MAG-ISANG nakatayo si Candice sa may tabi ng bintana sa kwartong tinutuluyan nila. Sa kwartong iyon ay sina Samuel at Jillian. Sa kabila ay sina Rocco, Destiny at Nikki. Habang si Alexander ay sa may salas na lang daw muna.
Pinagmamasdan niya ang pag-ulan. Hanggang ngayon ay malakas pa rin iyon at parang walang balak na huminto. Nasa ibaba pa ang mga kasama niya at lahat ay gustong maligo. Si Samuel ay kausap si Alexander at nasa ibaba rin ang dalawa. Siya lang ang naroon sa itaas.
Malalim ang kaniyang iniisip at iyon ay tungkol pa rin kay Aliyah. Sino bang mag-aakala na makalipas ang maraming taon ay magiging problema niya pa rin ang babaeng iyon?
Kanina ay pasimple silang nag-usap ng mga kaibigan niya. Sinabi ni Rocco na magkukunwari silang bakasyunista kay Alexander para magkaroon sila ng dahilan para manatili sa bahay nito. Sapat na siguro ang tatlong araw para hanapin nila ang balon sa gubat kung saan nila inilagay noon ang katawan ni Aliyah.
May narinig siyang yabag na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang buong akala niya ay si Samuel pero umismid siya nang malaman na si Destiny iyon.
“Hi, Candice!” Masigla nitong bati sa kaniya. “Hindi ka ba liligo? Wala nang tao sa CR. Hindi ba, dapat ay madalas kang maligo kasi sobrang dumi mo?”
Tumiim ang bagang ni Candice. Alam niya na inaasar lang siya nito. “Hindi na kailangan. Sa pagkakaalam ko kasi ay malinis na ako. Saka ano bang ginagawa mo dito? Doon kayo sa kabila. Don’t tell me pati itong kwarto namin ay aagawin mo?” Ganti niya sa pang-aasar nito.
Agad na lumapit si Destiny sa kaniya. Madali kasi itong mainis. “FYI, bitch! Wala akong inaagaw sa iyo!” sinaklit siya nito sa braso pero malakas siyang pumiksi.
Matalim ang mata na tiningnan niya ang dating kaibigan. “Talaga ba? Hindi kasi iyon ang nakikita ko. 'Yong sinuka ko, kinakain mo ngayon—”
“Oh! Si Rocco ba? Sa pagkakaalam ko kasi break na kayo nang maging kami, e. Saka anong isinuka mo? Bitch, ikaw ang isinuka ni Rocco dahil nalaman niya na ginagahasa ka ng tito mo. Baka gusto mong iuntog kita para maalala mo? Wait, alam ba ni Samuel ang tungkol sa dumi mo?”
“Oo, alam niya at tinanggap niya ako pati na ang nakaraan ko!”
“Iyon naman pala, e. Ano itong sinabi sa akin ni Rocco na kinausap mo siya and you want him back? Anong kakatihan iyan, Candice? Pasalamat ka na lang at may lalaking tumanggap sa iyo! Kay Samuel ka mag-focus at huwag sa boyfriend ng iba!”
Napataas ang isang kilay ni Candice. “Ano ba talaga ang pakay mo at nandito ka?”
Humalukipkip ito. “Gusto kong sabihin sa iyo na layuan mo si Rocco. He’s mine now! Kuha mo?”
“Bakit parang isa akong threat sa relasyon ninyo ng ex ko? Afraid much?”
Malakas na napatawa si Destiny. “Pinapatawa mo naman ako! Excuse me! Ako? Matatakot sa iyo? Of course not! Nagpapaalala lang ako sa iyo, bitch…” May kasamang gigil ang huling pangungusap na binitiwan nito.
Naglaban ang kanilang mga mata.
Hanggang sa dumating si Samuel. Lumapit ito sa kanila pero hindi pa rin naaalis ang tingin nila ni Destiny sa isa’t isa.
“May pagkain na sa ibaba. Kakain na tayo,” ani ng nobyo ni Candice.
Humarap si Destiny kay Samuel at ngumiti ng peke. “Ay, thank you, Samuel! Nagkakwentuhan lang kami ni Candice. Alam mo na… Matagal kaming hindi nagkita ng girlfriend mo. Miss na miss ko na kasi siya, e!” Ngumiti pa ito sa kaniya pero sinimangutan lang niya. “Baba na ako. Bye, guys!”
Nang makaalis si Destiny ay may pag-aalalang hinawakan siya nito sa balikat. “Ayos ka lang ba, hon? Parang galit ka…” Hindi niya talaga kayang itago ang emosyon niya dito.
BINABASA MO ANG
School Trip 7: Deadly Sin
HorreurIsang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP... Class resumes!