, please. Faster!”

Sa sinabing iyon ni Rocco ay mas lalo niyang binilisan ang pagtaas-baba. Sinamahan pa niya ng paggiling na lalong nagpatirik sa mga mata ng lalaki. Nararamdaman na niya. Malapit na siya. Malapit na malapit na! Anumang sandali ay lalabasan na siya!

Ngunit nang halos isang segundo na lang at sasabog na ang katas ng pagnanasa nila ni Rocco ay may isang kamay na humablot sa buhok niya at hinila siya palayo kay Rocco. Kinaladkad siya ng may-ari ng kamay. Napasigaw siya sa sakit ng pagkakasabunot at hila nito. Gumagasgas pa sa matutulis na bato ang binti niya.

“Hayop ka! Malandi kang babae ka! Putang ina ka!!! Papatayin kita! Papatayin kita!” Nang murahin siya ng taong sumabunot sa kaniya ay doon niya nalaman na si Destiny pala iyon.


-----ooo-----


KANINA pa umiikot ang mata ni Destiny dahil sa sobrang bored. Panay din ang hikab niya. Nasa kusina sila at nakaupo sa may dining area habang nagkukwento si Alexander ng kung anu-ano tungkol sa buhay nito. Mga nakakatawang experience nito noong bata pa ito hanggang sa magbinata.

Sa lahat yata ay siya lang hindi interesado sa mga sinasabi ni Alexander. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa siya nag-walk out. Mas maganda pang matulog kesa makinig sa boring na kwento ni Alexander.

Wala kasi si Rocco. Umiinom ito sa labas. Anito, hindi ito makatulog at gusto nitong malasing kahit papaano para daw antukin ito at maging maganda ang pagtulog mamaya. Hinayaan na lang niya ang nobyo. Wala kasi siya sa mood na uminom ngayon kaya hindi na niya ito sinamahan.

Maya maya ay tumayo si Candice. Narinig niya na nagpaalam ito kay Samuel na may kukunin lang ito sa itaas. Ayaw niyang tingnan ang babae kaya inirapan niya ito.

Kumukulo talaga ang dugo niya kapag nakikita si Candice dahil alam niya na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ito kay Rocco. Noon pa man ay gusto na niya si Rocco. Ewan ba niya kung bakit siya natatakot noon kay Candice at hindi siya gumawa ng paraan para maagaw si Rocco dito. Dala na rin siguro ng kabataan kaya parang itinuring nilang reyna si Candice. Pakiramdam kasi nila ay matapan na tao ito at kaya silang protektahan.

“Kaya kayo, i-enjoy niyo lang ang inyong kabataan habang meron pa kayong oras. Huwag kayong tumulad sa akin na nalipasan na,” tumatawang sabi ni Alexander.

“Pero hindi pa naman kayo ganoon katanda, a,” sabi ni Jillian. Nakangalumbaba pa ito at isa sa mga natutuwa sa mga kwento ni Alexander na hindi niya talaga gusto ang pinagkukwento.

“Kumpara sa inyo, matanda na ako.”

“Hindi naman halata, e…” ani Samuel.

“Binola niyo pa ako.” Bahagya pa itong natawa. “Oo nga pala, nasaan na iyong isa ninyong kasama? Si… Nikki? Tama ba? Nikki ang pangalan no’n?”

Nagkatinginan sila sa tanong ni Alexander. Inaasahan na nila na magtatanong ito sa pagkawala ni Nikki. Alam nilang mapapansin nito iyon at hindi siya handa sa isasagot dito.

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon