LESSON 03- Taken All Away

3.7K 120 12
                                    

“ROCCO!” Tawag ni Aliyah kay Rocco nang makita niya itong papalabas ng canteen. Papasok sana siya pero hindi na siya tumuloy dahil sa nakita niya ang lalaki.

Bahagyang tumaas pa ang isa niyang kilay nang mapansin niyang kasama pala nito si Candice. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil nakasaklit pa ang babae sa braso ni Rocco. Mukhang hindi pa sinasabi ni Rocco dito ang napagkasunduan nila. Kung ganoon, siya na lang ang magsasabi!

Mas maganda na rin na siya ang magsasabi kay Candice para maipamukha niya dito nang husto ang pagkawala dito ni Rocco. Mas masasaktan niya ito.

Hindi narinig ni Rocco ang una niyang pagtawag. Patuloy lang ito sa paglalakad kasama si Candice. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa makarating na ang mga ito sa hallway na papunta sa kanilang classroom.

Doon niya ito ulit tinawag. “Rocco! Baby!” Sa lakas ng pagkakasigaw niya ay imposibleng hindi siya nito narinig.

Si Candice ang unang lumingon sa kaniya. Huminto ang dalawa at saka siya lumapit.

“Anong sabi mo?” Nakataas ang isang kilay ni Candice.

Walang salitang namutawi sa bibig ni Aliyah. Hinawakan niya ang kamay ni Candice para alising iyon sa braso ni Rocco. Pumiglas ito at tinabig ang kamay niya. Medyo masakit pero kaya niya iyong palampasin. Ayaw niyang siya ang unang mananakit dahil siya ang magmumukhang masama sa lahat. Marami pa namang estudyante ang nakatambay sa hallway at ang iba ay nakuha na nila ang pansin.

“Ano bang ginagawa mo?!” sa inis ni Candice ay itinulak na siya nito.

Pilit pa ring pinakalma ni Aliyah ang sarili. “Kinukuha ko lang ang sa akin.” Mahinahon niyang turan sabay halukipkip.

Kumunot ang noo ni Candice. “Ano’ng sabi mo? Si Rocco ba ang tinutukoy mo?” Nalilitong itinuro nito ang katabi.

“Yes. Tama! Hindi ka naman pala slow. So, akin na siya—”

“Rocco, ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?!”

Napayuko lang si Rocco at hindi makapagsalita.

Gustong-gusto niya ang magkahalong pagkainis at pagkalito sa mukha ni Candice. Wala itong kaalam-alam na naagaw na niya dito ang nobyo nito.

“Gusto mo bang ako na ang magsabi kay Candice, Rocco?”

“Hindi!” Mabilis nitong sagot. “A-ako na…”

“Rocco! Ano ba ito?” Pati si Rocco ay hinampas na rin ni Candice sa braso.

“Candice, p-patawarin mo ako pero… kami na ni Aliyah. Break na tayo.”

Natigalgal si Candice sa isiniwalat ni Rocco. Ilang segundo din itong napanganga at hindi nakagalaw. “N-nagbibiro ka lang. 'Di ba? Hindi mo ako ipagpapalit sa fake na iyan!” sabay duro nito sa kaniyang mukha.

Humakbang si Aliyah at hinila si Rocco. “Well, he just did. Ipinagpalit ka na ni Rocco sa akin na sinasabi mong fake, Candice. Kawawa ka naman…” Umakto pa siyang malungkot para mas asarin si Candice.

“Bitch ka! Mang-aagaw!” galit na galit na sigaw ni Candice. “Magsama kayong dalawa! Mga basura!” At malalaki ang hakbang na naglakad ito palayo.

Masaya na sinundan ni Aliyah ng tingin si Candice. Iba pala sa pakiramdam na manalo ka sa lahat. Sa pageant, sa kaibigan at ngayon naman ay sa boyfriend. Masarap. Talagang ramdam niya ang pagiging “reyna” ngayon. Talagang malaki pala ang nagawa ng pagkapanalo niya sa Miss RNHS.

Hinarap na niya si Rocco. Umangkla na siya sa braso nito sabay ngiti ng malaki. “So, ano nang gagawin natin, baby? Gusto mo bang pumunta tayo sa—”

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon